Chapter 31
Does Hallmark make a "Sorry I tried to drink your blood and touched you in a vaguely inappropriate manner" card? I settled for "How much do you remember?"
― Molly Harper, Nice Girls Don't Have Fangs
***
"Sorry doesn't prove anything unless you mean it."
"Aba! Iba ang hugot niyang quote mo na 'yan ah?" Tumawa si Arriane sa kabilang linya. Napailing ako kahit hindi niya naman makikita.
"Basta, my decision is final. Hindi ko siya tatanggapin hangga't hindi niya napapatunayan sa akin at sa mga anak niya na karapat-dapat siya sa hinihingi niyang patawad. Malay ko ba, Arriane, baka may pamilya na pala siyang kanya tapos lalapit-lapit siya sa mga anak namin tapos iiwan niya rin para dun sa pinakasalan niya? Aba!" Halos hingalin ako pagkatapos kong sabihin ang nasa utak ko.
"Tapos? Nagseselos ka na nyan?"
"Stop teasing me. I'm not jealous, okay? Concerned lang ako sa mararamdaman ng mga anak namin," I defended.
"Naku ha, Gremaica! Kung nandyan lang ako, sasabunutan talaga kita. Humanda ka lang talaga sa akin next week, kakalbuhin kita!"
"Hindi ako magpapakita sa'yo!" tawa ko.
Nasa balcony ako ng hospital dahil sa tawag ni Arriane. Kating-kati na kasi akong sabihan siya sa biglang pagpapakita ni Keaton. At heto nga ay tinutukso niya ako dahil sa dalawang araw na pamamalagi ni Gale sa hospital ay umalis lang si Keaton para kumuha ng iilang gamit pero hindi na umalis pang muli at hands-on sa pakikipaglaro kay Gray at paglalambing kay Gale.
"Mabalik nga tayo, so ... you mean, wala kang pakialam kung sakaling may ibang pamilya na si Keaton?"
Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Arriane. I don't know if kaya ko ba na malaman na may ibang pamilya na si Keaton. May ibang bata siyang inaalagaan maliban sa mga anak namin at may asawa siyang naghihintay ng kanyang pag-uwi. Parang biglang may kumanta sa paligid ng 'That Should Be Me'. Hindi ko ma-imagine na may mahal si Keaton na iba pero hindi ko rin pwedeng ipagpaliban ang mangyari iyon dahil hindi 'yon imposible.
Besides, how many years has it been? Three? Four years? Change is the only constant thing in this world. Sa tagal na ba naman ng panahon, malamang, kagaya ko ay nakamove-on na rin siya.
"O-Okay lang na-naman."
"Higit limang segundo kang hindi sumagot. 'Wag mo akong gawing bobo, Grem. Mahal mo pa iyong tao," Arriane stated it firm.
"Mahal? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya? Mamahalin ko pa rin siya? Tanga nalang ang taong gagawa nun, Arriane."
"Eh di ba nga, tanga ka?" humalakhak si Arriane pero hindi ko magawang ngumiti. Ang babaeng ito talagang tinutukso at pinipiga ako hanggang sa mapikon ako.
"Noon iyon. Hindi na ako aasa sa kanya ngayon, natuto na ako. Malay ko ba naman baka hindi dahil sa nais nya ang pamilyang ito kaya binalikan niya, baka gusto niya lang malinis ang kanyang konsensya kaya siya nagpapaka-ama ngayon."
Suminghap si Arriane sa kabilang linya. "It's still unusual for me, really. You speaking like a matured woman who've been through fire and hell is really unusual."
"I've been through fire and hell, Arriane," sagot ko.
"I know you do. I know you like the back of my hand. You are the sister that I never had, Gremaica kaya nga kilalang-kilala kita. And all I can say now is that ... you're lying to me. I can sense, you still love him, you can't deny that. Siguro hindi mo lang naririnig ang sarili mo pero the way you speak about him is telling me that you still fvcking love that bastard."
BINABASA MO ANG
Her Unwanted Love (Salvador Series #1)
Ficción GeneralGremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants seeing her family, friends and the love of her life, Keaton Leigh Salvador happy. But what if every little thing is coming out of hand? What...