Chapter 8
"Have you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it means that someone can get inside you and mess you up."
― Neil Gaiman, The Sandman
***
"Excuse me, miss. Are you out of your mind?" nabulyawan ako ng babaeng nabangga ko habang wala sa sariling naglalakad sa hindi ko alam kung anong mall. Pero wala akong sinabi kundi yumuko na lamang at mapaklang ngumiti. What the hell is happening to me?
Palagi nalang akong umiiyak. Palagi nalang ako nakakaramdam ng sakit. Palagi nalang nararamdaman kong parang unti-unti akong pinapatay mula sa loob. Pero sa lahat ng iyon mahal na mahal ko pa rin si Keaton. Hindi ko magawang magalit sa kanya iyong tipong hindi ko na agad sya mahal. Pero bakit ganoon lang kadali para sa kanya? This feeling is sickening.
Sinubukan kong pumasok sa paborito kong pasta house pero kahit ilang beses kung balik-balikan ng tingin ang buong menu, walang kahit isang appetizing sa akin. I feel like crying more than eating. Lumabas ako ng pasta house na parang gago.
I tried to haul for new books since wala na rin akong nababasa na novels this days. But the book titles were so sickening. Nakakadagdag lamang iyon sa kalungkutan ko kaya wala akong nagawa kundi umuwi na lamang. Good thing, hindi ko naisipan sa aking pagmamaneho na ibangga sa balete tree, ihulog sa bridge o i-overtake sa ten-wheeler truck ang kotse ko.
"I told you to text me when you go out, Gremaica," binungad ako ni mommy nito nang pagbuksan ako ni Manang Yolly nang pinto.
"I'm sorry. Forgot," kibit-balikat ko at akmang aakyat na sa aking kwarto nang tawagin nya akong muli.
"Grem."
"Po?"
"You seem off these days, darling. May problema ba kayo ni Keaton?"
"W-Wala. It's just - just ..." nahirapan akong dugtungan ang aking sagot. Hanggang kailan ko kayang itago ang paghihiwalay namin para hindi na makigulo pa ang mga pamilya namin sa problemang hindi namin malutas. "Just a misunderstanding, my. Konting pinag-awayan lang."
"Better solve it, then," ngumiti siya sa akin at mas lalo akong nasaktan sa ngiting iyon. She has always wanted Keaton for me, to be her son-in-law. "Baka naaapektuhan na ang review mo."
"Hindi naman po, my. Akyat na po ako." Mabilis ang hakbang ko nang tinahak ang papunta sa aking silid. Nang tinapon ko ang aking bag sa kama ay napatitig ako sa kama. God, ayokong umiyak at magmukmok. Pumasok ako sa aking CR at naligong muli. Ala-cinco pa lang ng hapon pero pagod na pagod na ang katawan ko na animo'y nabugbog ako ng kung sino.
I laid myself flat on my bed. Nasa aking kanang kamay ang kwintas na bigay ni Keaton sa akin. How? How could ... Argh! Sinabunutan ko ang sarili ko. Kada ba may maalala ako kay Keaton iyon ang itatanong ko sa sarili ko?
Paulit-ulit ka nalang, Gremaica. Nakakasawa na!
Nagawa ko ang usual kong gawain, magbasa ng reviewer at bumaba nang dumating na si daddy. Sumabay ako sa pagkain ng dinner habang nagkukwentuhan sila tungkol sa nangyari sa kanila noong kolehiyo. They were childhood lovers, too. They were each other's first love na parang sa amin ni Keaton. But then they got separated for 4 years or so at doon nila napatunayan na sila nga talaga hanggang sa huli.
How about us? Keaton and I? Kailangan pa ba namin ng iilang taon para malaman kung kami nga ba? If I can solve our problem now and make our relationship work again, I will. Pinilig ko ang ulo ko sa naiisip.
After dinner ay nagkatuwaan kaming tatlo ni mommy at daddy na manuod ng teleserye. Sa kabilang istasyon iyon ng karaniwan kong pinapanuod kaya naman hindi ko alam kung tungkol saan at ano ang estorya kaya nagpaalam na akong aakyat na sa kwarto para mag-aral.
BINABASA MO ANG
Her Unwanted Love (Salvador Series #1)
Ficción GeneralGremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants seeing her family, friends and the love of her life, Keaton Leigh Salvador happy. But what if every little thing is coming out of hand? What...