Special Chapter 1

81.3K 1.1K 19
                                    

Warning: Medyo SPG

Special Chapter 1

"Keaton, namimiss ko na ang kambal ..." saad ko habang nagtotoothbrush sa harapan nya. Hinwakan nya ang handle ng toothbrush ko at sya na mismo ang nagtoothbrush sa akin.

"Kunin natin sila kina mommy bukas?" tanong nya. Tumango ako at humarap na sa salamin para magmumog. Agad nyang inikot sa baywang ko ang kanyang dalawang braso, siniksik niya rin sa aking leeg ang kanyang mukha at hinalik-halikan ako dun. "Hmm, ang bango mong buntis."

"Keaton, 'yang kamay mo," saad ko nang naramdamang unti-unti nyang tinatanggal ang pagkakatanggal ng tali ng bathrobe ko.

"What?" nag-angat sya ng tingin nang may mapanuksong ngisi.

"Maligo na nga tayo," ani ko at umalis sa pagkakayapos niya. "Baho mo."

"Naglilihi ka lang," pagrarason nya at humarang sa daraanan ko. "Bathtub this time?" tumango ako at agad nyang hinubad ang tuwalyang tanging saplot lamang ng kanyang kahubdan saka lumusong sa nakahanda ng bathtub. "C'mon," aniya at naglahad ng kamay sa akin. Namula ang pisngi ko nang ngumuso sya sa tali ng bathrobe ko. "Ako pa ba ang magtatanggal nyan?" tukso nya.

"Psh! Oo na! Oo na!" pagsuko ko at mabilis na nagtanggal ng bathrobe. He held me by the waist as I plunge in the bathtub. Pinaupo nya ako sa gitna ng kanyang dalawang hita habang nilalaro ang malalaking bubbles na hatid ng bath gel na nilagay nya.

The soothing scent of the gel lingered on my nose. I felt relaxed and safe all at the same time because I'm in Keaton's arms. Hinaplos ko ang lumalaki ko ng tiyan. Just 4 months more. "Hmm, I love you, Keaton ..." Ang tawa nyang bumalot sa tainga ko ay malutong at nakaka-relax rin. Damn! What should I do with this man? I'm so in love with him.

"Naiintindihan ko na ang mood swings ng buntis," tawa nya sa akin.

"Psh!" irap ko at tinali ang aking buhok.

"Ako na," ani Keaton at inagaw ang panali sa palapulsuhan ko. "Ayan," he made my hair into a very messy bun I just laughed it off.

Naglaro kami na parang mga bata habang nakababad sa bathtub. Sinasabuyan ko sya ng bubbles at kinikiliti nya naman ang kili-kili ko. Palagi nya rin akong tinutukso sa pamamagitan ng panghahalik sa leeg at dibdib ko. Eh, kakatapos lang kaya namin bago kami maligo. Grabe, humihilig na talaga sya.

Panay ang panunukso nyang ibuka ko ang hita ko nang may sumagi sa isipan ko. Nilingon ko sya, "W-Wait," pinanliitan ko sya ng mata. "Tutal kasal na naman tayo, may anak na tayo at magkakaanak pa ulit ..." ani ko.

"Where is this going, huh?" panliliit rin ng mata nya sa akin.

"May nangyari ba sa inyo ni Brittany noon? Don't you dare lie to me. Nakita ng dalawang mata ko na lumabas sya ng condo mo, early in the morning, K," pagtataas ko ng kilay. Kumunot ang noo ko nang tumawa sya at hinalik-halikan ang tungki ng ilong ko.

"Grabe talaga ang mood swings mo, love. Kakaiba!"

"Don't try to change the subject, mahal ko," saad ko sa malambing na boses.

"If I say mayroong nangyari, what would you do?" his voice was serious that it scared me to the bones. Ano nga? Ano nga ang gagawin ko? Hihiwalayan ko si Keaton? No, that would be so impulsive of me. Paano kung magsinungaling si Keaton sa akin? I shouldn't have asked the question, fool me. I could bury it in the back of my mind but it kept bugging me. He held my cheeks and softly caressed it. "Love, you trust me, right?"

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon