Taong 1992
Nagulat si Mia ng madatnan nito si Don Eliseo sa kanilang tagpuan nang sa halip na ang kanyang katipang si Eli.
Kubo iyon ng mga Montenegro na nasa pinakadulo ng kanilang hacienda.
Nagtataka siya kung anong ginagawa ng Don sa maliit na kubo dahil sa inaakala niyang limot ng ng matanda na may kubo pang nakatayo ruon.
Gustuhin man niyang bumalik sa daang pinanggalingan niya, pabalik ng kanilang bahay ay huli na. Nakita na siya ng Don.
He was standing tall at the entrance of the hut.
Dati daw iyong tinatambayan ng mga ninuno at mga magulang ni Eli nung binata pa ang mga ito. Munting kubo na sa nagdaang mga panahon, naging saksi sa mga pusong nag-iibigan, sa mga hiram at maiinit na sandali, at maging sa paghihiwalay ng mga mga nagmamahalan.
At naging saksi rin iyon sa pagmamahalan nina Eli at Mia.
Inayos ni Eli ito dahil pinapasok na ng ulan ang dahon ng anahaw na nagsisilbing bubong ng kubo. Pinalitan din nito ng panibagong bubong na gawa sa pawid, at bumili rin ng maliit na kutson. Para tulugan nila kapag napagod sila sa paliligo sa ilog o sa pangangabayo.
Kadalasan, naiidlip sila sa kubo. Dahil masarap nga naman duon at tahimik.
Kahit ang pintuan nitong na animo'y laylay ng bulaklak dahil sa mga nagdaang panahon, ay pinalitan din niya ng bago, na gawa sa kawayan. May kurtina narin na nagtatakip sa tatlong may kaliitang bintana na nakatanaw sa talong bahagi ng tila walang hanggang lupain ng mga Montenegro.
Kasing laki ng kubong iyon ng kanyang kwarto.
May munting balkonahe ito kung saan pwedeng magtambay hanggang apat na katao. May tatlong upuan sa balkonahe at kaharap ang di kalayuang nagtatayugang mga puno, at sa di kalayuan naman ng mga puno ay ang medyo patagong ilog na nagkukonekta sa kanilang mga lupain.
Ang ilog ang naghahati sa kanilang lupain.
Hindi nga lang kasinglaki at lawak ng hacienda ng mga Montenegro ang kanilang lupa, ngunit may kalakihan din. Hindi nga lang nangangalahati sa ekta-ektaryang lupain ng mga Montenegro, ngunit sapat na itong pinagkukunan ng pangkabuhayan ng kanyang mga magulang na minana pa nila sa kanilang mga ninuno.
Magkaaway din ang pamilya nila ng kanyang katipan.
Alitang minana din ng mga lolo't lola niya mula sa mga naunang Prieto. At magpahanggang ngayon, hindi nagpapatawaran kahit ilang dekada na ang lumipas.
Matigas ang puso ni Don Eliseo, at hanggang ngayon, hindi nakakalimot sa mga pangyayari sa nagdaang dekadang taon.
Katulad ng kanyang mga lolo't-lola, may lahi ding espanyol ang mga Montenegro.
At nagkagustuhan sila ni Eli, ngunit patagong nagkikita ang dalawa dahil sa mga bata pa sila at di pa kayang ipagtanggol ang pagmamahalan nilang dalawa.
Nuon pa man, minahal na niya si Eli.
Nag-umpisa ito ng makita niya siya sa ilog. Kung saan naliligo ang mga ito kasama ang mga kaibigan kundi man ang mga malalayong pinsan o ang kababatang si Jimmy.
Nagtatago siya sa mga malalaking puno na di kalayuan sa ilog at napapaligiran ng mga nagtataasan at malalagong ligaw na damo at talahib.
Pinagkakaguluhan si Eli ng mga kaeskwela niyang babae, ngunit sa kanya tumibok ang puso nito at siya ring sa kanya.
Nangako si Eli na pagdating ng tamang panahon, kapag pareho na silang may maipagmamalaki, parehong makatapos, ay saka ipapaalam nila sa kani-kanilang mga pamilya ang relasyon nila.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romantizm"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...