Kabanata Beinte-nueve

356 10 0
                                    

Nagising si Eli sapagkat nahihirapan siyang huminga. May mabigat na nakadagan sa kanya. Isang maluwang na ngiti ang pinakawalan niya ng maisip na si Mia ang nasa dibdib niya. And the night they spent at her room flashed through his head. Lalong lumaki ang mga ngiti niya, and he felt his body getting excited again.

Ilang araw nalang ang she will be his wife.

Ngunit napawi din agad ang kasiyahan sa dibdib ng marinig niya ang nanggigilalas na boses ng matandang nag-palaki sa kanya. Ang tiya Ging niya. "Anong ibig sabihin nito?!" agad siyang nagmulat at gumawi ang antok na antok na tingin sa gawi ng pintuan niya kung saan kakapasok ang lola Ging niya at nanlalaki ang mga hintakutang mga mata. May bahid galit din sa mga mata nito.

Bago niya ibaling ang tingin sa taong nakapatong sa kanya, pumasok ang anak nito.

Lumaki ang kanyang mga mata at may galit na nabuhay sa kanyang dibdib.

Not again! nagpupuyos sa galit na hiyaw niya sa isip.

He'd been in this state before.

Si Joanna, hubo't -hubad tulad niya.

Mabilis niyang inalis si Joanna sa kanyang dibdib na tila nang-alis ng dumi sa damit.

"FUCK!" galit na napabangon siya at saka nakalimutan ang matandang mayordoma nilang nasa loob ng kanyang kwarto at ang pagdating ng ina ni Joanna.

"Anong nangyari?" dumagundong ang kanyang tono sa buong kwarto, at tumalim ang tingin niya kay Joanna na hintakutang tumayo narin habang kipkip ang puti niyang kumot upang pagtakpan ang kahubdan nito.

"Bakit kayo magkatabi at parehong hubad?" halos maiiyak na ang ina ni Joanna na pinaglipat-lipat ang tingin kay Eli at Joanna.

Pinilit inalala ni Eli kung paanong humantong silang dalawa ni Joanna sa kwarto niya at magkasamang natulog.

Halos mabingi narin siya sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. Galit at takot ang namuhay sa kanyang dibdib ng maisip si Mia.

Agad na kinuha ni Eli ang kanyang damit na nagkalat sa sahig at saka pinukol ng isang matalim na titig si Joanna.

Habang nagbibihis, sininghalan nito si Joanna. "Explain!" mariing utos nito sa takot na takot na dalaga, halos maiiyak na ito. "And get dressed!" angil niya rito.

Saka lang niya napansin na halos ang mga kasambahay nila ay nasa pintuan, nakikiusyoso.

Matalima ng tinging pinukol ng lola Ging niya sa kanya, and he felt a twinge of guilt.

Naalala ni Eli na pagdating niya sa mansyon, nadatnan niya sina Joanna na nagtatawanan habang umiinom.

"Halika, Eli. Samahan mo kami," si Jimmy.

And since ayaw niyang isipin ni Jimmy na galit parin siya rito, napagdesisyonan niyang samahan sila kahit kalahating oras lang. At pagbigyan narin ang celebrant na si Joanna.

Nag-inuman sila habang nagkukwentuhan at nagkakantyawan sa mga usaping nung bata pa sila.

Hindi niya napapansin napaparami narin pala siya ng inumin. Ang naalala niya, dinala siya ng mga kapatid ni Joanna sa kwarto niya. At ang paghuhubad sa damit niya ngunit hindi siya nagmulat dahil ang akala niya ang lola Ging niya. Nakasunod ito ng dalhin siya sa kwarto niya.

Nagtatakang napatingin siya sa lola Ging niya.

"Akala ko ikaw ang naghubad sa akin kagabi," mahinang usal niya at umiling ang lola Ging niya.

"Tulog na ako, Eli," sabi nito at hindi niya maintindihan kung pinaglalaruan siya ng kanyang isip kagabi.

Ngayon, lalong mas hindi klaro sa kanya ang nangyari.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon