Kabanata tres

452 13 1
                                    

Nagulat siya ng nakita niyang isa si Eli sa mga ito. At halos hindi humihinga si Mia na pinanood itong naglakad palapit sa isang dulo kung nasaan ang banda. Napagtanto niyang siya ang banda.

Napakadominante ng dating nito habang naglalakad, at nakapagpalit narin ito ng pulang t-shirt at pantalon na maong. 

Wala naman itong ginagawa ngunit tila isa itong mythological god at kahit anong pagtitimping huwag tumingin sa kanya, tila may mahika itong humihimok sa mga mata ng bawat kadalagahan at tumitig ito. Sinasamba ng kanilang mga mata ang malakas nga naman nitong appeal.

Lumukso ang puso niya ng lumingon ito, at tila nakatingin sa direksyon niya.

Nang mag-umpisa na ang mga ito, lalong nagkagulo ang mga estudyante.

Kala mo naman isang sikat na banda na isinisigaw ng mga estudyante ang pangalan niya.

Gulat din siya na si Lando ang guitarist. Kahit si Tomas isa rin sa mga guitarist. Ngunit ang atensyon ni Mia na kay Eli.

Nakapokus pa sa kanya ang ilaw.

At lalong nagulat siya ng marinig nitong kumanta ito. Napakalamig ang tono nito at buong-buo. Kinanta nito ang 'you look wonderful tonight' at lalong tila kinikilig ang mga kababaihang estudyante, at lalong isinisigaw ang pangalan niya.

"I LOVE YOU, ELIJAH!" Malakas at kinikilig na sigaw ng mga kadalagahan, mapahigh school man o kolehiyo.

"ELI! ELI! ELI!" 

Hindi niya alam kung bakit inis na inis si Mia. Hindi parin siya nakarecover sa pagkakagulat. Si Eli, kasama sa banda at marunong ding kumanta.

At ng matapos siyang kumanta, "I love you too, sweetheart," sabi nito at lalong lumakas ang sigawan at tila kinikilig ang lahat ng mga naroroong mga kadalagahan.

At sa huling kanta ni Eli, alam niyang siya ang tinutukoy nito. Dahil sa direksyon nila ng kaibigan niya nakatingin habang nagsasalita. Iyon ang gustong paniwalaan ng kanyang puso, kahit itanggi man niya.

"This song is for you, sweetheart!" anito at may mga sumagot ng thank you at ang malalakas na tawanan.

Saka pumailanlang ang swabe nitong boses sa ere.

🎵 Kung hindi man tayo hanggang dulo. Wag mong kalimutan Nandito lang ako, 🎶laging umaalalay Hindi ako lalayo Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.

Nang matapos ang kanta ni Eli, dumami yata ng populasyon ng mga babae ang nahulog sa kanya lalo.

Nag duet din si Lando at Tomas. At ang lead singer nilang si Brandon.

Halos mayanig ang gym dahil sa papalakas at papalakas na hiyawan mula sa mga nanonood, lalo na ang mga kababaihan. Tumigil naring nakikipaghiyawan si Mia dahil pakiramdam niya, bukas wala na siyang boses. Paos na paos na kasi siya.

Nang matapos sila Eli, nag-apiran silang magkakaibigan at na bumaba ng stage, saka nawala kanilang paningin ang grupo. Dalawang estudyante sa higher level ang Emcee at saka inanunsyo ang nanalo. Nag-umpisa sa third runner up hanggang sa Best of the best band...

"Ladies and gentlemen, the winner tonight is the....."

May malakas pang drum roll ang sumunod habang pabiting nilingon ng Emcee ang mga naghihiyawang mga estudyante. 

Kumakabog din ang dibdib ni Mia sa kung sinoman ang mananalo.

"Fire Band! Fire Band!" malakas na hiyawan ng mga manonood. Ang ibang numero ng mga estudyante ay isinisigaw rin ang grupo ng paborito nilang banda.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon