Korte ng Santa Monica
Dinumog ng mga tao ang korte upang makaisyoso sa bagong usap-usapan sa buong Santa Monica at kahit sa karatig bayan nito. Tila mga bubuyog ang mga tao, kanya-kanyang bersyon na sa pangyayari.
Sa loob ng silid ng hukuman, tahimik ang lahat habang binabasa ng court reader ang hatol ng hukom. Kahit ang pagbagsak ng karayom sa sementong sahig ay maririnig. Tila ba lahat ay pigil din ang paghinga dahil sa tensyong umiikot sa loob ng apat na sulok ng silid.
Napakapit si Mia sa siko ni Eli at inikot naman ni Eli ang isang kamay sa beywang ng fiancee at hinapit palapit sa kanya to give comfort. Sa simpleng gestures na iyon, Mia felt secured. Ang init ng katawan ng fiance ay tila mainit na kumot na bumabalot sa kanyang katauhan, at nagdudulot iyon ng magandang pakiramdam, ng kapayapaan. Nagbibigay rin ng lakas ng loob na harapin ang anumang pagsubok na darating.
Tumingala siya upang tingnan ito ng mahuli niyang nakatitig ito sa kanya. Titig na puno ng pagmamahal at may halong takot. And she knows why. Tila ito masisiraan ito ng bait kapag malayo ito sa kanya during her recovery.
At mantra narin nito ang salitang 'you being this close to me gives me comfort and peace.' Tila ayaw nitong mawala siya sa paningin niya. At lalo pang naging possessive ito pero dahil sa nangyari na muntikan na niyang pagkamatay.
"Batay sa ebidensyang isinumite sa korte, ikaw Juancho Ramirez, ay napatunayang nagkasala ng walang kaduda-duda sa pagtangkang pagpatay kay Maria Angela Prieto, na labag sa artikulo 248 section 1. Ikaw ay sinisintensyahan ng beinte taong pagkakabilanggo..."
Umugong ang bulungan sa loob ng silid ngunit nangingibabaw ang iyak ni Amelia at ang asawa nitong si Macario, pagkarinig sa hatol na ipinataw sa ama. Kahit ang mga anak ni Amelia na sina Joanna, Jimmy, at Julio ay tahimik na lumuluha, nakikita sa mga mukha ang takot at awa sa kanilang lolo't-lola.
Tila isang drama sa telebisyon ang eksena sa silid ng hukuman. Sumasabay ang bulungang nanggagaling sa mga usyoserang nasa loob ngayon ng silid at nanonood, at palakas ng palakas ang bulungan na ikinairita ng judge.
"Order in the court!" pahayag ng matandang lalakeng judge, na si Judge Silverio, at pinukpok pa ang kahoy na malyete sa sound block na yari din sa kahoy, at umugong ito sa loob ng silid.
Tumigil naman ang tila bubuyog na bulungan at bumalik ang atensyon ng lahat sa harap ng hukuman.
Nakayuko lang si Juancho at madilim ang anyong nakatitig si Eli sa lalake na tila tumanda ng sampung taon. At katabi nito ang asawang si Genalyn, at tila pati pagtawag sa nakalakihang pangalan nito, hindi na niya kayang gawin.
Sagad hanggang langit ang galit niya sa mga ito. At dahil nga hindi sapat ang ebidensya sa pag-uutos nitong pagpatay sa magulang niya, at namatay narin ang driver ng truck, walang nagawa sina Eli at ang Don kundi pabayaan nalang ito. Ang tanging ikinaluwag ng kanilang dibdib ay dahil makukulong parin ang mga ito.
Nagpatuloy ang court reader. "Ikaw rin Genalyn Ramirez, batay sa mga ebidensyang isinumite at napatunayang nagkasala at lumabag sa batas sa kasalanang pagpatay kay Marjorie Montenegro, na labag sa artikulo..." tila lumutang nalang sa isip ni Eli ang mga sinasabi ng binabasa ng court reader dahil tila sasabog ang dibdib niya sa magkakahalong mga emosyon.
Pagkagalit dahil sa ilang taong pinagkakatiwalaan nila ang mga taong siya palang nanloloko sa kanila, ginawang mga gago at tanga sa mahabang panahon. Sila ng kanyang lolo ay inalagaan ang ahas na siyang tumuklaw sa kanila patalikod.
Dahil nagplead guilty ang mag-asawang Juancho at Genalyn, at dahil sa mga ebidensyang nakalap ng binayarang tao ng kanyang lolo, madali ang paglitis sa kaso, at nabawasan ang sana'y habang buhay na pagkabilanggo. Isa iyon sa ikinagagalit niya. Napatunayan na ngang pumatay sa lola Margie niya at ang sa pagtatangka sa minamahal niya, kung bakit pinapaboran parin sila ng husgado.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romance"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...