Kabanata Sais

486 12 0
                                    

"Saan ka pupunta? Kararating mo lang ha?" salubong ng kanyang lolo at nginitian niya ang matanda.

Ito na ang nag-aruga sa kanya ng mamatay ang parehong mga magulang niya ng maaksidente ang mga ito sa daan pag-uwi nila galing ng Maynila.

Hindi niya magawang magalit o magtanim ng galit sa Don dahil minahal siya nito at ibinigay ang lahat ng gusto niya. Ang tanging ipinagbabawal at lagi niyang ipinapaalala na huwag mahulog sa isa sa mga pamilya ng kaaway nila.

Ang mga Prieto.

At nag-uumpisa na siyang maghihinakit rito dahil ang pinakamamahal niyang babae ay isang Prieto.

Miss na miss na niya si Mia. Alam niyang hindi maganda ang huli nilang pagkikita. Iniwan niya ito dahil sa galit niya at matinding pagseselos. Tila ba obsesyon na sa kanya na makuha ito ng buong-buo, at ang tanging paraan para makaramdam siya ng sekyuridad na hindi na siya maagaw pa ng iba. 

At sa buong linggong hindi niya ito pinapansin at iniiwasang mapunta sa departamento nila. He was hard on her, at ngayong kumalma na siya, napag-isip-isip niyang baka may rason ito kung bakit magkayakap sila ni Roman ng araw na iyon. Isa iyon na nagpagalit sa kanya. Sobrang selos niya at halos gusto niyang patayin si Roman. 

Nahuli niya sila.

Pinuntahan niya si Mia sa gusali nila at sinabi ng kaibigan niyang si Rosie na pumunta nag cr. Masayang sinundan niya ito at naisip na sumunod sa kanya at mahahalikan niyang muli ang nobya, ngunit nakita nitong kausap si Roman, at pumasok sila sa panglalakeng cr

Ang lakas ng tahip ng kanyang dibdib na maingat na sinundan sila. 

Isinara nila ang pintuan, at mabilis siyang lumapit. Idinikit niya ang tainga sa pintuan upang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Mukhang inaalo siya ni Mia.

"Roman, baka may pumasok," narinig niyang sabi ni Mia at lalong lumakas ang kaba niya. Maingat na binuksan ang pintuan at sumilip. Ang likuran ni Mia ang nakaharap sa pintuan, at kitang-kita niyang nakayakap silang dalawa.

"Wala, bumalik na ang lahat sa klase nila, Mia." 

"Sinabi ko na sayo, walang nakakaalam." 

"Salamat, Mia. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin, at kahit papano, naibsan ang sakit na nadarama ko dahil may isang taong nakakaintindi sa akin at nagpapahalaga sa aking nararamdaman."

"Bakit pa kasi gusto mong itago? Masakit sa una, pero maiintindihan karin nila. Saka mahal na mahal—"

Madilim ang mukha ng pabalibag niyang isinara ang pintuan at malalaking hakbang na iniwan ang lugar na iyon.

Hindi na nakayanang panoorin at tapusin ang paglalandi nilang dalawa. At hindi na siya pumasok sa sumunod niyang klase ng umagang iyon.

At ngayon, aalamin niya mula rito kung bakit anduon siya kasama si Roman sa loob ng washroom ng mga kalalakihan at magkayakap pa ang mga ito na parang walang pakialam sa mundo.

Andiyan na naman ang sakit na tila hinihiwa siya ng unti-unti. 

Si Roman ay anak ng konsehal sa Santa Monica, at ang ina nito'y nasa Italya. Magkaibigan si Mia at ang kapatid nitong si Rosie. At parehong nursing ang kurso nila ni Roman. Nasa ikatlong antas nga lang si Roman, at nag-uumpisa palang si Mia. Isang taon lang ang tanda ni Eli kay Roman.

"Makikipagkita lang ako kina Lando, Lo," sagot niya sa Don, at tumango-tango naman ang lolo niya.

"Bago ka makipagkita sa kanila, pumunta ka muna bangko. Dinadalaw na naman ako ng rayuma ko," sabi nito at napansin niyang medyo umiika ito. At ang tungkod niya ang halos bumuhat sa buong bigat nito.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon