Kabanata Dos

541 12 0
                                    

"Kuya! Asan kana?!" malakas niyang tawag ng makarinig siya ng mga tawanan ng mga kalalakihan sa direksyon ng ilogw. Malapit sa sirang tulay.

Dose anyos na siya nuon. Nasa huling taon ng elementarya.

Parang may sariling utak ang kanyang mga paa, at dala narin marahil ng kyuryosidad, dinala siya ng kanyang mga paa sa direksyon ng ilog.

Hindi iyon kalaliman para sa kapatid niyang matangkad, ngunit para sa kanya, lulubog ang ulo niya pag siya'y tumayo mula sa kalalimang parte.

Sa pinakadulo ng manggahan, malapit na sa gubat ay mas may malaking parte ng ilog. At nasa teritoryo ng mga Montenegro ito. Malapit sa tubuhan ng hacienda. Ito ang may pinakalalim na tubig.

Ilang tao narin daw ang mga nalunod sa parteng iyon. Ngunit marami parin ang nagpupunta duon para maligo dahil sa may mataas na bato na ginagamit nila kung gusto nilang tumalon sa tubig.

Malakas na kantyawan ang narinig ni Mia habang papalapit siya sa kinaroroonan ng mga boses.

Nagtago siya sa matataas at masukal na damo, at hinawi ng bahagya at sinilip ang mga naroroon. Maingat na naupo siya at kahit may tumutusok sa puwitan, inignora niya ito.

Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, kinakabahan siya sa ginagawa pero mas malakas ang udyok ng kyuryosidad.

Nasa dalawang metro ang layo ng pinagtataguan niya mula kung saan naghahabulan ang apat na kabinataan na mga kaibigan ni Eli. Halos pigil ang hiningang pinanood niya sila, palakas na palakas din ang tambol ng kanyang puso, kinakabahang baka makita siya.

Alam din niyang bawal na lumagpas siya sa ilog dahil nga magkaaway ang pamilya nila at ang Montenegro.

At iyon ang unang nakita niya ng malapitan si Elijah Benjamin Montenegro. Ang tagapagmana ni Don Eliseo.

Malaking bulas si Eli. At dahil sa ilang babae na ang pinaiyak nito, kilalang-kilala ito sa buong bayan nila. Kahit na nasa haiskul palang ito, kung sino-sino na raw ang naging nobya at hindi nagtatagal ng isang linggo.

Nakikita niya si Eli kapag sabado o linggo tuwing dumadaan ang kanilang sasakyan sa covered basketball court sa sentro na laging pinagtatambayan nila.

Ngunit hindi sa ganitong kalapit.

At tunay nga namang may rason na maraming nagkakadarapa kay Elijah. Di lang matangkad ito sa pangkaraniwang Pilipino, malakas ang hatak ng kaguwapuhan nito. Daig nito ang mga modelong nakikita lang niya sa TV o magazines.

Alam din niyang namumutok ang mga muscles sa dibdib at braso na itinago ng pang-itaas nito. Isa sa mga katangian ni Eli ay marunong itong tumulong sa mga trabahador. Hindi ito pumapalyang tumutulong tuwing anihan, kahit maging kargador, kahit na may mga tao silang binabayaran para sa trabahong iyon. Iyan ang mga naririnig niya sa mga kapitbahay nilang nagtatrabaho sa mga Montenegro. 

Nakaitim ito ng pangligo at nakat-shirt parin ng pula, at ang mga kasama niya na hindi niya kilala ang mga pangalan, ay gayunding nakapangligong shorts at naghahabulan habang nagtatawanan.

"Ikaw na naman ang paboritong topic ng mga first year highschool," natatawang kantyaw ng lalakeng may kaitiman ngunit hindi rin nalalayo ang tangkad kay Eli. Kulot ang buhok, at nakaupo ito sa batuhan di kalayuan kay Eli.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon