Pagdating niya sa mansyon, tuloy-tuloy siya sa loob, ng walang lingon. Halos hindi na niya napansin ang isang kasambahay nila dahil sa magkahalong galit para sa sarili at kay Camilla. Hindi niya akalaing darating sila Camilla para magsimba dito sa bayan nila. Halos isang oras pa ang ipagmamaneho ng mga ito makarating lang sa bayan ng Santa Monica.
Galit siya sa sarili dahil sa pagiging brusko niya kanina kay Mia. Imbes na suyuin niya ito, he lost his temper.
What's going on with him?
Napasabunot siya sa kanyang buhok at tinaliman niya lang ng tingin ang katulong nila, na parang daga na nakakita ng pusa at kumaripas ng takbo palayo.
Ayaw niyang makausap si Camilla. Alam niyang sumunod sa kanya. Narinig niya ang pag-arangkada ng sasakyan at ang boses ni Camilla ang sumunod na galit na galit.
Naiwan ang kanyang lolo at ang magulang ni Camilla sa simbahan. Kausap si Padre Velasco.
"Eli!" malakas na tawag ni Camilla. Halos lakad-takbo ang ginawa ng dalaga maabutan lang si Eli.
Dire-diretso siya sa hagdanan ng hindi nililingon si Camilla.
He's tired and sick of her game.
Her mom is fine and so her dad. And lolo naman niya seemed to have been moving fine lately. Ngunit ito parin ang ginagamit ni Camilla na rason.
At first he didn't care, but now with his intention of wooing Mia's love back, he'll be damned kung hahayaan niyang patagalin pa ni Camilla ang drama niya.
He knew that they are all still manipulating his life, and before he saw Mia again, he didn't really care.
Para siyang puppet na nasa string and they are controlling it, but this time, he'll take back the rein and control his own damn life. Walang sinuman ang makakapagpigil sa kanya sa buhay na gusto niyang tahakin this time.
"Eli!" bulyaw ni Camilla. He can hear her high heels clicking as it connected against their tiled floors habang papalapit ito.
Nasa bungad na siya ng hagdan ng abutan ni Camilla.
"Will you please stop and listen to me?" galit nitong angil sa kanya.
He whirled angrily and faced her. Nag-aapoy ang mga mata ni Eli na ibinaling kay Camilla.
"What do you want, Camilla?" pigil ang galit na hinarap ang dalaga. Naggalawan ang mga panga niya sa galit na pigil na pigil na umalpas.
Kumabog ang dibdib ni Camilla upon seeing the suppressed fury in Eli's eyes. Hinamig niya ang sarili. Pinatatagan ang boses. "Anong drama ang nangyayari? I know people start talking now na nililigawan mo si Mia? Ang alam nina mommy at daddy ay kasal parin tayo?" galit nitong sita sa kanya. Disimuladong lumunok si Camilla ng makita nitong halos tila sinusunog siya ng mga titig ni Eli.
Sa mariin na tinig, "I gave you a year to figure it out, Camilla," nagpupuyos ang galit na saad niya. "A year, you and your family reigned my life," tiim-bagang usal niya. Mahina ang tinig ni Eli ngunit mas makamandag, mas nakakatakot at lalong nadagdagan ang kabog ng dibdib ni Camilla.
"Just give mo more time. Mahirap ba iyon? Nakita mo lang si Mia, and you forget ng dahil sa kanya, we lost our baby!" lumalakas ang tinig niya pagdating sa huling kataga.
Natigilan si Eli ngunit agad din napalitang ang kaunting lambong ng mga mata niya ng galit. "Mia has nothing to do with your problem, Camilla. You've made your bed, now lie in it!" saka naggalawan ang mga muscles sa mukha ni Eli, nagbabadya ng matinding galit.
Naghihimagsik ang kalooban ni Camilla, but seeing the thunderous fury swirling in Eli's eyes, she dared not shout nor yell at him na lagi niyang ginagawa nuon. Eli would just say yes para lang makaiwas sa pagwawala niya. Camilla knew Eli can't be controlled this time.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romansa"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...