Kabanata Cinco

497 13 0
                                    

"Okay ka lang?" masuyong bulong ni Tomas ang nagpabalik sa kanyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan.

Nakalapit na pala ang bibig nito sa kanyang tainga, at disimuladong binulungan siya. To the onlooker who are furtively watching them, it looked like Tomas is kissing her cheek or neck.

"You're spacing out," mahinang komento ni Tomas, but he's smiling down at her.

Pilit na ngumiti si Mia na sinalubong ang mga mata ni Tomas na puno ng paghanga para sa kanya. "I'm fine, Tomas. Naninibago lang ako, it's been a while..." mahinang usal niya saka ibinaling sa kapaligiran, scanning the crowd of familiar faces.

At lahat ng mga naroroon, kilala niya... kilala siya. Inignora niya ang mga ilang walang dudang pinag-uusapan siya sabay tapon ng patuyang tingin sa kanya.

Itinaas niya ang kanyang mukha, hindi siya papaapekto sa mga nanunuring titig ng mga tao. She had nothing to prove to them. She didn't owe them. Kung sana nuon pa niya nahanap ang tapang, she wouldn't waste her time sulking sa bahay nila na muntikang siyang iginupo ng depresyon.

Ipinaskil niya ang ngiti sa labi habang nakahawak parin sa siko ni Tomas, kung saan siya umaamot ng karagdagang tapang at tibay ng loob. Magkasabay nilang tinalunton hanggang sa gitna ng malaking bulwagan ng hotel na pinagdausan ng party.

Ipinakilala siya ni Tomas sa mga co-workers nito sa bangko. Some of them, she knew already. May animosity siyang nararamdaman among some of them, but she ignored it.

Siya was just smiling habang nag-uusap sila, at nagpaalam siyang kukuha ng maiinom since she had no idea what are they talking about. Balance sheets and all about numbers which bore her.

She made a bee line to the refreshment table na nasa kabilang bahagi ng hall.

Kumuha siya sa mga inumin na nakalagay sa mahabang mesa, may dalawang tray na puno ng mga basong may lamang inumin. May nakalagay na label sa tray, and she grabbed one champagne nang may lumapit sa kanya.

Sa kabilang bahagi ng mesa ay mga appetizers na iba't-ibang klase at ngayon lang niya nakita. They all looked mouth-watering.

"Hi!" bati ng taong nasa tabi niya, at ng lingunin niya ito, napakunot-noo siya. Bagong mukha ang lalake. Matangkad din ito, halos kasing-tangkad ni Tomas, maputi at tsinito. He looked more Korean than a Filipino.

At hindi rin nalalayo ang edad kay Tomas or perhaps a few years older than him.

"Hello," ngumiti siya saka akmang iwanan ang lalake ng magsalita muli ito.

"I wouldn't leave you if i were your partner," komento nito saka kumuha ng inumin. Alam niyang para sa kanya ang pasaring nito. Medyo namula ang kanyang pisngi ngunit inignora niya ang sinabi ng lalake.

She turned to face him. "Unfortunately, I don't have a boyfriend. And if ever, I'm not the clingy type, as well as I hate territorial man," tipid niyang nginitian ito, tipping her chin up to stress her point.

For some reason, she had the urged to let the man know that she's aren't the type of a woman who forgets their partner as soon as she sees a better one, and that she would trust the man her heart picked.

Far from the likes of Elijah Montenegro, sigaw ng isang bahagi ng kanyang isip.

Ayaw niyang magtagal pa siyang kausap ang lalake. Hindi niya gusto ang titig ng lalake, malagkit masyado. She knew those kind of stare, at hindi niya ito bibigyan ng tsansang makalapit sa kanya.

"It was—" pero bago niya matapos ang sasabihin, the man interjected unintentionally.

"You're bewitching," puri nito na ikinalulon ng sana'y pagpapaalam niya, "and I think I am bewitched," tahasang papuri nito kasabay ng pag-sipsip ng kanyang inumin habang ang mga mata'y hindi inaalis sa kanyang mukha.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon