Kabanata Beinte-dos

363 11 0
                                    

Narinig niya ang mga yabag na papalapit sa direksyon nila. "Tony! Camilla!" tawag mula sa likod niya at saka sumulpot si Miranda bago pa man maigalaw ni Eli ang mga paa palayo.

Hindi inaalis ni Eli ang kanyang malamig na titig kay Camilla na halos wala ng kulay sa mukha.

Saka lang niya ibinaling ang tingin kay Miranda ng makapalit na ito. "Eli," di kumukurap na bati nito saka ang mailap nitong mga mata'y dumapo kay Camilla at sa asawa nitong nasa likuran na ni Camilla sa loob parin ng silid. Nasa bukana ng pintuan si Camilla na parang ibinabad sa suka ang mukha.

Nakahanap ng daan si Eli upang tuluyang mawala sa landas nila ang pamilyang Gonzales.

"Now that the skeleton in the closet is out, I don't think ipagpipilitan niyo parin ang sarili niyo sa pamilya namin. Kung napapaikot niyo ang aking lolo, not me!" matabang na pahayag ni Eli.

Nakita nita niya ang pagtakas ng dugo sa mukha ni Miranda saka pinukol ng matalim na titig si Camilla.

"What did you do?" halos kainin nitong buhay si Camilla sa pagbalasik ng mga mata nito.

That was the first time Eli saw Miranda's eyes turned murderous.

"I'm done denying, keeping this skeleton for so long in the closet," Camilla suddenly burst angrily.

Lahat ng tingin napunta rito. Hindi na rin nila napansin ang paglapit ni Don Eliseo ng makarinig ng mga ingay.

"Stop it, Camilla!" galit na saway ni Miranda, ngunit tila walang naririnig si Camilla.

"Eli, I'm sorry for dragging you into this. And the baby that I said ours, was—"

"Camilla!" naghihisteryang pagpuputol nito sa pag-amin ng dalaga at lahat tumingin saglit sa ina-inahan ni Camilla na pulang-pula na sa galit. Agad itong nakalapit kay Camilla saka hinaklit sa braso.

Agad na rumesponde si Eli at saka marahas na inalis ang kamay ng matandang ginang mula sa braso ni Camilla at saka matalim na tinitigan ni Eli si Camilla.

Halos mabingi na siya sa lakas ng tambol ng kanyang dibdib dahil sa kaba.

"What about our baby, Camilla?" tanong niya sa tonong nagbabanta. Mabalasik ang mga matang nakatitig kay Camilla. And she flinched inwardly.

Sa mga narinig ni Eli kanina na pag-uusap nina Tony at Camilla, ay tila magkarelasyon. He was determined to find out.

"Camilla, you've done enough damage. I know you are hurting dahil sa pagkakahiwalay niyo, but don't do this," mataktikang pagmamakaawa ni Miranda. Para namang natuliro si Camilla. Nagdadalawang isip kung kanino siya susunod.

"Camilla!" galit na tawag ni Eli sa atensyon nito. "Magsabi ka ng totoo!" he clenched his teeth and unclenched it. His face filled with thunderous fury, and Camilla felt at the moment that she was seeing satan in the form of Elijan Montenegro.

Kulang nalang ang sungay sa ulo nito. His eyes red with rage, at namumula narin ang mukha kahit ang tainga. She can see the veins almost popping out of his neck dahil sa tinitimpi nitong galit. Tila siya isang bulkan na malapit ng sumabog, and that's whaf exactly Eli felt at that moment.

"What's going on here?" narinig ni Eli na tanong ng lolo niya na palapit sa kanila. Naguguluhan sa nangyayari.

"Oh, it's nothing—" Maagad na pagsagot ni Miranda ngunit agad na pinutol ni Eli.

"Bunch of liars!" galit niyang asik at mabalasik ang mukhang hinarap si Camilla muli.

Nawalan narin ng kulay ang mukha ni Camilla, nakabahid ang matinding takot sa mukha.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon