At tulad ng pangako ni Eli, sa San Vicente College siya nag-enroll ng kolehiyo. Hindi sang-ayon ang matandang Don sapagkat ang plano nito'y sa ibang bansa magpatuloy si Eli.
Narinig niyang malaking away muna ang nangyari sa pagitan nila ng matandang Don. At dahil nakipagkompromiso si Eli, walang nagawa ang matandang Don. Kapag nakatapos ng kolehiyo si Eli, sa Amerika ito magpakadalubhasa sa Agrikultura upang mapakinabangan nito sa hacienda.
Kumuha ng Mechanical Engineering si Eli sa SVC, at nasa pangalawang taon narin si Mia sa highschool.
At tulad ng dati nasa canteen sila. Ang canteen ay nasa pagitan ng College at highschool building. Isang gusali din ito, to cater both college and highschool students.
Pagka-abot niya ng katorse anyos, mahubog na ang katawan ni Mia. Mas lalo siyang pansinin na sa eskwelahan nila, at dumami lalo ang nagpapalipad hangin dito.
Dahil patago ang kanilang relasyon ni Eli, sa takot na makarating sa parehong pamilya, akala ng lahat, wala talaga itong nobyo. Napagkakamalan narin itong man-hater.
Nasa tabi niya si Tomas at inaasar siya ng araw na iyon.
"Aba'y, may hinaharap na si Mia?" tudyo ni Tomas at napatingin ang lahat sa kanyang dibdib. At dahil lumaki nga, hindi niya alam kung kailan nag-umpisa, ang uniporme niya nuong isang taon, medyo hapit na.
Kahit ang naglalampungang sina Bimby at Lando ay nakitingin narin. Pinagkrus niya ang kanyang mga kamay sa dibdib, disimuladong takpan ito.
Inirapan niya si Tomas.
"Ang dami mong napapansin!" angil niya rito at natawa si Tomas saka inakbayan siya.
"Alisin mo kamay mo sa aking balikat, Tomas. Amoy pawis ka," pagbabalik-asar niya rito.
Ngumisi lang ang loko. "Amoy Dior yan, Mia. Ito," saka itinaas ang isang kamay na nasa malapit sa kanya, at itinuro ang kili-kili. "amuyin mo, amoy—"
"Eww... kadiri ka, Tomas!" nanggigilalas na pinanlakihan ni Rosie ng kanyang mga mata si Tomas na nasa harapan nila, hindi na pinatapos si Tomas. "Amoy sinanglaw kahit hanggang dito sa akin, amoy na amoy..." dagdag nitong at tumawa pa ito ng nakakaloko si Rosie at ang isang palad pinapaypay sa ere malapit sa ilong na nakangiwi kunwari.
Ibinaba ni Tomas ang kamay saka tinaliman ng tingin ang kaibigan niya. Tawanan ang lahat. At nag-umpisa na namang nagbangayan sina Tomas at Rosie. Mga pang-asar na tagos hanggang buto.
"...naman kagwapo. Mukha namang kwago," paismid na sabi ni Rosie.
"Ikaw naman, mukhang pusa.... pusakal," balik asar ni Tomas at lalong nagpalitan ng masasakit na asaran ang dalawa. Hindi na nila sila pansin na may kasama sila.
Nagtinginan nalang sina Bimby at Mia.
Naramdaman ni Mia mula sa kanyang likod ang pagsulpot ni Eli. Kahit hindi siya lilingon, alam na niyang parating ito. Kasi tuwing darating si Eli, ang kanyang puso para ring laging nagwawala.
"Iniwan niyo ako," malalim ang boses na saad nito saka hinila ang upuang nasa kabila niya at umupo, halos magkadikit na ang tagiliran nila.
Kinontrol niya ang kanyang nararamdaman, ang kilig sa kanyang tiyan, at saka pasimpleng nilingon si Eli.
Kinindatan siya nito.
"Kausap mo pa kasi si Angelica, nakakahiya naman. Parang kailangan niyo ng privacy," biro ni Rico at sumabad naman si Allan.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
عاطفية"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...