Kabanata Onse

429 11 0
                                    

Ibinigay ni Eli ang dalang supot ng pagkain kay Lola Ging. "Pagkain?" nagtatakang tanong ng kanilang mayordoma at pamilyang turing narin ng mga Montenegro sa pamilya ni Genalyn Dimas. Pinaglipat-lipat ang tingin sa supot at sa kanya.

"Opo," alanganing ngiting saad niya.

Si lola Ging narin ang tila naging ina nito na nagpalaki sa kanya. Kaya't tila magkapatid sila ni Jimmy. Sabay na lumaki at nagka-isip. Isang taon lang ang tanda nito sa kanya. At tumigil lang sa pagsama-sama sa kanya ng maghighschool sila dahil mas napokus ang atensyon sa pagtulong-tulong sa mga magulang sa trabaho.

Hindi tulad niya na naging mabarkada. Oo nga't paminsan-minsan tumutulong siya sa gawain sa tubuhan, palayan, at maisan nila, dahil gusto ng Don na matutuhan niya ang lahat ng pasikot-sikot sa Hacienda nila.

Ngunit sa pagbreed ng kabayo ang interest niya. Iyon ang gusto niyang gawin ngayong nasa Pilipinas na siya pagkatapos niyang matupad ang negosyong maitayo dahil naumpisahan na niya. Kailangan lang niya ng investor na isa upang magawa ang lahat ng plano sa malaking lupang nabili niya malapit sa dagat.

"Bakit ka namili? Nagluto kami ng maraming pagkain, at alam naming darating ang pamilyang Gonzales," anang pitumpu't anim taong gulang na ginang na matagal ng nagsisilbi sa kanila at siya ring nag-alaga sa kanya simula ng mawala ang mga magulang niya ng ilang buwan palang siyang naisilang.

"Oh, andito kana pala, Eli," wika ni Amelia na nag-iisang anak ni lola Ging. Nakasunod ito sa kanyang ina at may dalang flower vase na puno ng sari't-saring bulaklak na alam niyang galing sa malaking hardin nila.

Si tiya Amelia ay singkwenta'y uno at may dalawa tatlo itong anak. Si Julio, Jimmy, at si Joanna. Si Julio ay trenta na, si Jimmy ay dalawang taon ang bata kay Julio, at ang bunso nila ay si Joanna na beinte uno.

Si Jimmy ang lagi ang kaniyang kalaro at minsan, nakikipaglaro din si Joanna. Parang nakababatang kapatid niya si Joanna. Lagi pa itong nakabuntot sa kanya o sa kanila ni Jimmy.

Ang asawa dati ni lola Ging na si lolo Juancho ang isa sa truck driver ng mga Montenegro. Sila ang nagdadala ng mga produkto ng kanilang palayan, tubohan (bago nakapagpatayo ng sariling sugar factory ang mga Montenegro), mga cacao, at mais sa Maynila.

At ng mamatay si lolo Juancho, ang asawa ni tiya Amelia ang pumalit sa pwesto nito, si tiyo Macario o Mac sa lahat ng nakakakilala. At ngayon, si Julio, sa trucking narin nila siya nagtatrabaho.

"Ah, nagutom kasi ako, La. Kaya't dumaan ako sa karinderya nina tiya Berta pagkagaling ko sa parmasya," may katotohanang sagot niya.

Ang katotohanan, napag-alaman niyang nagtatrabaho si Mia sa malaking ospital sa Santa Monica. Sa pinakasentro ng bayan nila.

Kahit na may maliit na parmasya na malapit sa kanila, napagdesisyonan niyang pumunta sa malapit sa ospital at upang makita rin niya si Mia.

Pumunta siya sa ospital pagkatapos niyang mabili ang gamot ng ama, at narinig niya ang sinabi ng isang nurse bago pa man siya makapagtanong.

"Alam mo ba kung nasaan si Mia? Hinahanap kasi ni Aling Dolores," anang isang babaeng nars na may katandaan na.

"Ah, tapos na ang shift niya," sagot naman ng pinagtanungan nitong nars na nasa harap ng istasyon kung saan pwede pagtanungan ng mga bagay-bagay patungkol sa mga pasyente. Ang information desk.

Sumagot ang kakarating na babae na nakaputing damit din at naupo sa mesa sa harap ng information deesk, katabi ng babaeng kanina pa nagtitipa sa computer at nakapokus ang atensyon sa ginagawa.

"Nakita ko siya kina aling Berta. Kumakain duon," saad ng babae, at hindi na niya narinig pa ang mga kwentuhan nila at mabibilis ang hakbang na lumabas siya ng ospital.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon