Kabanata Katorse

384 12 0
                                    

Ang manggahan nila ay hanggang sa talampas. Nag-uumpisa iyon malapit sa likod ng bahay lang nila, at mayroon ding manukan ang mga magulang niya. Nagbredding narin ang kanyang kuya ng tandang.

Kulang na kulang na limang ektarya. Halos walong ektarya ang lupain ng kanilang ama, at ang dalawang ektarya ay ang bagong dragon fruit na itinanim ng kanyang kuya Miguel.

Ang manggahan ay minana ng kanyang ama sa mga ninuno nito. Pataas-pababa ang lupa. At Nagkalat ang mga nagtataasang mga puno ng mangga, at para itong nagpangkat-pangkat.

Nasa kanlurang bahagi na sila, at traktor ang magdadala sa kanila duon. Ang truck sa kabila dumadaan.

Habang palapit ang traktor sa puno ng mga manggang pinagpitasan, maraming crates ang nagkalat na puno ng hilaw na mangga sa gilid ng dinadaanan nila. At ang iba'y sa ilalim ng puno ng manggang natapos ng pitasin.

Pagkababa niya sa traktor, nagtulong na binuhat nila ang crates na may tatlong malalaking thermos kung saan nakalagay ang kape at ilang malalaking bote ng malamig na coke, bibingka at biscuits. May dala ng baso sa pinagpahingaan ng mga tao sa ilalim ng isang malaking mangga na mas matanda yata sa kanya.

Sa di kalayuan, nakita niya si Tomas na tanging pantalon nalang ang naiwan habang tumutulong nagbuhat ng crates na puno ng mangga at inilagay sa isang parte kung saan iangkas mamaya ng truck.

Pinagpapawisan ito at kanyang napagtantong hunk na hunk din pala si Tomas. Nangingintab ang mga dibdib dahil sa pawis, at dahil medyo may kaputian ito, namumula ito sa init ng araw.

Walang maipintas kay Tomas kung tutuusin. Pinakiramdaman niya ang sarili ngunit wala man lang kahit na konting lukso sa kanyang puso. Kung ibang babae siya, she would swoon at his gorgeousness. Mala ala Hugh Grant sa Four Weddings and a Funeral.

Napabuntung-hiningang iniwas niya ang tingin at hindi niya napansin ang paglingon ni Eli sa kanya at kumunot ang noo nito.

Tinulungan ni Mia si Poling na ilabas ang mga dala nila at ipinatong sa mesang naroroon. Siguro mas matanda na ang mesa kaysa sa kanya. Marami na rin bagyo ang pinagdaanan dahil sa kulay nito. Nag-aagawan ang kulay itim, abo, at tsokolate.

Nakita niya ang mga baso sa tabi ng malaking lalagyan ng tubig sa isang dulo ng mahabang mesa.

"Ako na rito," sabi ni Poling at tumango lang siya. Wala sa sariling pinapaypayan niya ang sarili gamit ng kanyang sumbrero na gawa sa straw. Naisip niya na sana'y hindi nalang siya nagpalit. Mas presko ang damit niya kanina, kaso hindi naman bagay sa manggahan. Baka biglang humangin at ang laylayan ng dress niya ay liparin, mabosohan siya ng di oras.

Nagsuot nalang siya ng short na maong, at faded ito na lampas ng kalahating hita niya, at maluwang na kremang t-shirt. Ngunit pinagpapawisan parin siya ng husto. Ang ihip ng hangin ay hindi malamig, kundi may init na nahalo.

Sobrang init dahil kakaumpisa hunyo ngayon. Panahon ng tag-init.

Paglingon niya sa direksyon ni Tomas kanina, bumalandra sa kanyang mga mata ang katawan ni Eli. Nakasunod dito si Tomas na may buhat ding crates.

Tulad ni Tomas, wala na itong pang-itaas. At napalunok siya ng di niya napapansin. Ang kanyang puso biglang bumilis at pakiramdam niya, may nagpaparty na namang mga paru-paro sa kanyang tiyan.

Ito ang sinasabi niya. Kapag si Eli ang kanyang nakikita, laging parang kinikiliti ang kanyang tiyan at bumibilis ang pintig ng kanyang puso.

At para namang nag-aanyaya ito at tumayo ito ng tuwid at nakapamaywang saka tumingin sa itaas. Tila'y nga diyamante ang kanyang dibdib at tiyan ng matamaan ito ng sinag ng araw. Nangingintab. Lalo na at ang kulay nito ay moreno. Parang yung napapanood niyang mga warrior ng gladiator.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon