Chapter 15

8 2 0
                                    

Chapter 15

Tinarakan ko ng mata si Ellaine ng makita itong pasilip silip sa kasama namin. Sinipa ko pa ang paa nito para lang tigilan nito ang katitig.

Nandito kami sa isang fast food chain katabi lang ng Hospital kung nasaan si Oniel.

Nakita kami ni Ellaine bago pa kami nakaalis. Kaya yan kasama namin siya.

Na alala ko naman ang naabutan ko kanina sa Hospital.

Mukhang okay na naman siya. If Rawon makes him laugh like that... Edi go.

Sino ba naman ako na puro sama ng loob lang ang nakuha...

"So...are you free today?" Napatingin ako kay Cali sa sinabi niya.

"Wala naman... May dinaanan lang talaga ako, at saka.. si Ellaine nga pala kaibigan ko.. Ellaine si Cali kaklase ko dati.." Pag pakilala ko dito.

Agad naman umangat sa pag kakaupo si Ellaine at inabot ang kamay dito upang mag shake hand.

"Hi, Cali alagaan mong kaibig-Aray! Sakit, Ylave" Hinampas ko ito dahil sa kadaldalan niya. Tumawa naman si Cali sa inasal namin sa harap niya.

"I will... kahit naman noon pa, but anyways sino dinaanan niyo sa Hospital may nangyare ba?"

Nagkatinginan kami ni Ellaine.

"Si Oniel.."Simula ko.

Sinabi ko sa kanya ang nangyare. Hindi naman kase iba si Cali. Kaibigan niya rin si Oniel.

Tapos nun ay kumain kami.

"Saan na kayo yan?" Tanong nito ng makalabas kami.

"May pasok pa kase ako.. kaya doon na diretso ko. Ikaw?"

"I'll be on Dad's pad, Mom's waiting for me, " Tumango ako sa sinabi niya.

"Alis na ako kung ganon. Ellaine sama kaba?" Tanong ko sa kaibigan ko.

"Hindi na. Kakaunin ako ni ano hehe" Alinlangan nitong sabi. Parang naman hindi ko alam kung sino.

"Sege, ingat kayo" kumaway ako sa kanila.

Dumaan ako sa isang library para humiram ng mga librong kailangan ko bilang reference sa ginagawa kong report. Kahit nasa university na ang lahat ng kailangan ko, ang hirap makipagsiksikan sa karamihan lalo pa ngayon na busy ng lahat sa nararating na graduation. Kaya lahat ay nasa library dahil sa terror ang ibang prof. Gusto ay mabasa palang nila, pasok agad sa kanilang panlasa. Ginawang pagkain sa isang contest eh.

I'll keep massaging my neck after an hours of studying. I'm tired and I need rest. Para lang makuha ko ang lakas na nawala sa akin. Palagay ko hindi ako agad makakatulog nito.

"Ma! Nandito na ako" pagod akong humilata sa aming sofa agad rin naman akong napangiti ng maramdaman ang komportableng pakiramdam.

Masarap umuwi pag gantong pagod ka at kailangan lang ng sapat na pahinga.

Agad rin akong napabangon ng may humampas sa mukha ko. "Ma!" Sigaw ko. Hindi naman masakit pero komportable na ako eh.

"Manahimik ka, Ylave. Tumayo ka, pagod ka pero humiga ka agad. Mag palit ka muna roon sa kwarto mo at bumaba ka rito. May luto akong sopas para sayo. Diba? Paborito mo yun! Hala. Sege" Sumimangot ako ng tuluyan niya akong pinatayo.

"Kiss muna, Ma" Lumayo ito na tumatawa. Ayaw sa halik ko. Dabog kong kinuha ang bag ko at umakyat sa taas.

Na excite ako sa 'sopas' na naghihintay sa akin sa baba.

_______

"Ylave" I turn around just to see Hadex.

Himala't nag pakita pa sa akin ito.
Huli kong kita sa kanya ay yung pagtatalo namin tungkol sa kaligtasan ko. Which is.. kaya ko naman iyon.

Impervious to his actionWhere stories live. Discover now