Chapter 26

14 0 0
                                    

"Mommy ahhh"

"Wag ka munang malikot bakit kase dika nag iingat."

Ginagamot ko sugat ng anak ni Cali. Kaninang umaga ay nandito na silang mag ama diko naman alam na seryoso pala talaga siya na pupunta sa bahay namin. Nagulat tuloy si mama ng niyapos ako ni Chel.

Kaya tinanggi ko agad na wala pa akong anak pero in a nice way.

Pinakilala ko si Cali na kaklase ko dati at kaibigan ni Oniel.

Kwento ko rin ng pag kilala namin sa cafe at pag kikita namin sa sunflower field kasama anak nitong si Chel at kung paanong tinawag ako nitong Mommy.

Umalis lang si mama nung nakitang tanghali na at may pupuntahan pa ito.  Maya maya naman ay may tumawag kay Cali at kailangan ito sa trabaho.

"Ako muna bahala kay Chel puntahan mo na." Sabi ko ng nahihiya itong mag salita.

"Sorry. Babalik din ako agad once na tapos na ako. Pasensiya na Ylave."

Naiwan kaming dalawa ni Chel at nag lalaro lang kami sa maliit namin bakuran ng madapa ito at nasugatan ang maliit niyang braso. Hindi nasugatan ang tuhod dahil naka pants ito. Natukod nito ang braso kaya nasugatan.

Umiyak ito ng ilang minuto at hinahanap daddy niya kaya diko talaga alam gagawin ng mga oras na iyon.

"Shssss don't cry na baby Chel. I will take the pain away, okay?"

"M-mommy" hikbi nito.

"It's okay ginagamot na ni Mommy"

Nihugasan ko ito ng fresh water bago patuyuin at kinuha ko ang first aid kit na nasa kusina at pinaupo si Chel sa couch. Tumigil na itong umiyak pero kita parin ang pag iyak nito.

Mayayare ako sa ama nito.

"Yan okay na. Gagaling na yan."
I gave her smile and wipe her tears the side of her eyes.

Tumayo ako at binalik ang mga ginamit sa lagayan.

Tinawagan ko din si Cali na nag kasugat si Chel. Sabi ko aksidente ang nangyari dahil nag lalaro lang kami kanina.

"Uuwe na ako. Salamat ulit. Bye" yun lang sinabi niya bago patayin ang tawag.

Babalikan ko na si Chel ng mag ring ang cellphone ko.

Indicated na may tumatawag.

"Hello?"

"Hi, sa labas ako. Andyan ka sa loob?"

Nag lakad ako papuntang pinto at nakitang naroon nga siya sa may gate sa labas. Kumunot ang noo ko. Ano meron?

Pinatay ko ang tawag at pinag buksan siya.

"Porma natin ah. Pasok ka. Kailan alis mo papuntang Manila?" I asked Hadex while walking going back in.

I know he followed me but I didn't hear him say a single thing.

"Mommy"
Tawag ni Chel sa akin. I smiled at her cuteness. Wala na kase ang bakas ng pag iyak niya at may kinakain na chocolate cake. May amos pa ito sa gilid ng labi niya. Pinuntahan ko ito at pinunasan ang dumi.

Dala nila ang cake. Nag slice ako ng kaunti upang meryenda namin kaso nilantakan na niya.

Alam kong nagulat ang nasa likod ko.

"Mommy? Kailan kapa nag karoon ng anak?" Nilingon ko ito at bakas sa kanya na naguguluhan ito. Akoy natawa sa reaksyon niya.

Nakakunot ang noo nito na hindi makapaniwala at nakaturo sa bata.

Impervious to his actionWhere stories live. Discover now