Chapter 17

2 1 0
                                    

                         CHAPTER 17

Accept,

Let it hurt,

I  need to step away and heal.

Tumila na ang ulan ngunit na natili kaming nakatingin sa kawalan.
Nakaupo kaming parehas sa likod ng tricycle na animo'y mga taong lansangan sa basang damit na suot namin.

Niyakap ko ang sarili ng sumimoy ang malamig na hangin. Hindi yata magandang mag paulan ng saglit lamang. Mag kakasipon kami nito.

Tiningnan ko ang katabi ko, na katulad ko ay yakap din nito ang sarili. Na guilty naman ako sa itsura niya mukha kase itong lamig na lamig.

"Umuwi na tayo,"
Ani ko.

"Sigurado ka ba? Akala ko gusto mong yakapin ang dilim, sinama mo pa ako." Sarkastikong sabi nito.

Agad ko naman itong inirapan.

"Tara na, kaysa naman mamatay ka pa sa lamig dyan."

"Oo naman, salamat sayo mamatay ako ng maaga"

"Hindi ka pwedeng mamatay kailangan ka pa ng anak mo. Kaya, halika kana at ng makapag palit na tayo ng damit. "

Hinigit ko ito pa tayo at ang luko nag pahigit pa. Akala mo naman magaan eh.

"Pumasok kana sa loob. Aalis na tayo"

"Oo na, bilisan mo pag d-drive naman. Kung ako yan nakarating na tayo." Pag mamayabang ko pa. Hindi naman kase ako marunong mag drive.

He laughed at me. "Kaso hindi ikaw, kaya bilis na ako'y katog na sa lamig, nakikipag palitan pa ng salita, hindi naman marunong mag drive" sumakay ako kaya rinig ko ang huli n'yang sinabi.

"Turuan mo kase ako! Pag ako natuto pati commuters isasakay ko!"
Sumisigaw ako dahil baka hindi niya marinig sapagkat umandar na ang sasakyan.

"Okay lang na hindi ka marunong, ipag d-drive na lang kita..."

"Pero gusto ko marunong ako. Hindi naman habang buhay kasama kita. Sino na ang mag d-drive sa akin pag ganon? Kaya sa susunod na araw tuturuan mo na ako. Ayaw mo yun ako na ang driver mo? Driver na maganda Hahaha"

"Okay na ako sa ipag d-drive mo eh kaya lang sa maganda, hindi." Sumimangot ako dahil sa sinabi niya at siya naman ang natawa.

"Joke lang sege maganda kana, sadya ka namang maganda, iyakin lamang. Bakit ka nga pala nandon? Nakita ko si Oniel kasunod mo pero nung nakita ako tumigil rin naman. Anong meron? " Natigilan ako sa tanong niya.

Sinundan pala ako ni Oniel.

"Pasensya na kung nagtanong ako kung hindi ka komportable sagutin okay lang. Basta pag may problema, kahit ano pa yan, maasahan mo ako dyan. Syempre ako yata ito kaibigan mo lang naman."

Sinilip ko ito ng mahimigan ang pag ka seryoso sa boses nito.

Mag kasalubong ang dalawang kilay at seryoso nakatingin sa daan.

"Sorry, hindi ko masasabi....hindi mo naman ako iiwan dahil doon hindi ba?" May pag aalala kung tanong.

Ang isipin malayo siya sa akin. Ang nag papakirot sa aking puso. Parang nasasaktan ako kahit isipin ko pa lang.

"Hindi ako mawawala, Ylave unless kung pag tatabuyan mo'ko paalis sa buhay mo. Kung saan ka masaya" Huminto ito sa pag sasalita at sinilip rin ako. Nag tagpo saglit ang aming mga mata. "Yun naman ang mahalaga ang maging masaya ka. Ano man ang hilingin mo ay gagawan ko ng paraan para maibigay sayo. Kahit ikauubos ko sa huli..."

Impervious to his actionWhere stories live. Discover now