Part 10

22.2K 999 261
                                    


Happy December 1st, guuuys! Maraming salamat po pala sa mga bumili ng paperback at ebook copies ng Seduce Me Now, Marry Me Later. Sana maka-avail din po ang iba sa inyo. Just message me for orders. Your support means so much to me. Thank you so much! ~ ML




LALONG naging masigasig si Amari na ituloy ang balak kay Isaac. Tuloy na kasi ang pag-uwi ni Nicci sa Sinagtala, naisingit sa schedule nito ang pagiging guest sa Pistang Nayon na sponsored ng Cabron Poultry. Ungot nang ungot sa kanya si Isaac na imbitahan daw ito sa Tipsy Bear. Free daw lahat ng food and drinks nito.

Seryoso naman si Pierre sa pagbibigay ng pera sa kanya. Sinamantala ni Amari ang pagkakataon, inisip niya na lang na kapalit iyon ng mga nanakaw sa kanya. Humingi siya ng ten thousand cash. Doboblehin daw nito iyon. Gamitan kung gamitan na, aba!

Day off ni Amari at nagising siya ng nagdo-doorbell. Tumingin pa siya sa sarili bago bumangon, siniguradong may damit siya. Nanaginip kasi siyang naglalakad nang hubad. It had been like a sort of recurring dream na nag-umpisa yata mula nang twenty years old siya. Mga three or five times a year ay napapanaginipan niyang hubad siya. Oo, basta hubad siya. Hubad na naglalakad, hubad na tumatakbo, hubad na nasa loob o labas ng bahay. Buti na lang at palaging walang ibang tao sa mga panaginip niyang iyon. Hindi na niya inaalam ang ibig sabihin niyon. For her, a dream was just a dream. No big deal. Vivid lang talaga madalas ang mga panaginip niya.

Delivery man ang nasilip niya sa security camera. Dali-dali siyang naghilamos at nagmumog bago ito nilabas. Dumating na iyong ipinadala sa kanya si Nicci na galing sa Skin Haven, bagong endorsement nito. Pagkaalis ng nag-deliver ay sunod na pumarada sa harap ng bahay ang kotse ni Pierre.

"Anong ginagawa mo dito?" medyo iritadong bati niya rito sa kabila ng maaliwalas na ngiti nito sa kanya.

"Invite sana kitang mag-lunch," sagot ni Pierre.

Nameywang si Amari. Although she had to admit, his invitation was very enticing. Pancit canton, nilagang itlog at tinapay lang sana ang kakainin niya ngayon.

"At bakit?"

"For our business deal. Nakalimutan mo na ba? I still owe you money. Doon ko ibibigay ang pera mo," paliwanag ni Pierre na para bang sinasabing huwag niyang bibigyan ng ibang kulay ang imbitasyon nito.

As if naman, 'no?

"Hindi pa ako nakakaligo," she flatly told him.

"Hintayin kita. Take your time."

Bubuhatin sana ni Amari ang malaking kahon nang unahan siya ng lalaki. Pinapasok niya ito sa bahay, inalok ng maiinom ngunit tumanggi ito.

"Okay lang bang buksan ko muna ito? Hindi ako mapakali pag hindi ko binubuksan agad ang mga parcels ko kasi," paalam niya rito nang mailapag nito ang kahon sa salas.

"I told you, take your time. Here, let me help you." May dinukot itong Swiss knife sa bulsa at hiniwa nito ang gitna ng kahon na sealed ng packing tape. "What's in the box?" he then asked her, mimicking a movie line of Brad Pitt. "It's from the movie Seven," anito nang hindi tumawa si Amari.

"I know. Napanood ko iyon. Ayaw mo ba talaga ng kahit anong drinks? I can make you Jack and Coke."

Umiling si Pierre. "I'm good, thanks."

"Galing kay Nicci mga ito, binigay sa kanya ng Skin Haven," tuwang-tuwang sabi ni Amari habang isa-isang nilalabas mula sa kahon ang mga mamahaling skin care at beauty products. "Mas dadami na naman mga matatanggap kong complimentary products, 'andami niyang bagong endorsements kasi ngayon."

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon