Masyado na yata akong nag-enjoy dahil hindi ko namalayan ang oras. Pagkabukas ko ng phone ko ay nakita ko ang dalawang missed call ni Basti kaya agad nanglaki ang mga mata ko. Kasalukuyan kaming nanonood ng banda ni Cross sa may food park. Nasa loob kami ng isang open court dahil umulan kanina. May libreng live concert din kasi sa park as long as may loyalty card ka. May'ron kasi si Cross kaya sinama niya ako. Kaya 'yan, alas sais na ng gabi at nakalimutan kong may tutoring session pala kami ni Basti ngayon.
Lumabas kami ng court ni Cross. Hindi pa siya nagpahatak pero wala siyang nagawa kay sumunod na lang din siya sa akin. Tumigil ako malapit sa may parking lot na katapat ng kotse niya. I let go of his hand then he gave me a cold glare.
"Bakit ba nagmamadali ka?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay.
"Call Basti. Hindi ko nasagot ang tawag niya," sambit ko. Noong una nagreklamo pa si Cross pero pumayag din naman siya bago kunin ang cellphone niya sa bulsa.
"He's not answering mine tho," he replied. Napahawak ako sa noo ko at huminga nang malalim. I bit my lower lip and walked back and forth. How come I forget about Basti after all that I did to him just to make him agree with me?
"Hey," Cross said and held my shoulder. He pointed his car at agad na kinuha ang susi sa bulsa niya. "I know Jerome. Hindi naman 'yon nangangagat. 'Wag ka ngang kabahan. I'll just call his sister instead," Cross replied.
"Anong sabi?" tanong ko pagkababa niya ng cellphone. Cross shook his head.
"Wala raw. Akala raw ni Ate Penelope kasama ko," he replied. I flooded Basti with my messages. Saktong may paparating na taxi kaya agad ko 'yong pinara.
"Ly, san ka pupunta?" sigaw ni Cross.
"Thank you for today. I'll call you when I get home," I replied. Sumakay na ako ng taxi at nag-wave sa kaniya pagka-andar. He texted me afterwards and that made me smile. Cross, what are you doing to me?
From Cross: Take care, Ly. I'm always here.
Bumalik ako sa Anastasia at nagbabakasakali na nandito pa siya. Kahit alam kong imposible ay pumunta pa rin ako. I know it's rarely possible na hintayin niya ako rito pero wala na akong alam na pwede niyang puntahan except sa bahay nila. But at least I have to make sure that I'd never leave him behind before I go home.
"Wait for me here, Kuya," sambit ko sa driver.
Sarado na ang gate ng Anastasia at ang guard na lang ang tao. Pagkalapit ko sa main exit ay agad akong pumunta sa guard house. Laking gulat ko na nakaupo 'ron si Basti at basang-basa ang buong katawan niya. Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang hinawakan.
"Basti, wake up!" I said while shaking his shoulders.
"Kanina pa po naghihintay 'yan, Ma'am. Ayaw umalis sa gate kahit naulan. Aba'y nagulat na lamang po ako na nakahandusay na sa sahig kaya dinala ko rito," sabi ng guard. I heaved a deep breath and assisted Basti. What's wrong with this jerk and waited for nothing?
"Thank you, Kuya. Kaibigan ko po," I replied.
"Kayo po ata ang hinihintay, ma'am."
Sumakay kami pabalik sa taxi at kinuha ko ang panyo ko para punasan siya kahit kaunti. Gumalaw siya nang bahagya at sumandal sa balikat ko.
"Dumb fruit shake, y-you make me wait there just to be with C-cross," he stuttered.
"I'm sorry. Nakasilent kasi 'yung cellphone ko sa bag. Don't worry. I'll take you home. And by the way! How did you know that I'm with Cro—" I haven't finished my sentence since it seems that he fallen asleep on my shoulders. Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi siya gumagalaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/217370032-288-k676530.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, D #4: If Love is Mischief
RomanceSet at a luxy private university in Manila. Lizete Kryzion Flores is a popular student and a volleyball varsity player. Her family is well-known, rich and she gets everything she wanted. Not until, her father found out what she was doing at school...