"Bakit ka tulala 'dyan?" Napalingon ako sa gilid at nakita ko si Cross na may dalang ice cream. Ngayon na kasi ang foundation day pero bawat galaw ko parang may kulang. Ilang araw ng hindi pumapasok si Basti at ayaw niya ring mag-reply sa mga message ko. Hindi lang ako sanay na wala ang prescence niya everyday. He also stopped tutoring me for a while. Last na text niya sa akin ay babawi na lang siya.
Bukod kay Azhter, si Cross lang ang nakakasundo ko. Hindi na rin kasi ako gaanong pinapansin ni Isaiah dahil mukhang busy sila ni Sean sa club nila. I often attend baking club since wala rin naman akong makausap.
I just enjoyed the whole day with Cross. No doubt, ang saya niya talaga kasama. He even invited me to his cousin's birthday tomorrow. Pero this time, sinabihan niya na ako nang maaga. I actually bought a gift right after noong nagpasama siya sa akin bumili ng necklace. He told me again na sixteenth birthday at glittery ball gown ang theme. You know, sixteenth birthday is like debut kapag mayaman ka. Mas elegant at bongga nga lang ang debut compare sa sixteenth birthday celebration.
Alas sais na ng gabi kaya pumila na kami ni Cross sa labas ng gymnasium para manood ng live concert. Mas better siguro kung isa si Basti sa mga kakanta. Tho, I know na that's really impossible.
"Wait, Ly. Bili lang ako snacks bago tayo pumasok," paalam ni Cross kaya tumango na lang ako.
Papasok na sana ako sa loob pero may biglang bumangga sa balikat ko. I saw Avis with her so called friends. Gosh, I'm avoiding her presence for weeks. Ngayon pa talaga siya susulpot?
Lumapit sa akin si Avis kaya napaatras ako. For sake, ayaw ko makipag-away. Can't she see na nanahimik na ako? Ako na nga ang nag-aadjust sa kaniya. I'm also avoiding her teammates for good.
"Hey, Kry. Miss me?" she said and raised her eyebrow at me.
"Avis, ayaw ko ng gulo," sambit ko. Lumapit siya sa akin kaya naglakad ulit ako papaatras. I closed my fist and sighed. "Avis, pwede ba?"
"What were you thinking? Hindi naman ako immature para awayin kita rito, Kry," she said while curling her dangling hair with her fingers. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kaliwang balikat ko.
"If you honestly think na magugustuhan ka ni Basti," she said seriously and patted my back. "Good luck," she added.
Kasabay nang pagdating ni Cross ay nawala na rin sila sa harap ko. Ano namang kinalaman ni Basti sa away namin?
"Kry, are you okay?" tawag ni Cross saka inabot sa akin ang lipton tea. Napunta ang atensiyon ko sa kaniya. Bago kami pumasok ay lumingon ako ulit pabalik kay Avis. Ininom ko na lang binigay na drink ni Cross. I shrugged. It's not that I care for my enemy pero bakit namumugto ang mga mga mata niya. Was she that crazy?
Naki-party kami ni Cross sa loob dahil sobrang ganda ng mga kanta. Masyado kasing ginalingan ng music club at iba pang mga nag-audition. I didn't know na may ganito pala sa Anastasia. To be honest, I'm actually enjoying my stay. I'm now starting to believe that my father's decision was one of the best thing he ever made.
"Fan ka ng e-heads?" Cross asked and giggled. Tumango ako at mukhang nagulat pa siya. Na-feature kasi ang isang kanta ng e-heads na spoliarium.
"Ako rin. Maganda naman talaga ang mga kanta nila. Well, except kay Basti na sobrang allergic to their songs," Cross replied.
"Why?" I asked out of curiosity. Basti just taught me how to play one of the e-head's songs last time. He never told me that.

BINABASA MO ANG
Love, D #4: If Love is Mischief
DragosteSet at a luxy private university in Manila. Lizete Kryzion Flores is a popular student and a volleyball varsity player. Her family is well-known, rich and she gets everything she wanted. Not until, her father found out what she was doing at school...