"Good luck for next week, class. Enjoy your lunch," sabi ng teacher namin at agad na lumabas. Nakahinga na ako nang malalim dahil tapos na ang klase. Grabe, hindi ko na maintindihan ang pre-calculus.
Tapos na rin naman ang first schedule namin para sa morning class kaya pumunta muna ako sa cafeteria. Hindi ko alam kung nasaan na si Sebastian. Parang hindi ko nga siya boyfriend sa totoo lang. Saka wala rin naman akong experience sa gan'on. Normal lang ba 'to na hindi siya magpakita sa akin tuwing school hours? First boyfriend ko kaya si Basti
Iniligpit ko na ang mga tupperware ko at nilagay sa lunchbox dahil hindi naman siya nagrereply. Baka busy 'yon sa practice for basketball kaya hindi ako mareplyan. Gusto ko pa naman siyang yayain sa pagkain.
Okay na rin 'yon. Parehas naman siguro kaming busy. Malapit na rin ang exam kaya sinisigurado kong aralin ang mga tinuro niya.
Dahil hindi ko siya matiis ay pumunta ako sa STEM building. Sa labas muna ako naghintay. Inilabas ko na lang phone ko at naglaro ng kung ano at hinihintay ang message niya. Habang naglalaro ako ay biglang may tumabi sa akin kaya agad akong napalingon.
"Bago ka rito?" sabi niya sa akin.
"Stalker ba kita?" sagot ko sa kaniya. Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot. Hindi ko nga siya kilala. Hindi ba niya alam ang "don't talk to strangers"?
"Easy ka lang. Ikaw ba 'yong laging kasama ni Jerome?" He looked at me from head to toe. "Woah, wait. You're Basti's girl?" tanong niya at saka ako inakbayan.
"Shut up. Sino ka ba?" Inirapan ko siya. Sino ba 'tong lalaking ito at bigla-bigla na lang sumusulpot?
"Hanap mo si Jerome?" he asked me.
"Oo. Hindi nagrereply, e. Kaklase mo ba siya?" sagot ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Yes. Kanina pa kami dismiss. Hindi ka ba pinuntahan?" Napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Iniiwasan ba ako ni Basti? Ilang beses naman ako nag-message sa kaniya.
"Hindi. May practice ba sila ng bball?" tanong ko.
"Yeah, pero mamayang hapon." Tinawagan ko na lang si Basti pero hindi siya sumasagot. Wala ako sa mood makipag-usap sa lalaking kausap ko. Mukhang kaklase siya ni Jerome at kaibigan pero isa pa rin siyang stranger para sa akin.
Napasinghap na lang ako. Ano bang problema ni Basti?
"Basti can't cheat. Loyal 'yon. Baka kung ano ang iniisip mo 'dyan." He patted my shoulder. Hindi ko siya pinansin. Kaibigan siya ni Jerome. Siyempre hindi niya 'yon ilalalaglag. I don't trust people that much. Lalo na siya. Hindi ko nga siya kilala.
"Gusto mo kumain? Lunch na ah. Libre ko," he asked me. Inirapan ko siya. Tiningnan ko ang cellphone ko pero walang text at tawag galing kay Basti. Tumango ako sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin.
"Anyways, I'm Flint. Kaibigan ko si Jerome. Baka curious ka," sambit niya at nagsimulang maglakad. Sumunod na lang ako. Wala pa rin naman akong nagiging kaibigan sa Anastasia. Busy naman lagi si Isaiah, e.
"Obvious nga. I'm Lizette Kryzion Flores, by the way. Call me Kry," sagot ko.
"Yeah, I know. Sinabi ni Basti," sabi niya sa akin. Maraming tumitingin sa amin habang naglalakad kami. Ewan ko ba rito kay Flint, siya naman ang naunang lumapit. Pumunta kami ni Flint sa cafeteria at siya na ang umorder. I just sneered when I remember. Dito kami unang nagkita ni Basti at inagaw niya ang fruit shake ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/217370032-288-k676530.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, D #4: If Love is Mischief
RomanceSet at a luxy private university in Manila. Lizete Kryzion Flores is a popular student and a volleyball varsity player. Her family is well-known, rich and she gets everything she wanted. Not until, her father found out what she was doing at school...