23: Looking Forward

2 0 0
                                    

Was everything a joke? Parang ang seryoso ni Basti sa mga sinabi niya  pero anong nangyari? Hindi ko alam kung si Basti ba talaga ang kasama ko kahapon. The moment I saw him, he turns to a different person. Hindi niya man lang ako pinansin kanina sa grounds. Parang back to strangers ulit kami. Ano 'to? Trial lang? Kung joker pala siya e 'di sobrang galing niya. Napaniwala niya ako, e.

Kasalukuyan akong nakasuot ng P.E. uniform dahil may laro kami sa subject na 'to. Actually, it's been a while since I saw Isaiah like this close as before. Hindi na kasi kami gaanong nag-uusap dahil na kay Basti ang atensiyon ko. Kailangan ko kasi mapasa ang final exam this semester habang siya naman busy sa club nila ni Sean. 

Pumila na kami sa baba. Lumingon ako kay Phillip at ewan ko ba kung bakit kanina pa siya tumitingin. Nasa may football field kami para mag-warm up. Maganda rin pala sa Anastasia. Akala ko kasi wala silang field. Maganda naman pero mas magarbo nga lang ang sa Foster. 

Nagulat ako dahil nakita ko si Basti at ang mga kaklase niya na papunta sa pwesto namin. Ang dami nilang bumaba pero sa kaniya lang ako nakatingin. He doesn't even dare to take a glance. Kahit tingin man lang. Nauntog ba siya at nakalimutan niya lahat? 

Pumito ang coach at naglakad ang section nila papunta sa harap namin. Nakatingin lang ako kay Basti pero mukhang busy siya kausapin ang mga kaibigan niya.

 "As for today's activity, magiging opponent niyo ang mga students ng STEM-A. Maglalaro tayo ng dodgeball at kung anong section niyo, 'yon na lang din ang ka-grupo," paliwanag ng physical education teacher namin. Same teacher lang pala at parehas kaming hawak niyang sections kaya pinagsabay na lang din ang activity to save time.  

Natalo sa bato-bato pick ang class president namin kaya kami ang babatuhin. Sa dodgeball kasi nahahati siya sa two groups. Hawak ng mga nanalo ang bola at mambabato sila sa kabilang opponent hanggang maubos. Basta ang important lang sa dodgeball ay 'yung 5D's. Dodge, duck, dip, dive and dodge.

Unang sumali sa group ng babatuhin ang mga teammates ni Avis. Madali silang naubos dahil ang galing ng kabilang panig bumato. Especially, si Basti. 

Turn na namin at kasama ko as a group si Sean. Lima na lang kaming natira ng mga classmates ko dahil natamaan din sila agad ng bola. Kanina pa ako muntik  na matamaan pero lagi akong nakakailag. The cycle continues hanggang kami na lang ni Sean ang natira. 

"Kry, stick to the game," bulong ni Sean sa akin. Napatingin ako kay Basti at for the this time nakatingin na din siya. Same old as usual. Cold eyes, nananaray at sobrang sungit. Para siyang total stranger. 

Sa unang bato nila ay nakailag ako kaya napasa ulit sa kabilang panig ang bola. Napataas ang kilay ko dahil si Basti ang nakasalo at hindi ko alam kung sino sa amin ni Sean ang babatuhin niya. 

I'm just looking at his eyes without moving. Hindi ako iilag. Pwede na niya akong batuhin para maalis na ako at si Sean ang matira since magaling siyang sumalo.

Basti rolled his eyes and threw the ball without hesitations. Tinapon niya ang bola papunta kay Sean pero bigla niya itong nasalo kaya may dagdag siyang buhay. It's either pipiliin ni Phillip na may extra life pa siya or mag-rerevive siya ng isang kagrupo namin. 

"So, kanino?" tanong ni Basti. Binato niya  ang bola pabalik.

"Another life for Kry," Phillip replied. Napataas ang kilay ko at nagpatuloy maglaro. This time, natamaan na si Sean kaya ako na lang ang natira. 

"Si Basti lang 'yan," Phillip replied and patted my back. Umalis siya kaya ako na lang ang naiwan. Hanggang sa pangalawang bato ay nakailag pa ako pero sa pangatlo hindi na. 

Love, D #4: If Love is MischiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon