Lizette's Point of View
"So, Ayaw mo talaga akong pansinin?" Napatingin ako sa likod ko. Hinihintay ko na lang si Basti sa gate para sa tutoring session namin at biglang 'tong sumulpot si Cross.
Argh. Pangatlong araw na nga 'to na hindi ko siya pinapansin at laging iniiwasan. Kapag dumadaan siya rito, lagi akong nagtatago. Hindi ko rin siya nirereplyan sa mga messages niya. I've been doing that for three days at pumalpak ako sa fourth day. Ano na namang sasabihin ko kay Basti? Sabi niya kasi kapag kinausap ko si Cross, hindi niya ako bibigyan ng reviewers at magba-back out ulit siya.
Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi naman ako masyadong manhid para hindi ko maramdaman na nakasunod siya sa akin. Kinuha niya pa nga ang bag ko dahil nakita niya akong nabibigatan. Pinakuha ba naman ako ni Basti ng libro sa library. Sinong hindi mabibigatan?
"Pinapansin kaya kita. Baka sensitive ka lang," sabi ko na lang sa kaniya.
Ilang araw na kaya akong hindi mapalagay
nakokonsensya rin ako para kay Cross. Hindi ko naman kasi sinabing gawin niya ang araw-araw na paghihintay sa akin sa labas ng Anastasia. Hindi ko rin naman hiniling na mag-alala siya sa akin noong may sakit ako.
Gosh, Cross. I really want to talk to you pero importante kasi talaga sa akin ang grades ko.
Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto na lang din ako. Naglakad siya papunta sa akin. He faced me and held my right shoulder.
"Come with me, Ly," he said.
"Ha?"
Hindi pa ako nakakasagot dahil hinila niya na ang braso ko. Agad siyang sumakay sa motor at binigay niya sa akin ang isang helmet niya.
"Cross, I can't. Kasi may—" I haven't finished my sentence.
"Si Basti ba?" sabi niya kaya tumango ako. "Birthday kasi ng kaibigan ng pinsan ko," he added. "You know, I just want you to come."
Yumuko siya at kinuha ang helmet sa akin. Mas lalo naman akong nakonsensya. Iniwan ko na nga siya nung nakaraan, hindi pinansin nang tatlong araw tapos dinismaya ko na naman siya.
"Tss, oo na. Sasama na ako," I said. Ngumiti siya at siya na ang nagsuot ng helmet sa akin.
"What about Basti?" he asked. Nilabas ko ang phone ko at tinext ang number niya. Sinabi ko na lang na masakit ang ulo ko kaya nagpasundo ako kay Azhter. Minsan lang naman ako magsinungaling. Saka may party. It's okay to have fun naman, hindi ba? Even tho, 'yon ang dahilan kung bakit ako pinalipat sa Anastasia ni Dad.
Nagsimula nang magmaneho si Cross. Hindi ko nga alam na magaling pala siya mag-motor. The rest of the ride, nakakapit lang ako sa bewang niya. Tumigil ang motor niya dahil medyo traffic sa highway. We're stuck for few minutes kaya kinuha ko muna ang phone ko. I'm waiting for Basti's reply pero wala.
To Basti:
Masakit talaga ang ulo ko. No cap. Fr fr.
I sent my text to him bago ko tinago sa bag ang cellphone ko. Bigla akong napasubsob sa likod ni Cross dahil bigla siyang umandar.
BINABASA MO ANG
Love, D #4: If Love is Mischief
RomansaSet at a luxy private university in Manila. Lizete Kryzion Flores is a popular student and a volleyball varsity player. Her family is well-known, rich and she gets everything she wanted. Not until, her father found out what she was doing at school...