15: He's so Hard to Read

0 0 0
                                    

Chapter 15:

Lizettes's POV

"Hmm?"

I felt someone caressing my hair the moment I woke up. Nakita ko si Azhter sa harap ko at nakatitig lang siya akin. Nakaupo siya sa isang upuan at nasa harapan niya si Basti. Tss, have they been watching me ever since?

"What are you doing here?" I asked my devil cousin who just asked for my car yesterday.

Binato ko siya ng unan at agad na tumayo. Argh, My head felt so heavy. Ang sakit rin ng batok at  ulo ko. Pumunta ako sa ref para kumuha ng tubig. Then, I saw Basti following me with his stares. Here we go again, that annoying jerk.

Naglakad siya papalapit sa akin kaya napaatras na lang ako. I walked backwards until I reached the refrigerator. He's always doing that! It can almost send me a heart attack.

"W-What's wrong with you?" 

Hinawakan niya ang leeg ko at noo. He even compared his body heat to mine. He shook his head and grinned. "Fruit shake, may sinat ka."

I rolled my eyes. Kasalanan niya 'to, e. Hinawaan niya ako. Umayos siya ng tayo at naglakad papunta sa lamesa. Nadamihan na naman siguro ng hangin ang utak niya at naghanda pa siya ng breakfast. Hindi naman kasi marunong magluto si Azhter.

"Hoy, Basti. Pinopormahan mo ba ang pinsan ko?" Azhter complained. 

"Azh, manahimik ka nga!" I gave him a glare then looked away. Hinila ko siya sa tabi ko para kumain na lang kami. Ang dami niyang tanong.

"Hoy, Basti. Don't ever dare to court Lychee without my permission. Dadaan ka muna sa akin, kay tito Cha at kay tito Lucas," seryosong sambit niya.

"Azh, ano ba? Hindi naman manliligaw 'yan. Hindi ko nga 'yan type," I whispered.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor na hawak niya at kumuha ng plato. Kukuha na sana ako ng pagkain na niluto ni Basti pero agad tinakpan ni Basti at inilayo sa akin.

"Magluto ka ng sa'yo," sambit niya at tinarayan  ako. What the hell's going on with him? Nagugutom na ako.

Inagaw ko sa kaniya ang takip at binuksan ang mga pagkain. "Kay Azhter ang ingredients! Hindi naman kita sinabihan na magluto, a!" 

"Tss. Then eat it all, you bloated pig!" He clenched his teeth and stood up. Sinamaan niya pa ako ng tingin bago tumalikod. That annoying jerk, he called me a bloated what?

"Hoy, Basti!"

Tumayo ako at pinalo siya sa likod. "It's your fault why I'm sick!" I blatted.

"Then, we're quits!" he exclaimed. Napahawak siya sa likod niya at tinulak ako nang bahagya. Tinulak ko siya kaya siya napaatras. He chuckled acerbically while looking straight into my eyes. I started coughing and sneezing which made me hate him more. Gosh, What a great morning to start with! 

Love, D #4: If Love is MischiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon