Chapter 9: The Game of Riches

0 0 0
                                    

Basti rolled his eyes and grabbed my hand. Ramdam kong may nabubuo na namang tensiyon sa kanilang dalawa kaya ako na ang lumayo. 



"Don't even dare to follow me!" I emphasized.



"Kry! Kanina pa kita hinahanap!" iritang sigaw ni Azhter at hinawakan ang braso ko. May dala-dala siyang varsity jacket. He put that on my shoulder and rolled his eyes at me. "You look like shit."



"I am!" I said back.


Naglakad kami papasok gymnasium at pinaupo niya ako sa pinakaharap nang hindi pumipila ng napakahaba. May silbi rin pala 'to si Azhter kahit papaano.



"Sit down and watch me play.  The seat next to you was reserved. Thanks me later."



I blew my bangs off and nodded. Pinunasan ko ang natapong juice sa damit ko at pinantakip ang varsity jacket ni Azhter. I was currently wiping my clothes when someone lend me a handkerchief.



"Lychie,"



Sean's Point of View


Ramdam ko ang kaba ni Lizette kaya nahahawa na rin ako. She's holding my arm with her cold hands. Fourth quarter na ng game pero lamang pa rin ang kabilang team. Medyo malayo na ang pagitan ng score at hindi man lang lumamang sila Azhter. It would be easier if the captain remain the same. Jerome, perhaps? Kilala ko si Basti maglaro. Hindi naman sa kinakampihan ko siya pero magkaiba sila ni Azhter ng paraan para manalo.  


I saw Azhter and he was damn tired. Pagod na pagod na siya since simula pa lang ng game ay hindi na siya nagpapalit. Medyo newbies pa lang kasi ang reserved players nila. Their coach is also problematic.


The whole sports complex was filled by people cheering for Foster. Shouting Azhter's name multiple times pero wala pa ring nangyayari. 


"What's wrong with Azhter?" sambit ni Lizette na problemadong-problemado rin. 


Nagkaroon ng ten-minutes break at 63-72 ang score. Nakita ko si Azhter na halos mapahiga na sa sahig at binuhos na niya ang mineral water sa buong katawan niya pagkatapos niyang uminom. 


"Is Azhter okay?" tanong ni Lizette. 



"I'll get us food. Stay here."



Lumabas ako sandali ng sports complex para bumili ng tubig. Nakita ko si Basti na nakaupo sa isang staircase sa labas ng sports complex. Hawak-hawak niya ang isang tshirt at nakatingin lang siya sa malayo. 


"Zup," pagtawag ko. Hindi ko siya matignan ng diretso sa mata. Nakatingin lang din ako sa sahig kagaya niya.



"What are you doing here?"



"Ang nostalgic lang, pare."



"Pare is such a big word." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapatong sa balikat niya. "Our friendship was over a year ago, Sean. Baka nakakalimutan mo lang."



Tinalikuran niya ako at naglalakad papalayo. Binato ko ang hawak kong bottled water sa likod niya kaya siya napalingon sa akin.



"Tagal na 'nun ah. Hindi ka ba makalimot?"



"You turned your back at me, Phillip. Sige, sabihin mo sa akin kung paano ako makakapag-move on?" 



He walked towards me and grabbed my collar. "You ruined my life and it's your fault why I'm stuck at Anastasia. So, don't assume na makakalimot ako. Ikaw 'tong tumalikod."



Love, D #4: If Love is MischiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon