Chapter 13: He Makes Me Smile
Third Person's POV
Naunang bumaba si Cross sa harap ng gate nila Lizette. He's really different from his cousin, Jerome Sebastian. Gentleman siya at hindi mainitin ang ulo. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at saka bumaba si Lizette. He closed the door right after and put his both hands on his pocket.
"So, paano? Back out na sa plan natin?" he asked and giggled. Tumango si Lizette at tinapik siya sa balikat. Napatingin naman sa bahay nila Lizette si Cross. He's too amaze nang makita niya na sobrang ganda at laki ng bahay. Mas malaki ang bahay nila kumpara sa buong exterior na bahay nina Basti.
Lizette heaved a deep breathe and patted his back. "Ayaw na kita guluhin," she replied. "Thanks sa paghatid. Magkano pala ang service fee? I'll pay you online. My dad cut my allowance for this month so kay Daddy Lucas ako nanghihingi ng additional money."
"Just treat me something nice tomorrow," Cross said waiting for Lychie's reply. Kinakalkal naman ni Lizette ang bag niya para maghanap ng pera.
"I don't want to get indebted to someone. Stay right there. Wait lang!"
Cross just smiled and walked straight to his car. Nang makakita si Lizette ng pera ay bigla na lang sinimulan ni Cross ang makina ng kotse at agad na nagmaneho. Lizette blew her bangs off and chuckled.
"Magpinsan nga talaga kayo ni Jerome," she said to himself habang tinitigan ang kotse na minamaneho ni Cross papalayo sa bahay nila.
Pagkarating ni Cross sa mansion ay agad siyang dumiretso sa guest room para ibalik kay Basti ang susi. Naabutan niyang nakasimangot si Basti habang paulit ulit na binabato ang stress ball sa pader at sinasalo rin naman ulit.
"Psst, oy. Sa tatay mo na naman 'no?" tanong niya at umupo sa dulo ng kama. Tumango naman si Basti at agad na tumayo.
"Susi ko?"
Binato ni Cross ang susi at agad naman nasalo ng palad ni Basti. "Uuwi kang badtrip?"
"No choice. Kaysa namang mag-stay ako rito." Basti stood up and threw the stress ball at him. "I borrowed your shirt. Balik ko na lang soon."
Pumayag si Cross dahil matagal na silang naghihiraman ng damit. Halos magkapatid na nga ang turing nila sa isa't-isa simula nang mawala ang tatay ni Cross at doon na siya tumira sa bahay ng biological father ni Basti. "Tara, laro."
Basti looked back and frowned. "Wala ako sa mood."
"Sus."
Inakbayan ni Cross si Jerome at bumaba sila sa may backyard. May basketball ring din kasi 'ron kasi madalas sila nag-babasketball dati. Kinuha agad ni Basti ang bola. He dribbled the ball and tried to shoot it on the ring. Nakailang bato na siya at halata na ang inis pero wala man lang pumasok ' ni isa. Something's bothering him everyday and making him mad.
Napaupo siya sa lapag at napalingon sa likod nang may narinig siya nagdidribble ng bola. He smirked when he saw Cross walking towards him and offered his hand to lift him up. "Akala ko ba si Jerome Sebastian Buenavista ang number one varsity ng Foster University?"
Tumayo si Basti mag-isa at inihagis sa kanya ang bola. "One game nga," he replied and giggled at Cross.

BINABASA MO ANG
Love, D #4: If Love is Mischief
RomansaSet at a luxy private university in Manila. Lizete Kryzion Flores is a popular student and a volleyball varsity player. Her family is well-known, rich and she gets everything she wanted. Not until, her father found out what she was doing at school...