Part 11

21.4K 981 147
                                    

HINDI mapakali si Amari sa gabing iyon. Dumating na kasi ang order niyang potion. Kulay pula ang likido niyon, nakalagay sa hugis pusong maliit na bote. Jusko, sobrang cliché at obvious ng packaging!

May nakalakip na instructions sa gayuma. The instructions stated that at midnight, she would need to mix three droplets of the potion on a drink at inumin niya iyon habang nasa isip kung sino ang gagayumahin. Parang orasyon lang. Iyon daw ang paraan para maging pagmamay-ari niya ang potion, iyon daw ang kanyang koneksiyon sa gagayumahin niya, para magkaroon siya ng hatak rito. She had been wondering about that. Kasi iyong mga nabasa niyang gayuma, need pa ng personal touch ng gagamit like hahaluan ng something from the user. Fine with her, buti na lang hindi na kailangan haluan ng kanyang dugo, 'di ba?

Ngunit ang totoo niyan ay nagdadalawang-isip si Amari kung itutuloy pa ba ang ang balak. Pero sayang naman kung hindi, non-returnable at non-refundable ang linsiyak na gayuma. Ang mahal-mahal pa. Five thousand pesos lang naman ang nalagas sa kanya.

Budol is real.

Pero ano namang mawawala sa kanya aside from the five thousand pesos, 'di ba? Kung hindi tumalab, 'e 'di don't. At least sinubukan niya. Ngayon lang naman siya naging ganito kadesperada.

Sa dami ng iniisip ay hindi tuloy binibigyang-pansin ni Amari ang isang lalaking customer nila na kanina pa nagpapa-cute sa kanya. Nakatatlong-beses na itong um-order sa kanya ng drinks, ayaw umalis sa bar counter kahit may kagrupo itong nasa mesa.

"I never got your name," nakangiting sabi nito nang ibigay niya dito ang mint julep.

"It's Amari," walang kangiti-ngiting sagot niya sa lalaki.

"I'm Jigs."

In fairness, guwapo pala ang loko. At buti na lang din na hindi siya interesado dito dahil lumapit dito ang dalawang babaeng kasama nito at bigla siyang tinanong kung siya daw ba iyong kapatid ni Nicci Forteza. And just like that, nagbago ang ihip ng hangin. Nalipat na kay Nicci ang topic, and Amari had to excuse herself para hindi na humaba ang usapan.

Now you know why I need this fucking potion!

Nagra-round si Amari sa floor ng club at nang dumadaan siya sa gitna ng dance floor ay may bumunggo sa kanyang likuran. Paglingon niya ay napagsino niya iyon, nakatalikod din sa kanya at halos sabay silang nagharap.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" nakasimangot niyang tanong sa impakto.

Tumawa si Pierre. "Bakit ganyan ang tanong mo?"

Umikot ang kanyang mga mata nang nagsiksikan sa dance floor at napilitan siya umusod palapit sa lalaki. Ugh. Bakit ba palagi itong mabango?

"Hey, you wanna dance?" nakangiting yaya nito.

"Hindi puwede. I'm working."

"Hindi ka naman siguro sisisantehin ng kaibigan ko."

Dumagsa pa ang mga tao sa dance floor at si Pierre naman ang napausod palapit kay Amari. Halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. Tumingala siya sa mukha nito. The colorful lights seemed to dance in his eyes.

"Hindi ka pa ba kuntento sa mga babaeng kasayaw mo?" aniya sabay tingin sa mga babae sa likuran ni Pierre pilit binawela ang tensiyong nararamdaman niya sa pagkakalapit nilang iyon.

"They're my employees, may send off party sa isang accountant namin."

"Whatever." Tinalikuran na niya ito.

Pagbalik niya sa bar counter ay nagpunta uli doon si Jigs, um-order ng beer. Nakipagkuwentuhan ito sa kanya but she gave him the cold shoulders.

Lumabas si Amari sa backdoor ng club para sumagap ng sariwang hangin. Kailangan niyang mag-relax at mag-ipon ng lakas ng loob para ituloy ang balak. Thirty minutes to midnight na, kailangan na niyang gawin ang parte niya para bumisa ang gayuma. May nakahanda na siyang baso ng tubig sa opisina.

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon