Chapter 5

2.6K 71 6
                                    

Kung masaya ang kanyang mga kaibgan sa kanilang relasyon ni Terence ay mas mas masaya ang kanyang mga kinikilalang magulang.

Lahat ay suportado sila, kung minsan hindi naman perpekto ang kanilang relasyon may tampuhan at selosan. Pero sinusuyo naman nila ang isa't isa, kaya agad na naresolba ang kunting hindi magkaka-unawaan.

~~~

"Alrea, anak, baka babalik na tayo ng Pilipinas." ang inis na balita ni Coree sa anak.

"Talaga mom? Yess! Hindi na ako makapaghintay na makita ulit ang mga kaibigan ko. And of course, si Terence my love." kung inis ang ina na umuwi ng Pilipinas.

"Buwesit kasi itong ama mo! Maayos naman ang negosyo natin sa Manila ay bakit kailangang umuwi pa." ang hindi talaga mapigilang inis.

"Bakit ba kasi mom? Mas gusto ko nga na umuwi na tayo kasi kailangang makita ko na si Terence." ang masayang wika ni Alrea.

Hindi pa nga tapos mag-usap ay dumating ang lalaki.
"Hi dad?" ang bati ni Alrea sa ama at medyo nilakasan niya ang boses para marinig ng kanyang ina.

"Hello.." ang matamlay n sagot ng ama.

Sabay upo sa couch at pumikit habang sinisimulang hilotin ang ulo.

"Dad, talaga po bang uuwi na tayo ng Pinas?" ang hindi talaga maitago na excitement ng dalaga.

"Yes, at gusto ko na ayosin n'yo na lahat ng dapat ayosin dahil sa linggo na ang uwi natin." ang wala sa sariling wika ni James.

Nang marinig ni Coree na talagang uuwi na sila ay walang sabi-sabi itong tumayo at padabog na iniwan ang dalawa sa sala.

"Anong nangyari sa ina mo Alrea?" ang tanong ni James sa anak, dahil hindi niya alam kung anong drama mayr'n ang Coree na 'yun.

"H'wag n'yo nalang po pansinin si mommy. Alam n'yo naman po, na kung puwede lang ay hindi na siya uuwi pa ng Pinas." ang mahabang paliwanang nya sa ama.

Pero kahit hindi siya magtanong ay alam na niya kung bakit nagkagan'n ang babae.

Naisip din ni James na panahon na upang harapin niya ang katotothanan na wala na sina Almira at Myrrh.
Ilang taon na ba mula ng nilisan niya ang Pilipinas? Fifteen years. Kung buhay lang sana si Myrrh, kaidad siya Alrea twenty-two at malamang may trabaho na at hindi katulad ni Alrea na tamad, kahit tapos naman ng kursong Business Administration ay walang planong tumulong sa kanilang mga negosyo.

Na mi miss natalaga niya ang kanyang mag-ina, kahit ang libingan lang ng mga ito ang kanyang makita ay maging masaya na siya, dahil alam na niya kung saan niya pupuntahan ang mga ito kapag gusto niya silang makasama.

Oo, nga naging masaya siya kasi kasama niya ang kanyang bagong pamilya, subalit hinahanap-hanap ng puso niya ang tunay niyang pamilya.

Noong una, naniwala siya na anak niya si Alrea, pero may nag-uudyok talaga sa kanya na hindi niya kaanu-ano ang bata kaya nagpa- DNA test siya na lingid sa kaalaman ni Coree at doon niya napatunayan na tama ang kayang hinala.

Pero dahil sa pangungulila sa kanyang anak ay itiniring na lang niya na anak si Alrea.

Nang sumunod na araw ay abala na sila sa paghahanda
para sa kanilang pagbabalik-bayan. Kung sobrang saya ni Alrea si Coree ay halos hindi maipinta ang mukha.

Kinakabahan kasi siya, dahil hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa Pilipinas.

"Mom, bakit hindi po kayo masaya na uuwi na tayo ng Pilipinas? Ayaw mo bang makita si lolo Henry?" ang tanong niya sa ina habang nag-e-empake sila. "Kasi ako po, sobrang excited na!" ang dugtong pa niya.

"Puwede ba Alrea, bilisan mo na lang iyang ginagawa mo at marami pang dapat asikasuhin!" ang tanging sagot ng kanyang ina.

Dahil masyado siyang masaya at sa wakas magkikita na naman sila ni Terence ay binaliwala na lamang niya ang bulyaw sa kanya ng ina.

Kasi kung pangkaraniwang araw lang naku, baka nagkakasabunutan na naman sila.

~~~

Dumating ang araw na pinakahihinitay na araw nila Almira ang kanilang pagtatapos.

"Congratulation!" ang bati ni Terence sa nobya, sabay abot ng bulaklak.

"Congratulation din sa'yo." sabay halik sa pisngi ng nobyo.

"Sa pisngi lang?" ang kantiyaw nila Eden at Ricca.
"Inggit lang kayo! Kasi kahit sa bumbunan ninyo ay wala man lang umamoy!" ang ganting kantiyaw niya sa dalawa.

"Iyan ang akala mo sistah!" ang sagot ni Eden Joyce n bagamat kalog ay seryoso naman sa buhay.

"Talaga lang ha?" ang hirit naman ni Ricca upang inisin lang ang pinsan.

"Ops! Tama na iyan at gutom na kami." ang wika ng mga parents nila na papalapit na pala sa kanila.

"Congratulation anak." sabay abot ni Roberto ng kanyang regalo para sa anak. At bulaklak naman para sa mga kaibigan nito.

"Thank you po tito, tita." ang sabay na wika ng magpinsan.

Sina Maricel at Keren Happuch ang parents nila Eden at Ricca.

"Tita, ang mommy ko po si Hope." ang pakilala ni Ricca sa kanyang ina.

"Ako din po ang nanay Maricel ko po." ang wika naman ni Eden.

Ngkumustahan silang lahat at masayang tinungo ang kinaparadahan ng kanilang sasakyan.

"Terence, bakit hindi ko nakita ang mga parents mo?" ang tanong ni Lot sa nobyo ng anak. Paano naman sa isang taong mahigit na relasyon ng dalawa ay ni hindi nila nakita
ang mga ito.

"Baka po na delayed ang flight nila mula state." ang sagot ng binata.

"Gano'n ba, so ang ibig sabihin nito ay mauuna na kami sa inyo?" ang wika ni Roberto.

"Dad, sabay nalang ako kay Terence?" ang paalam niya sa magulang.

"Sumama ka nalang sa kanila Camz, susunod na lang ako, kasi tanghali na at mukhang sa sobrang gutom mo na e, pati ako mapagkamalan mong pagkain." ang biro nia sa nobya.

"Psst..! Mauna na kami kita kits nalang sa restaurant ha." ang sigaw ni Eden na nakadungaw pa sa bintana ng kotse.

Kaway na lang ang sagot niya sa mga kaibigan.

Papasakay na sana siya sa kotse nila ng lumapit sila Maricris sa kanila at may kasama itong babae na napakabulgar ng suot nito.

Labas na halos ang kaluluwa dahil sa sobrang igsi ng skirt at ang cleavage talagang ipinagmayabang.

"Terence! May surprisa kami sa'yo." ang sigaw ni Miguela.

Samantalang si Loida ay nakangisi sa kanya.

Paglingon ng binata ay hindi nito naiwasan ang mga labi ni Alrea na siyang sumalubong sa kanyang pagharap.
Hindi nakakilos ang binata dahil sa pagkabigla kaya, hindi niya nakita ang pagluha ni Camela at walang kibo na sumakay sa kotse.

KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon