Chapter 9

2.3K 62 3
                                    

"Kuya, Roberto.. Magandang umaga sa inyo." ang bati ni Zander ang kapatid nito sa ina.

"Kayo pala, bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo." ang tanging nasabi ni Roberto.

"Kakauwi lang namin mula sa bakasyon, ni hindi nga kami nakadalo sa graduation ni Maricris."

Ang paliwanag nito sa kapatid, na parang sinusuri ang hitsura nito.

"Kuya, ang balita ko, may nangyari daw sa inyo noong graduation ni Camela? Alalang-alala po kami sa inyo." ang may kasama pang iyak.

"Wala naman, hindi lang sila nagkaunawaan ni Terence." ang kunwari ay iyon ang ibig sabihun ng kanyang kapatid. Pero alam niya na ang tinutukoy nito ay ang muntikan na nilang pagkabangga sa isang poste ng ilaw.

Nagtataka sila kasi wala namang nakakaalam no'n.
Pero binabaliwala na lamang ni Roberto ito.

"Couz, pasensiya na ha, kung hindi ko napigilan si Alrea ng halikan siya ni Terence." kunwari ay concern siya pero kumukulo ang dugo nito sa dalaga dahil sa
sobrang inggit, kasi siya dapat ang nasa posesyon ng dalaga dahil napag-usapan na aampunin na sana siya kung hindi lang dumating si Camela.

"Wala iyon, nakapagpaliwanag na siya sa akin at alam kong hindi ako kayang saktan ni Terence." ang nangingiti pa niyang paliwanag sa pinsan.

Kung nakamamatay lang ang mga mura ay baka kanina pa tumimbuwang sa kina-uupuan.

Marami pang napag-usapan ang lahat at nakikiusap si Zander na ipasok si Maricris sa company nila bilang head sa production.

"Sige Zander, pero hindi agad magiging head, kailangan niya munang pag-aralan ang lahat, puwede siyang assitant ng team leader." nakasimangot si Maricris, pero wala siyang magagawa.

"Si Camela tito, ano ang trabaho niya sa company NATIN?" talagang pinagdiinan ang salitang natin.

Para iparamdam na hindi kasali ang dalaga.

"Sa paper works ako, magpa-asign. Gusto ko kasing magsimula sa mabaa para walang masabi iyong mga matagal na sa company." ang wika niya na nakataas ang noo na lalong pinagngingitngit ni Maricris. at sa isip nito ay" Ang yabang mo, may araw ka rin sa akin buwesit ka!" ang halos mapunit na ang sapin ng sofa dahil doon niya binunton ang inis.

"Maricris may sinasbi ka?" narinig kasi ni Lot na bumubulong ang dalaga na parang bubuyog.

"Wala po tita. Siyanga po pala, kaya ako sumama kasi gusto ko na na kunin ang regalo ko." na kay Lot nakatingin, gustong gusto kasi nito na makuha ang set na alahas na bigay ng papa ni Roberto kay Lot.

"Iyon lang pala, sandali lang ha. Tiyang? Pakidala nga dito iyong mga regalo." nasasabik na siya na maisuot ang alahas na ang sabi pa ng kanyang ina bago ito mamatay na napakaganda daw.

Nang makita ni Maricris si Tiyang ay walang pasintabi nilundag niya ang matanda upang makuha kaagad ang nakabalot na regalo.

Agad niya itong binuksan at hindi maitago ang frustration sa mukha dahil ibang set of jewelry ang regalo sa kanya at tiningnan ng masama si Camela.

"Bakit Kris, may problema ba? Ibigay ko nga sana iyan noong araw ng graduation ninyo kaya lang 'di kita nakita."
Pero alam ni Lot na ibang alahas ang gusto nitong makuha.

"Bakit Kris, hindi mo ba nagustuhan? Hindi ba ang sabi mo sa akin na gusto mo ng set of jewelry? Kaya iyan ang napili ko para sa'yo. Sa Singapore ko pa nabili iyan." ang patuloy na pang-iinis ni Lot dalaga.

"Salamat tita. Ano po ang regalo ni Camela?" dalangin niya na hindi sana iyong alahas na gusto niya.

"Iyong bagong sports car sa garahe." ang sagot ni Roberto.

Nanlaki ang mata ni Maricris, paano naman kasi gustong gusto din niya ng gano'n, kaso lang ha wala yatang pambili ang kanyang mabait na ama.

Kasi wala pang isang taong mamatay ang kanyang ina ay nag-asawa kaagad ito ng mas bata pa dito.
Ang secretary nitong malandi na alam niyang per lang ang habol sa kanyang ama.

Hindi rin gaanong nagtagal ang mga ito at may pupuntahan pa daw na welcome party.

Isinasama siya ni Maricris ngunit tinanggihan niya lamang ito.

Pagkaalis ng mga hindi inaasahan bisita ay saka lang sila nakahinga ng maluwag.
Lunes unang araw sa trabaho, habang abala siya sa pagtingin sa mga papeles na dapat pirmahan ay may narinig siyang nagtawanan sa kabilang cubicle.

"Alam niyo ba na nandito ngayon ang anak ng may-ari ng Mann Construction Company?" ang pagbibida pa ng isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay boses ni Miguela.

"Ano naman ang ginagawa niya dito?" ang tanong ng isang secretary na si Anisah Flores-Polonto.

"Dito siya pumasok bilang kapalit ni Ms. Calalin sa design."

"Bakit dito siya pumasok?"

"Ewan, ko lang pero ang balita ko, andito daw kasi ang kanyang karibal." ang sagot ni Miguela nakatingin sa cubicle ni Camela.

"Ano ba kayo?! Oras ng trabaho chismisan pa kayo d'yan! Balik sa trabaho!" ang sita ng kanilang bagong supervisor si Ms. Calalin. May pagkamasungit pa naman ito.

"Ms. Samonte?" ang nakataas kilay niyang tanong sa babae na halos naligo na ng alikabok.

"Pakidala nalang sa opisina ko iyong para sa production na mga papers." ang hindi parin maibabang kilay. Naraos naman niya ang unang araw sa trabaho, kahit pagod ay masaya naman siya, lalo pa't nakatanggap siya ng ma bulaklak mula sa binata dahil para sa first day of work.

Papalabas na sana siya sa cr ng marinig niya ang boses ni Maricris sa labas at mukhang papasok ang mga ito.

Kaya bumalik siya sa loob at naghintay kung kailan lalabas ang mga ito.

At base sa kanyang naririnig ay kasama nito si Alrea.

"Alrea, ano plano mo ngayon na nakapasok kana sa company namin?"

"Wala naman, gusto ko lang mapalapit sa Camelang 'yun, para malaman niya na mahirap akong kalaban."

"Paano iyan? Pati kami makipagplastikan sa kanya?" ang hirit ni Loida.

"Kung ayaw ninyong matanggal dito. Alam niyo naman na walang tatanggap sa inyo na company dahil ang bobo ninyo." ang panghahamak ni Maricris sa mga kaibigan na laging nasa tabi niya.

"Tama! Kaya gawin ninyo ang iuutos ko sa inyo? Maliwanag?" ang inis na si Alrea.

Napayuko nalang sina Loida at Miguela, kahit naman tatanga-tanga sila ay mga matatalino sila at higit sa lahat
tao sila na may damdamin na nasasaktan sa tuwing hinahamak sila ng mga kaibigan, dahil ba mahirap lang sila?

Nang marinig ni Camela ang panghahamak nila Alrea at Maricris sa mga kaibigan ay doon sita nakaramdam ng inis sa dalawang dalaga.

At may balak pala talagang masama sa kanya ang mga ito. Kailangang mag-iingat siya. Maya-maya ay narinig na niyang umalis ang mga ito kaya nagmamadali na rin siyang lumabas dahil naghihintay na si Terence sa lobby.

"Kanina mo pa ba ako hinintay Terence?" ang malanding tanong ni Alrea.

"Sorry Alrea pero hindi ikaw ang ipinunta ko." ang mahinahong tanggi ng binata.

"I know it's Camela, right? "

Sasagot pa sana ang binata ng makita nito ang nobyo na palabas ng elevator.

"Maiwan ko na kayo, nariyan na ang sinusundo ko." ang walang lingon na nilapitan ang nobya inabot ang bulaklak at hinalikan sa labi.

Samantalang nagpupuyos sa galit sina Maricris at Alrea.

Walang ibang nasa isip kundi ang paghihiganti.

KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon