Halos, malaglag sa upoan sina Almira at Jewel dahil sa pagkakita nila kay Camela na papasok ng restaurant habang naka-abresiyete sa mga magulang.
"Guys, simulan na natin ang kainan!" ang sigaw ni Terence. Kasi maging siya ay dobl'ng kaba ang kanyang naramdaman.
Hindi niya alam kung paano magsimulang kausapn ang nobya. Kita niya maging ang mga magulang niya ay masama ang tingin sa kanya.
"Sis, halika dito ipakilala kita sa tita namin." ang hila sa kanya ni Eden.
Papalapit sila sa table ng babae, bagamat medyo may edad na ito ay regal parin ang beauty.
Makikita mo ang lungkot sa mga mata nito... May naramdaman siyang kaba, para bang may mga paru-paru na nagliliparin sa kanyang tiyan.
Pagkalapit nila ay agad silang ipinakilala sa isa't isa. Nagtataka siya kung bakit umiiyak ang babae.
"Tita, meet Camela, my friend." ang wika ni Eden.
"Buhay ka? Oh my God! Anak, buhay ka nga!" Niyakap na siya ng babae.
Maging si Jewel ay lumapit na rin sa dalawa."Tama, ikaw si Myrrh." ang naluluhang wika ni Jewel.
Lahat ng nakasaksi sa naturang eksina ay naiyak, subalit ang mag-asawang Roberto at Lot ay kinakabahan dahil baka kapag nalaman ang tunay na katauhan ng dalaga ay baka mapahamak ito.
Kaya agad nilang nilapitan ang mg ito.
"Pasensiya na pero hindi siya ang inaakala ninyong anak niyo." ang bulong ni Lot kay Almira dahil pinagtitinginan na sila ng mga imbitado nila.
"Tama at huwag tayong gumawa ng eksina, pigilan ninyo ang inyong mga sarili." ang dugtong ni Roberto.
Nang marinig nila Almira at Jewel ay naalala nilang dalawa ang kanilang pinag-uusapan sa matagal na hinala. Mabuti nalang at medyo malayo sila sa karamihan.
"Pasensiya na hija, napagkamalan kita." sabay yakap sa dalaga.
Mabuti nalang at ang karamihan ay abala sa pakuhanan ng letrato at kainan.
"Sige, balik na kami sa table namin, at puwede natin ito pag-usapan sa ibang araw." ang wika ni Lot at nagkasundo sila na magkikita pa.
"Tita, ano iyong narinig namin na anak mo si Camela at siya si Myrrh ang namatay naming pinsan?" ang usisa nila Eden at Ricca.
"Hindi naalala ko lang ang pinsan ninyo sa kanya, kasu nagkahawig sila." ang sagot niya sa mga ito at sana maniwala sila.Hindi na siya kinulit pa ng dalawa, at bumalik na sila sa kanilang table.
"Sis. Alam ko ang naramdaman mo ngayon, pero huwag malungkot kasi alam nating buhay siya. Kaya cheer up! " ang alo sa kanya ni Jewel ng lapitan siya nito.
"Alam ko sis. Pero hindi ako titigil ngayong alam ko na buhay ang anak ko at si James ay kailangang magbayad ang may sala."
"Tama kaya huwag kang malungkot d'yan. Halika dito at ipakilala kita kay Terence ang boyfriend ng anak mo." ang bulong ni Jewel sa kanya.
"Hijo, siya ang tita Almira mo." ang masiglang wika ni Jewel.
"Hello tita, sinasabi ko na nga ba ikaw iyong nakita ko kanina." sabay yakap sa kaibigan ng ina na itinuturing na niyang tita.
"Ang liit talaga ng mundo, pamangkin niyo pala sina Eden at Ricca? "
"Oo, naman! Kung alam ko lang na ikaw pala ang lagi nilang ibinibida sa akin na mabait nilang kaibigan." ang masayang wika ni Almira."Mabait lang po tita? Wala na bang iba?" ang biro ng binata.
"Bakit ano ang gusto mong iba naming sabihin kay tita? Na g'wapo ka? Asa kapa?" at nagkatawana silang lahat.