"COREE! Nasaan ka!" Ang galit na galit na lalaki ang dumating at nagsisigaw.
"Ang kapal ng mukha mong magsisisigaw! Tapos ikaw itong pumatol sa bata!" Ang sagot niya sa lalaki.
"Huwag mo akong paikotin Coree! Tinanggap ko kayo ng anak mo! Tapos iyon pala ay niloloko mo lang ako?! Lumayas kayo sa tahanan ko!" ang pagtataboy niya sa mag-ina.
"James?! Baka nakalimutan mo na kasal na tayo? Kaya mananatili ako sa pamamahay na ito?! Kaya wala kang karapatan na palayasin kami." ang sagot din niya lalaki.
"Gano'n? Bilangan tayo ng karapatan? Sige, pagbibigyan na kita."
"Nakalimutan mo ba na wala ako sa sarili ng magpakasal tayo? At bakit mo sinabi sa akin na anak ko si Alrea?"
Namutla si Coree, pagkarinig sa mga sinasabi ni James kasi ang aka niya ay hindi alam ng lalaki na buhay si Almira.
"James, pakinggan mo muna ako, hindi ko alam na buhay pa pala siya." ang animo'y isang santa kung makapagpakumbaba.
"Talaga lang huh?
Kaya pala ayaw mo na umuwi ng Pinas dahil takot ka na malaman ko ang baho mo! Kaya pasensiyahan na tayo Coree. Ngayon din ay lumayas kayo sa tahanan ko dahil hindi kayo nararapat dito.""Bakit? Sino ang nararapat? Ang babaing mag-aagaw? No way! Hindi ako makakapayag na aagawin ka niya sa akin ulit. Kung kinakailangang patayin ko siya ulit ay gagawin ko."
Dahil sa sobrang galit ay hindi na kailangan na pilitin pa na paaminin ang babae, siya na mismo ang nagsalita.
Nagulat si Coree dahil may mga pulis na biglang pumasok at pinusasan kaagad si Coree.
Samantalang si Alrea na kararating lang ay ang paghuli agad ng ina ang kanyang naabutan.
"Mom? Ano ang nangyri? Bait ka nila hinuhuli?" ang nagulohang dalaga.
"Tawagan mo ang lolo mo! Kinakailangan na gumawa siya ng paraan, ayaw kong makulong."
"Isama na ninyo iyang anak niya. Dahil sa panloloko niya." ang walang pag-alinlangan na wika ng lalaki. Na ikinagulat ng dalaga at ni Coree.
"James utang na loob, huwag mong gawin ito sa anak ko." Edited · Like · 7 hours ago
Sherl Doayao Ang hindi makapaniwalang si Coree dahil sa ginawa ng asawa. Minahal nito si Alrea na parang anak, tapos ngayon ay nakakaya nitong ipakulong.
"Dad? Bakit niyo ito ginagawa? Dahil ba sa babaing pokpok na iyon? Nakita ko kayo kanina sa restaurant, ang sweet niyo pa nga ni Camela. Bakit dad? Dahil ba pakakasalan na ako ni Terence kaya ikaw naman ang kakalantariin niya."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Alrea!" sabay sampal sa dalaga na halos ikasubsob nito, buti nalang at nasalo ito ng isang pulis na may hawak dito.
Hindi makapaniwala ang lahat na nakasaksi sa ginawa ng lalaki.
"Anak ko iyon! Kaya wala kang karapatan upang hamakin siya! Ikaw nga na kahit hindi kita tunay na anak ay minahal kita pero ito ang iganti ninyo sa akin?" galit na talaga ang lalaki.
Pagka-alis ng mga pulis, na may dala sa mag-ina ay agad siyang lumakad upang puntahan ang kanyang mag-ina.
Nagising na siya sa katotohanan, kailangang makahingi na siya ng tawad sa anak at kay Almira.
Sana hindi pa huli ang lahat para mabuo silang muli. "Dahil kung magkakahiwalay pa kaming muli ay hindi ko na kakayanin pa." ang bulong niya habang nagmamadaling umalis.
Pauwi na si Almira ng makatanggap ng tawag mula kay Lot na nasa hospital sila, dahil inatake si Camela.
Halos paliparin na niya ang kotse at nagbanta na kung ano mang mangyari sa anak ay hinding hindi niya mapapatawad ang dating asawa. Maging ang kanyang sarili dahil naging pabaya siyang ina. Si Myrrh ang tumanggap ng lahat ng paghihirap.
Pagdating sa hospital ay naabutan niya sina Lot sa labas ng ER.
"Ano ang nangyari sa anak ko." ang umiiyak na tanong niya kay Lot.
"Inatake siya, ang ikinakatakot ko ay matagal na mula ng huling inatake ng kanyang sakit." ang sagot ni Lot.
"Diyos ko, kayo na po ang bahala sa anak ko." ang tanging nabigkas ni Almira.
Pagkalabas ng doktor ay agad nila itong nilapitan.
"Milagro na lang ang ating pag-asa. Bumibigay na ang kanyang puso. Umaasa nalang siya sa mga aparato."
Nanlambot na napaupo ang dalawang ina dahil hindi nila alam kung ano ang gagawin, maging si Roberto na lalaki ay napaluha dahil ang babaing kanilang minahal na higit pa sa isang tunay na anak ay mawawala na ba ng tuloyan sa kanila.
"Agarang operasyon lang ang makakasalba sa kanya, kaso maraming nakapila para sa heart donation kaya mahihirapan tayo." ang patuloy na wika ng doktor.
Nang mabalitaan ni Terence ang nangyari sa nobya ay agad siyang pumunta ng hospital.
Maging si James ng matanggap ang tawag ni Jewel ay tumuloy na siyang hospital.
Isang napakalakas na pagsabog ang naganap sa isang highway na kinasasangkutan ng mga sasakyang nagkarambola at nakakahilakbot na eksina ang masasaksihan.