Chapter 2

3.3K 68 3
                                    

Habang nasa canteen si Camela at hinihintay ang mga kaibigan ay hindi niya napansin na palapit na si Terence.

"Hi! Can I join you?" ang nakangiting binat ang nakatanghod sa kanya.

Hindi nakakibo ang dalaga, dahil nandoon na naman iyong pamilyar na init sa pakiramdam.

Kahit hindi sumagot ang dalaga ay umupo parin ito. Kaya wala ng nagawa pa si Camela.

"Kumusta ka na Camela?" ang tanong ng binata sabay hawak sa kamay ng dalaga.

"Puwede ba Mr. Pakibitawan ang aking kamay!" ang namumula sa hiyang dalaga. Wala pa kasing lalaki na nakahawak sa kamay niya maliban lamang sa kanyang ama.

"Pasensiya na, nadala lamang ako sa bugso ng aking damdamin. May naalala lang kasi ako na kamukhang kamukha mo." ang hindi maitagong lungkot sa boses ng binata.

Ngunit deadma lang ng dalaga ang paliwanag ng binata. Kasi maging siya man ay may naramdaman din siyang ganoon, saubalit binaliwala lamang niya ito.

Tahimik na lamang silang kumakain, habang hinihintay ni Camela ang mga kaibigan na ewan niya kung bakit ang tagal.

Ang sabi sa kanya paalis na ng bahay, halos isang oras na siyang naghihintay, magsisimula na ang unang subject nila.

Maya-maya lang ay tumunog ang kanyang telepono.

"Hello! Camela? Hindi muna kami papasok ngayon, kasi may emergency lang." ang wika ni Eden Joyce sa kabilang linya.

"Walang problema, basta balitaan niyo ako ha? Teka ano bang emergency?"

"Iyong tita namin, dinala sa hospital, walang magbabantay kaya, hindi muna kami papasok." ang sagot ni Eden.

"Iyong tita mo na wala ng pamilya?" ang tanong niya sa kausap na nakaramdam ng kaba ang dalaga.

"Oo, sige sis. Bye."

Hawak parin niya ang telepono, at wala sa sariling napahawak siya sakanyang dibdib.

"Okay ka lang Camela?' ang natarantang binata.

Nagulat naman si Camela ng yugyogin siya ng binata. Nagkatitigan sila at mula sa mga balintataw nila ay may nabubuong imahe ng dalawang batang naglalaro, pero mga walang mukha.

"Bakit mo ako tinititigan?" ang tanong niya sa binata na kunyari ay galit.

"Paano? Nakatitig ka rin naman sa akin. Kaya nakipagtitigan na rin ako."
ang sagot ng binata na ikinairita niya.

"Diyan ka nga at mahuhuli na ako." sabay hila ng kanyang bag at tumalikod na.

Nakatulala nalang na naiiwan ang binata sa table. Tumayo na rin siya at pumasok na sa klase.

Hindi mapakali si Camela, kahit anong gawin niyang concentrate sa pakikinig ay lutang talaga siya.

Maging sa mga sumusunod niyang klase ay ganoon din, hindi siya nakapag concentrate, at hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Hanggang palabas na lang siya ng campus ay abala parin ang isip niya sa mga bagay na hindi niya alam.

Papalapit na siya sa kinahimpilan ng kanyang kotse at nakita na niya ang kanyang drayber ng harangin siya ng tatlong babae na masana ag tingin sa kanya.

"Girls, tingnan ninyo! Nandito na ang mang-aagaw." ang sigaw ng isang babae na parang reyna kung makaasta.

"Oo nga! At nag-iisa lang, hindi kasama ang kanyang alalay na mukhang chimay!" at nagkatawanan na silang lahat.

"Ano ba ang kailangan ninyo sa akin? Isa pa, wala naman akong alam na may inagaw ako sa inyo?" ang sagot niya sa mga ito.

"Aba! Ang tapang mo naman, hindi ka ba natatakot sa amin? Malamang ang iniisip niya darating ang kanyang knight in shining armour." ang kantiyaw ni Maricris sa kanya.

"Hawakan mo Loida! Para makatikim ng sampal sa akin ito." ang utos ni Miguela.

"Hoy! Ano ang ginagawa ninyo sa kanya?"

ang sigaw ng kanyag drayber bodyguard na si Darius.

"Wala kang pakialam! Kaya puwede ba pabayaan mo kami dito! Hintayin mo nalang na matapos kami sa kanya." ang may kasama pang tawa na wika ni Maricris.

"Bakit ba lagi mo nalang inaaway si Camela? Dapat nga kaibiganin mo pa siya dahil magpinsan kayo?" ang sagot ng binata.

"Wala akong pinsan na mang-aagaw! Isa pa ampon lang siya kaya hindi kami magka-anu-ano!" ang sigaw ni Maricris.

"Kaya mo siya sinasaktan? Ang labo mo Kris." ang wika ng binata sa dalagang iniibig sa tago.

"Tayo na nga! Pero ito ang tandaan mo Camela, hindi ako makakapayag na angkinin mo ang akin!" ang may kahulogan niyang banta sa dalaga na hindi na lang lumaban pa.

Tumalikod na ang mga ito na may pagbabanta sa kanya.

"Ayos ka lang ba Camela?" ang nag-alalang tanong ni Darius sa kaibigan. Kahit drayber bodyguard siya ng dalaga ay hindi iba ang turing sa kanya.

"Ayos lang ako, Darius huwag kang mag-alala. " ang sagot ni Camela sa kaibigan.

"Mabuti naman kung ganoon. " Umalis na sila.

Nakita pala lahat iyon ni Terence, lalapit na sana siya ng makita niyang lumapit ang isang binata sa mga ito.

"Siguro, nobyo niya iyon." ang malungkot na wika ng binata at nilisan na rin niya ang naturang lugar at umuwi na.

KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon