Chapter 13

2.2K 64 1
                                    

Halos paliparin na ni James ang kotse makita lang kaagad ang anak. Kahit pa hindi niya ito dugo't laman ay mahal na mahal niya ito.

Gagawin niya ang lahat upang maging maayos lang ang anak. Tinanggap niya ito ng buong puso at kung sino man ang mananakit dito ay magbabayad.

"Nasaan si Alrea?" ang bungad niya kaagad kina Maricris ng makita niyang nasa labas ito ng laboratory.

"Nasa loob pa po siya tito, at sinusuri kung ano ang dahilan ng kanyang pagkahilo."

Maya-maya lang ay lumabas na ang dalaga kasama ang doktor. Agad na sinalubong ni James ang mga ito.

"Ano ang nangyri princess." sabay haplos sa buhok ng dalaga.

"Mister, doon nalang po tayo sa opisina ko mag-usap." nagpatiuna na ang doktor, habang tulak ni James ang wheelchair.

"Buntis po ang anak ninyo at masilan ito." ang walang kagatol-gatol na wika ng doktor.

Pagkarinig ni James na buntis ang anak ay natuwa siya, kasi ang akala niya na kapag may pamilya na ang anak magiging responsible na ito.

"Dad, hindi po kayo galit sa akin?" ang umiiyak na tanong dalaga habang nakayuko.

"Hindi anak, kaya dapat asikasuhin na natin ang kasal ninyo ng ama ng bata."

Lumiwanag ang mukha ni Alrea. "Salamat dad, at nariyan kayo para suportahan ako."

"Huwag ka ng umiyak." niyakap ang anak na malapit ng magiging ina.

Habang pauwi sila ay nagsalita si Alrea.

"Dad, hindi pa po alam ni Terence na buntis ako." at huminto siya sa pagsasalita.

"May iba na po siyang kasintahan pagkatapos na may nangyari sa amin."

Napatiim-bagang ang lalaki ng marinig ang kuwento ng anak.

"Saan ba nakatira ang lalaking iyan at ng mapuntahan. Kailangang panagutan ka niya!" ang galit na galit na lalaki.

Hinatid lang siya ng ama sa bahay at hiningi ang address ng nobyo na nakabuntis sa anak.

Nagtataka si Jewel kung bakit may biglang humintong kotse sa gate nila at walang habas na nagbusina.

Lumabas ang kanyang asawa.

"Ano ang kailangan niyo?" ang nagtatakang si Tyron ang ama ni Terence.

"Nariyan ba ang anak mo na walang hiya! Pagkatapos niyang buntisin ang anak ko ay iiwan na lamang niya basta basta! Hindi maaari iyon!" ang sigaw ni James.

Nagtaka naman si Jewel dahil bakit nagsisisigaw ang lalaki at lumabas din siya baka kung ano ang gawin nito sa asawa niya.

"James? Ikaw ba 'yan?" ang nagulat na si Tyron.

"Tyron? Pare? Ikaw din ba 'yan?" nagulat si James kung bakit nandoon ang asawa ni Jewel.

"James? Ano ang ginagawa mo dito at nagsisisigaw ka pa talaga?" ang galit na si Jewel.

"Kung ganoon, anak ninyo si Terence na nakabuntis sa anak kong si Alrea?" ang natatawang wika ni James.

Nangunot ang noo ng mag-asawa dahil sa dalang balita ni James.

"Hindi niyo ba muna ako papasukin?"

Agad na niluwagan ni Tyron ang gate upang makapasok ang hindi inasahang bisita at may dala pa itong hindi inasahang balita.

"May nobya na si Terence, kaya bakit niya bubuntisin ang anak mo?" pinagdiinan talaga ni Jewel ang anak mo.

"Jewel, ang sabi ni Alrea, ng malaman ng magaling mong anak na buntis ang anak ko? Hindi naman makatarungan 'yun."

"Hintayin natin ang sasabihin ni Terence kung totoong binuntis niya ang anak mo." ang inis na wika ni Jewel.

"Ang ibig mong sabihin, nagsisinungaling ang anak ko? Gano'n ba? May pagkamaldita ang anak ko, pero hindi siya sinungaling." patuloy na pagtatanggol niya sa kanyang anak.

Hindi rin nagtagal ay pumarada ang kotse si Terence at nagtaka siya kung bakit may ibang kotse sa labas ng bahay nila.

"May bisita yata kayo Rence? Baka puweding sa susunod na lang ako pupunta?" ang kinakabahang dalaga.

"Ano ka ba ? Andito na tayo kaya, papasok na tayo." hawak kamay silang pumasok sa tahanan nila Terence.

"Mom, nandito na sila kuya, kasama si ate Camela." ang sigaw ni Angel Lie na pagkalaki ng boses. Akala mo hindi dalaga kung makasigaw. Kaya ng turn off ang crush niya sa kanya dahil sa boses niya. Isa kasi siyang voice talent kaya kayang kaya niyang baguhin ang kanyag boses.

Nagulat si Jewel na kasama nito si Camela. Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Mom, kaninong kotse iyong nasa labas?"

"Mabuti at dumating kana hijo. Siya si tito James mo ang ama ni Alrea at nandito siya dahil sa kanyang anak." ang wika ni Jewel na hindi man lang naipakilala si Camela.

"Sino siya Jewel?" ang tanong ni James na nakatingin sa dalaga na nakatayo sa likod ng binata.

"Siya si Camela Samonte ang kanyang nobya." ang walang gatol na sagot ni Jewel.

Hindi maintindihan ni James ang sarili ng masilayan niya ang mukha ng dalaga, ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

"Puwede ba tayong mag-usap na tayong apat lang muna." at naintindihan iyon ni Camela kaya lumabas siya ng sala at pinuntahan si Angel Lie pero hindi mawala wala ang kabog ng kanyang dibdib ng malamang ang kanyang ama pala iyon at ni hindi nga siya nakilala.

Ang tagal niyang pinangarap na makita at mayakap muli ang ama.

Pero ngayon nakitana niya ito sa loob ng mahabang panahon ay hindi man lang siya tiningnan nito.

At an iyong narinig niya? Si Alrea at anak niya, ibig sabihin magkapatid sila sa ama.

KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon