Chapter 14

2.3K 68 0
                                    

"Terence, kailangang pakasalan mo ang anak ko." ang walang pasubaling wika ni James.

"Wala po akong dapat panagutan kay Alrea, dahil wala naman kaming relasyon." Napasigaw sa galit si James.

"Hindi maaari! Kung ayaw ninyo na kakalimutan ko na magkaibigan tayo Jewel!"

"Baka nagkamali lang ang anak mo? Baka hindi si Terence ang ama ng pinagbubuntis ng anak mo?" hindi na napigil ni Jewel ang sarili at nabulyawan ang lalaki.

"Hindi pakawala ang anak ko! Kaya alam kong hindi siya gagawa ng bagay na hindi niya gusto." ang galit na talaga ang lalaki.

"Sige, pag-isipan ninyo ang sinasabi ko Jewel at sana huwag ninyong hintayin na lumabas ang aking apo na walang ama. Alam mo ang pakiramdam ng walang ama Yana." ang parunggit pa ng lalaki bago nilisan ang tahanan ng kaibigan.

Pero hindi niya napigilan ang sarili habang palabas sa tarangkahan at sinulyapan ang dalagang naka-upo sa swing.

Nakatingin din pala sa kanya ang dalaga at pakramdam ng lalaki ay tinatawag siyang daddy nito.

Binaliwala na lamang niya ang naramdaman, dahil ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kalagayan ni Alrea.

Pagkaalis ng lalaki ay lumabas naman ang binata at niyakap nito ang dalaga.

"Camz, ano kaya kung magpakasal na tayo?" nagtaka ang dalaga dahil ang binata ang nagsabi sa kanya na after three years bago sila magpakasal.

"Akala ko ba, hintayin muna nating mag-ipon." ang sagot na lamang niya dahil nagugulohan siya, lalo pa at nakita niya ang ama na hindi man lang siya nakilala.

"Tama ka Terence, dapat nga magpakasal na kayo, ano pa ang hihintayin ninyo. Tutal nagmamahalan naman kayo at para tumigil na sa panggugulo si Alrea."

"Tita, hindi niya ako nakilala." ang dismayadong wika niya.

Walang nasabi ang pamilya ni Terence, dahil naawa sila kay Camela lalo na ang nobyo dahil alam niya kung gaano nito gustong makasama ang ama. Pero ngayong nagkita sila ay hindi man lang siya nakilala ng taong nautangan niya ng kanyang buhay.

Huwag kang mag-alala hija, makikipagkita na ang iyong ina kay James sa linggo. Kaya huwag ka ng umiyak." niyakap siya ni Jewel.

"Bakit nga pala siya nandito at parang narinig ko ang pangalan ni Alrea? Kapatid ko po ba siya?"

"Hindi mo siya kapatid Camela pero hindi alam ng iyong ama."

"Kaya mo kang makunsensiya kasi wala ka naman dapat alalahanin. Isa pa sigurado naman si Terence na wala silang relasyon ng babaing iyon. Nagmana talaga sa kayang inang demonyo." ang hindi na pigilang bulalas ni Jewel.

"Kami na ang bahala para sa pagpapakasal ninyo, kaya ituloy niyo lang ang inyong mga ginagawa ngayon." ang patuloy na wika ni Jewel.

Kahit nagugulohan ang dalaga at maraming katangungan kasama na ang hinampo sa ama.

Dahil hindi man lang talaga siya nakilala nito at ni hindi nga inalam kung patay na ba talaga siya.

"Ano namang pakulo ito Alrea? Paano ka nabuntis?" ang sigaw ni Coree sa anak.

"Mom, puwede ba? Huwag niyo na lang akong pansinin! Isa pa, sinusunod ko lang ang gusto ninyo." ang ganting sigaw niya sa ina.

"Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ko gusto ang Terence na iyon!"

Kahit talaga kailan lagi nalang nagbabangayn ang mag-ina.

"Hindi ba ang gusto ninyo ay makuha ko na ang aking mana? Kaya mag-aasawa na ako." nanlaki ang mata ni Coree pagkarinig sa sinabi ng anak.

KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon