Chapter 12

2.3K 60 0
                                    

"Kumusta ka na Emes?" ang bungad ni Jewel sa kaibigan. Pagkarinig ni James sa tawag sa kanya ng isang babae ay nanlaki ang kanyang mga mata.

"Yana?! Ikaw ba talaga iyan?" agad na tumayo ang lalaki at niyakap ng mahigpit ang matalik na kaibigan na matagal na panahon niyang hindi nakita.

"Jewel, bakit ngayon ka lang nagpakita? Alam mo ba na patay na ang mag-ina ko?" at hindi napigilan ng lalaki ang mapaluha sa tuwing naalala ang kanyang mag-ina.

"Iyan ang ipinunta ko dito James, may gustong makikipagkita sa'yo." ang sagot niya sa lalaki.

"Sino? Abala ako ngayon Yana at Kailangan ko pa kasing hanapin ang mga kapatid ni Almira." biglang nalungkot si Jewel dahil tumanggi ang lalaki.

"Bakit? Hindi mo pa ba sila pinuntahan? Ang pagkakaalam nila patay ka na?" nanlaki ang mga mata ni James sa narinig na sinabi ng kaibigan.

"Paki-ulit ng iyong sinabi mo Yana?" ang nagulohang lalaki.

"Ang alin? Iyong hindi mo pa ba sila pinuntahan?" ang kunwari ay hindi niya alam kung alin ang tinutukoy ng lalaki.

"Hindi iyong sinabi mo na ang pagkakaalam nila ay patay na ako?" ang hindi talaga makapaniwalang ulit ng lalaki.

"Ah, iyon nga ang pagkakaalam nila na hindi mo naligtasan ang iyong operasyon sa ulo." nakuyom ni James ang kanyang kamao dahil alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat.

"Gusto kong samahan mo ako sa kanila, at gusto ko ngayon na Jewel." ang galit na si James.

Naghahanda na sila sa pag-alis ng biglang tumawag ang secretary niya na nasa hospital daw si Alrea.

"Pasensiya na Jewel, puweding ipagpaliban muna natin ang ating lakad? ang walang alinlangang tanggi ng lalaki.

" Bakit James? May nangyari bang hindi maganda?" ang nagulohang babae, kasi naman aalis na sila pero ng matanggap ng tawag ay biglang hindi na hindi matutuloy.

"Ang anak ko, nasa hospital. Kinakailangan ako ng anak ko Yana. Kaya pasensiya na, tatawagan nalang kita kapag maayos ko na ito." wala man lang paalam at nauna pang lumabas ng opisina ang lalaki. Umalis nalang din si Jewel sa naturang lugar at umuwi na.

Habang nagda drive siya pauwi ng bahay ay nahagip ng mga mata niya ang babaing talipandas si Jho.

"Elon, balikan mo nalang kami mamaya dito ni Len." ang bilin niya sa asawa habang papalabas ng kotse.

Susunduin lang niya ang kanilang anak sa opisina nito.

"Sige mahal, basta huwag kang magpapagod ka ha?" at hinalikan ang asawa.

May sakit si Jho, kaya bawal ang mapagod, ayaw nga sanag pumayag ni Len, na pumunta siya pero pinilit niya ang anak at asawa.

Gusto rin naman niya kasing makalanghap man lang ng ibang hangin, halos nasa bahay at hospital lang siya.

Pagkaalis ng asawa ay papasok na siya ng building ng may tumatawag sa pangalan niya.

"Jho Espiritu?" paglingin niya ay si Jewel ang tumatawag sa kanya. Hinintay niya itong makalapit sa kanyang kinatatayuan.

"Kumusta ka na Jewel?" ang tanong niya sa babaing kanyang kinaiinisan dati, dahil mula ng dumating iyon sa buhay nila ni Almira ay nagkaroon na ng gap ang kanilang friendship, kaya ginawa upang mapansin man lang siya nito. Pero nagkamali siya dahil lalong lumayo na si Almira sa kanya at nasaktan siya ng sobra kaya gumanti siya sa kaibigan inakit niya si James, noong una wala siyang naramdamang pagmamahal sa lalaki ngunit noong nasa America na sila ay nagkaroon siya ng obsession sa lalaki.

Pero talagang sina Almira at James ang nakatakda, kaya pinilit niya kalimutan ito, sa piling ni Elon at nagkaanak nga sila si Len.

"Jho? May sakit ka ba?" ang hindi makapaniwalang si Jewel, dahil maputla ang babae at medyo pumayat.

"Oo, cervical cancer." pero walang bitterness kang mababakas sa kanyang mukha.

"Puwede ba tayong pumasok muna sa loob Jewel? Napapagod kasi ako kapag nakatayo ng matagal." inalalayan niya si Jho habang papasok sila ng building.

Dumirecho sila sa opisina ng anak nito na si Len. Bente anyos ang dalaga pero may sense of responsibility na ito kahit solong anak ay hindi naging dahilan upang magiging spoiled siya.

"Ma? Sinabi ko naman na magpahinga na lang kayo sa bahay." ang wika niy sa ina habang inalalayan itong maka-upo.

"Pasensiya na anak, gusto lang kitang makita at gusto kong maiba naman ang nakikita ng mga mata ko." pangatwiran niya sa anak na nakatingin sa kasama niya.

"Siyanga pala anak, siya si tita Jewel mo." ang pakilala niya sa anak.

Nagbatian ang dalawa at nagpahanda ng makakain sa secretarya niya para sa bisita. At bumalik na sa table niya at itunuloy ang trabaho.

Marami pa kasi siyang dapat pirmahan at a-aprobahan na mga proposal bilang vice president sa company nila. Naabot niya ang naturang posesyon dahil sa sipag at talino niya.

Kahit naman sila ang may ari ay wala kang makitang yabang sa dalaga.

"Jho, nagkita kami ni James kanina." ang kuwento ni Jewel.

"Kumusta na siya? Ang balita ko namatay sina Almira sa trahedya? Wala na rin kasi akong panahon na makibalita sa kanila." ang malungkot na wika ni Jho.

Nawala na ang dating angas nito, ang makikita mo ay ang Jho na mahinahon at mabait.

Wala kang mababakas na galit sa mundo. Kahit na kanino.

"Paano mo nalaman na namatay sina Almira at Myrrh?" ang takang tanong ni Jewel, dahil wala namang nakakaalam n iba.

"Si Coree ang may sabi." ang walang gatol na sagot nito.

Hindi na nagulat ang babae sa natuklasan.

Marami pa silang napag-usapan at hindi na niya lang muna sinabi na mali ang kanyang akala tungkol kay Almira.

Hindi rin nagtagal ay pauwi na sila at sumabay na siyang lumabas sa mag-ina. Tamang-tama paglabas nila ay nandoon na si Elon.

Nagpaalam na siya sa mga ito at sinabi niyang hindi doon matatapos ang kailang pagkikita.

"Almira.. Alam mo ba na dalawang tao na ang nagsabi na patay ka na?" ang natatawang balita niya dito.

"Talagang napakagaling ng nagbalita noon?" ang ganting biro niya sa kaibigan.

"Handa ka na bang makipagkita kay James?"

Isang malalim na buntong hininga ang narinig niyasa kabilang linya.

Nakapagdisesyon na siya na kinalinggohan ay makipagkita kay James at si Jewel na ang bahala.

KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon