Chapter 8

2.3K 65 2
                                    

"Ang aga naman nagbisita natin?" ang nagatatakang si Roberto dahil alas-5 pa lang ng umaga. Nagkakape silang mag-asawa ng may mag doorbell.

"Sinong dumating tiyang Aning?" ang sigaw ni Lot.

"Almira daw Lot." ang sagot naman ng kasambahay.

"Almira?" nanlaki ang mata ni Lot. Pero talagang dumating na ang araw na kinatatakutan nila. Ang magkawala ni Camela.

"Patuloyin mo Tiyang." ang utos ni Roberto dahil natulala na si Lot.

"Ma, relaks ka lang okay? Maayos din ang lahat, at isa pa masasagot na ang mga katanungan ni Camela." yakapa sa asawa na tuloyan ng lumuha.

"Pasensiya na kayo kung hindi na kami nakapag-abiso na pupunta kami ng ganito kaaga." ang hinging paumanhin ni Jewel.

Hindi na kasi nakapagsalita si Almira, umiiyak na ito habang nakatingin kay Lot na umiiyak din.

"Walang anuman, sige maupo muna kayo at ng makapag-almusal na rin." at inutusan si tiyang na maghanda ng almusal.

Pagkatapos mag-almusal ay agad na inaya nila

ang mga bisita sa opisina ni Roberto.

"Pasok kayo." habang paupo sila ay hindi na nakatiis si Lot.

Kukunin niyo na ba siya sa amin?" ang tanong niya sa pagitan ng pag-iyak.

"Ma, huminahon ka muna okay." habang hinahaplos niya ang likod ng asawa.

"Paano ba napunta sa inyo si Myrrh?" agad na tanong ni Jewel. Hindi kasi malaman ni Almira kung paano magsimulang magtanong at napansin iyon ni Jewel kaya siya nalang.

At isinalaysay ni Lot habang humihikbi siya at wala siyang nilaktawan na kahit na isang detalye.

Mula ng malaman niyang may babae si Roberto dahil baog siya at naghahanap ito ng anak. Hanggang naging malaki ang away at naglayas siya subalit naligaw naman at nakarating malapit sa Tagaytay at doon niya nakita ang isang kotse na mahuhulog sa bangin.

Napahinto siya at nakita niyang bumukas ang pinto at may tumalon subalit tuloyan ng nahulog ang kotse at sumabog.

Lalapit na sana siya subalit may nakita siyang lalaki na bumaba mula sa isang pulang kotse at dumungaw sa ibaba at nagpaputok ng baril.

"At dahil sa takot ko, ay hindi na ako lumabas ng kotse, hinintay ko munang makaalis siya pagkatapos ng may makausap siya sa cellphone."

Agad na umalis ng lalaki at dali-dali akong lumapit sa gilid ng bangin at may narinig akong humihingi ng tulong."

"Ikaw iyo Almira at ang tangi mong sinabi ay iligtas ko ang anak mo."

"Kaya hindi na ako nag-atubili pa hinanap ko si Camela at nakita ko siyang nakasubsob sa isang teddy bear, kaya hindi siya masyadong nasaktan."

"Tiyempo naman na parating na ang ambulansya kaya nagmamadali akong umalis sa naturang lugar bitbit ang batang hinabilin mo sa akin."

Pinalaki namin siya bilang isang tunay na anak. Subalit halos gabi-gabi siya kung managinip pero wala akong ibang maikwento at maisagot tungkol sa kanyang napapanaginipan."

Nag-iyakan na lang ang tatlong babae.

"Inilayo namin siya noong una doon sa dati naming tinitirhan dahil may mga tao na nagtatanong tungkol sa isang bata na nakaligtas daw sa isang aksidente." patuloy na salaysay ni Lot.

"Kaya hindi na kami nag-aksaya ng oras umuwi kami sa aming probensiya sa Davao." nanlaki ang mga mata ni Almira pagkarinig sa lugar na binanggit ni Lot.

KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon