"Hija? Matagal ka pa ba d'yan? Naiinip na ang date mo!" ang sigaw ng kanyang mama Lot mula sa labas ng kayang k'warto.
"Ma, puwede po b kayong pumasok?" ang sagot niya sa ina, hindi kasi niya alam kung ano ang isusuot. First time kasi niya na may nagyayang makipagdate.
"Akala ko ba, nakabihis kana?" ang nagtakang ginang, sapagkat halos isang oras na itong nasa nagbibihis.
"Anak, kanina pa si Terence, mabuti nalang at nando'n ang papa mo. "
"Wala po kasi akong alam na isusuot. Isa pa po kinakabahan ako." ang wika niya sa ina.
"Ano ba ang mayro'n dito sa closet mo?" sabay halungkat sa closet ng dalaga at isang simpleng, dress na kulay pale yellow na above the knee lang ang haba.
Ang ina na ang nagbihis sa dalaga at panay ang tukso niya dito.
"Matagal pa ba kayo? Naiinip na ata itong bisita natin." ang sigaw ng kanyang ama.
Paglabas niya ng pinto ay nakita niya nasa baba ng hagdanan ang binata at nakatulala itong nakatingin sa
dalaga na napakaganda at para itong babasaging crystal, na kailangang alagaang mabuti.
"Terence, baka naman matunaw na ang dalaga ko." ang agaw pansin ni mang Roberto sa binata.
Saka lamang bumalik ang isip ng binata at nahihiya ito sa ama ng dalaga.
"Pasensiya na po, napakaganda niya talaga." ang tanging nasagot ng binata.
"Sige, magpakasaya kayo ha, at Terence alagaan mo ang princess namin ha? Alam mo naman kung gaano namin iyan kamahal." ang bilin ng kanyang ama.
"Makakaasa po kayo tito at tita."
Nagpaalam na sila sa magulang ng dalaga na wala paring ka kibo-kibo dahil sa nerbiyos.
Para pa siyang napaso ng hawakan siya ni Terence sa siko upang alalayan papunta sa kotse nito.
Samantalang ang mga magulang ng dalaga na nakasilip sa pinto ay kinikilig.
"Naalala ko pa noong una nating date, na sinundo mo ako sa bahay. Ganyan na gànyan rin tayo."
"Gusto mo ulitin natin iyong ginawa natin sa ating pinuntahan?" ang pilyong dugtong ni Robert.
"Ikaw talaga, kahit kailan!" sabay kurot sa braso ng asawa
"Pero sige,hindi kita pipilitin na sagutin ako ngayon, basta ang mahalaga, kasama kita at nakikita araw-araw." ang biglang lungkot ng binata.
Hindi man lang nakakibo ang dalaga, dahil ang akala niya ay kaya siya hinalikan ng binata ay dahil sila na.
'Slow din pala itong nobyo ko.' ang bulong niya na naulinigan pala ng binata.
"Anong sabi mo? Nobyo mo na ako?" ang wika ni Terence na hindi mapigilang mapabusina.
"Ano ka ba, bakit ka bumusina? Nagulat tuloy ako." ang natatawang sita niya sa nobyo.
"Masaya lang ako, Camela dahil sinagot mo na ako." hinalikan ang nobya sa pisngi.
Pagdating sa nila parking area ng restaurant ay pinagbukas niya ng pinto ang dalaga at inalalayan itong makababa.
"Salamat." ang tipid niyang wika.
Hawak kamay silang pumasok at dumirecho na sa kanilang reserved table.
Pagka-upo nila ay lumapit agad ang waiter at inabot kay Camela ang isang boquet of flowers. Sinamyo niya ang amoy nito at saka ngumiti sa binata.
Nang mailatag na ang kanilang order ay nagsimula na silang
kumain at halos subuan nalang siya ni Terence, asikasong asikaso siya nito. Napakasweet nila sa isa't isa.
Pagkatapos nilang magdinner ay naglakad lakad muna sila sa paligid ng restaurant at nanuod ng mga bituin sa langit.
At inihatid na siya ng nobyo.
"Salamat sa masarap na hapunan." ang wika niya sa binata ng nasa gate na sila ng bahay.
"Ako dapat ang magpasakamat sa'yo kasi, tinanggap mo ako d'yan sa puso mo. At pangako, hinding hindi kita sasaktan Camela."
"Sana Terence, tuparin mo ang pangako mo. At gano'n din ako sa'yo, mamahalin kita na higit pa sa sarili ko."
Nagyakapan sila at sa pangalawang pagkakataon ay naglapat ang kanilang mga labi.
Halik na may pag galang at pagmamahal.
Niyakap siya ng binata at hinalikan sa noo.
"I LOVE YOU, CAMELA."
"I LOVE YOU TOO TERENCE." ang bulong ng kanilang mga pusong nagmamahal.