Abala ang lahat sa gaganaping beach wedding na gaganapin sa Amanpolo.
Lahat ay may kanya-kanyang nakatoka na parte. Isa rin itong celebration sa pangatlong buhay ni Camela o Myrrh at kahit anong itawag sa kanya, ang mahalaga ay buhay siya at masaya dahil kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay at higit sa lahat ang mga magulang niyang kinasasabikang makasama.Pero ang pinaka ay ang makasama sa habang-buhay ang lalaking iniibig.
Nagpapasalamat siya sa taong nagbigay ng puso nito sa kanya.
Noong tinaningan na ng doktor ang kanyang buhay ay may isang himala na naganap. Kahit na sa isang pamilya ito ay kasawian ay naging bukal naman sa loob nila na ipagkaloob ang puso nito kay Myrrh upang madugtungan ang buhay.
Nasangkot sa isang aksidente ang magnobyong Arvin at Len. At hindi nakayanan ng katawan ng binata ang grabing pinsala na tinamo nito at pumanaw.
Para manatili ang kanyang ala-ala ay napagpasyahan ng pamilya na i-donate ang puso nito.
"Honey, tama na okay? Malalgpasan din ni Myrrh ito. Matapang ang anak natin at hindi siya susuko, kaya tumahan ka na." habang yakap ni James ang si Almira sa labas ng ICU kung saan nakahiga ang anak at pilit na sinasalba ng mga doktor.
Hindi na nila napansin ang pag-alis ng binata na pumunta palang chapel at ipinagdasal ang nobyo at humingi ng lakas ng loob upang makayanan ang mga nagaganap.
"Diyos ko, kung kinakailangan na mamatay ako, upang mabuhay ay Myrrh ay gagawin ko po." ang umiiyak na dasal ng binata.
"Nangako po ako sa kanya noon at hindi ko po iyon, nakalimutan at kung iyon ang tanging paraan ay hindi ako mag-aatubiling kitlin ang aking buhay para sa kanya."
"Patawarin Ninyo po ako sa aking gagawin, sana tanggapin ninyo ako diyan sa langit, gagawin ko po ito sa ngalan ng aking pag-ibig kay Myrrh." ang patuloy na paghingi niya ng tawad sa Diyos.
Nakapagdisesyon na siya at pupuntahan ang doktor ni Myrrh.
Papalabas na siya ng chapel ng makita niya ang ina kasama ang magulang ng nobya,
"Terence, halika dito may magandang balita akong sasabihin sa'yo." ang hindi maitagong kagalakan sa boses ng ina.
"Naalala mo iyong tinulungan ninyong magnobyo kahapon? Siya ang ina noong dalaga si tita Jho mo." ang ipinakilala niya ang dalawa.
"Salamat hijo, sa pagdala mo sa anak ko dito sa hospital." ang malungkot na wika ni Jho.
"Wala pong anuman tita." kinamayan niya ang ginang.
"Kumusta na po sila? Mukha po kasing napuruhan ang lalaki." ang dugtong ng binata.
"Pumanaw na si Arvin, samantalang si Len ay tulog parin hanggang ngayon at kinailangan pang operahan ang mga mata dahil pinasukan ng mga bubog. Sana hindi mabulag ang anak ko." at umiyak na si Jho at dinamayan naman ito ni Almira.
Sa tagal na panahon silang hindi nagkita, at sa ganitong sitwasyon pa.
Ang kanyang ate Jho, na naging karibal kay James.
Nagpasalamat ang binata dahil ang Diyos ang gumawa ng paraan upang madugtungan ang buhay ng nobya. At isinasagaw na ng mga doktor ang heart transplant kay Myrrh.
Habang hinihintay na matapos ang operasyon ni Myrrh ay nagpatuloy sa pagdarasal ang kanyang mga mahal sa buhay.
Nagkuwentuhan din sina Almira at Jho, nagpasalamat siya dahil pinatawad na siya ng kanyang mahal na kaibigan.
Nagpasalamat din si Almira dahil si Myrrh ang napiling bigyan ng puso ng pamilya ng binata.
Marami silang dapat ipagpasalamat sa Amang Lumikha.