Chapter 15

2.5K 65 0
                                    

Nagugulohan si James sa kanyang natuklasan na buhay ang kanyang pamilya. Ang mga taong kanyang pinagluksa.

"Nagsisinungaling ka, Cristine! Pati ba naman ikaw ay magsisinungaling sa akin? Matagal ng patay ang mag-ina ko." ang galit na galit na sigaw nito.

"Daddy, nasasaktan po ako sa iyong mga sinasabi." ang may tampong wika ng dalaga.

"Camela, pumasok ka na muna sa opisina at kami na ng mommy mo ang. Dahil tinawagan ko na at parating na siya." ayaw niya na nakikita ang dalaga na nasasaktan.

Wala man lang ginawa ang lalaki upang pigilan ang dalaga na umalis upang makahingi ng tawad.

Naiwan ang dalawa sa kainan at doon na lang hihintayin ang asawa na inaakalang patay na.

Pagkapasok ni Camela sa opisina ay mag-asawang sampal ang natanggap niy mula kay Alrea.

"Ang landi mo talaga! Pati daddy ko kakalantariin mo!" ang sigaw pa nito sa kanya.

"Dapat lang 'yan sa kanya! Malandi na mang-aagaw pa," ang sigaw din ni Maricris.

Nagkagulo na ang lahat dahil sa ginagawang eksina ng mga babae.

Na siyang dahilan upang mapalabas sa kanyang opisina ang daddy ni Camela. Isang nakakagalit na tagpo ang kanyang naabutan.

Si Camela, pinagtulongang saktan nila Alrea. Wala man lang nangahas na awatin ang mga ito.

"Anong ginagawa ninyo!" ang dumagundong na boses ng lalaki na nagpatigil sa kaguluhan.

"Tito, tingnan ninyo ang babaing ipinalit ninyo sa akin! Isang kerida! Hindi na nahiya, pagkatapos niyang agawin ang nobyo ni Alrea, ang ama naman niya ngayon ang kinakalantari." ang walang prenong wika ni Maricris na lalong ikinagalit ni Mister Samonte.

"Maricris!" hindi makapaniwala si Roberto na gano'n pala ang ugali ng pamangkin.

"Lahat kayo balik sa trabaho! Maliban sa inyong tatlo." tukoy nito sa tatlong nag-away.

Lahat balik sa kanilang puwesto at takot dahil ngayon lang nila nakita na nagalit ang kanilang
presidente.

"Mister president, pasensiya na po sa nangyaring gulo kanina, wala po kaming kasalanan ni Maricris."

sabay tingin kay Camela na nakayuko lang dahil nahihiya siya sa kanyang ama.

"Hindi ko kailangan ang paliwanag ninyo. Ngayon din ay bakantihin ninyo ang inyong mga opisina, dahil hindi kailangan ang mga tauhan na katulad ninyong walang modo." ang mahinahon na wika ni Mr. Samonte ngunit diin.

"Isa pa, gawain ba ng isang matinong babae ang makikipag-away sa publikong lugar? Opisina ito, kaya kayo nandito ay upang magtrabaho." ang dagdag wika ng lalaki.

"Tito, nabilog na talaga ng pokpok na iyan ang ulo ninyo!" ang sigaw ni Maricris.

"Whats your mouth woman! Kahit anak ka pa ng kapatid ko, hindi ako mangingiming ipakaladkad ka sa guwardiya, kung hindi ka pa titigil sa kakainsulto mo sa anak ko." namumula na sa galit si Roberto Samonte.

"Labas na kayo at kunin niyo nalang ang huling sahod ninyo sa finance office."

Hindi na nakakibo ang dalawa pero ang sama ng tingin nito sa dalaga.

"Dad, nahihiya po ako sa inyo." ang malungkot na wika niya sa ama.

"Camela, bakit hindi ka lumaban? Huwag kang papayag na

apak-apakan ka nila. Ipaglaban mo ang iyo." ang nag-alalang ama.

Hindi nagtagal ay dumating si Lot na galit na galit dahil sa nabalitaang gulo sa pagitan nila Alrea.

"Mabuti at dumating ka na. Iuwi mo na si Camela at ng makapagahinga. Ang aga-aga eh, nanggugulo ang dalawang talipandas." ang medyo magaan na wika ng lalaki.

Sumama na siyang umuwi sa ina, dahil nawalan na siya ng lakas para makiharap sa mga tao sa opisina nila.

Mula sa pagdududa ng kanyang sariling ama sa kanya at ang pambibintang ng mga walang kuwentang tao.

Samantalang dumating si Almira sa tagpuan sa restaurant agad niyang nakita sina James at Cristine.

"Ikaw ba talaga iyan honey." ang hindi makapaniwalang si James ng makita niya ang asawa.

"Ako nga James! Buhay na buhay." ang sarkatikong sagot ni Almira.

"Maiiwan ko na muna kayong dalawa, upang magkausap kayo ng maayos. Pero nariyan lang ako sa kotse ko, tawag ka lang mare." ang makahulogang wika ni Cristine at tumayo na ito.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na buhay ka pala kayo ng anak ko." ang sumbat niya kaagad kay Almira.

"Huwag mo akong sumbatan. Tulog ako ng halos tatlong taon, kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako! Bakit kung sinabi ba ng mga kapatid ko na buhay ka, may mangyayari ba? Baka nakalimutan mo, na ngayon nga na bumalik na ang alala mo at nasa tamang pag-iisip ka ay itinanggi mo na anak mo si Myrrh?! " ang hindi napigilang sumbat niya sa lalaki.

"Hindi napakasakit noon, paano nalang kaya kung nangyari iyon noong mga panahong nawala ang iyong memorya? Baka nga ipinakulong mo pa kami?" ang pang-uuyam niya sa lalaking kahit kailan ay walang sariling isip.

"Akala ko nagbago ka na James, at akala ko, hahalughugin mo ang langit at lupa mahahanap mo lang kami. Pero wala ka, noong mga panahon na gusto ko ng mamatay sa sobrang kalungkutan mo dahil ang akala ko ay iniwan niyo na ako. Iyon pala'y nandoon ka nagpasarap sa buhay."

Habang ako, nangungulilala sa inyo ng anak ko. Pero okay lang ako dahil nasa paligid ang mga kapatid ko."

"Pero si Myrrh, hindi ko lubos

maisip kung paano niya hinarap ang bawat minuto na lumilipas na walang alam sa kanyang nakaraan. Mabuti nalang at mga mabubuting tao ang nakapulot sa kanya!" ang galit na galit talaga siya.

"Hindi ko alam, dahil nagising ako na wala ang aking memorya." ang tanging sagot ng lalaki.

"Bakit noong bumalik ang iyong ala-ala ay hindi mo kami hinanap? Ang sabihin mo naduwag ka na naman! Nauuto ka din ni Coree! Alam mo kung saan ako hahanapin. Nariyan si Jewel. Pero wala kang ginawa?" ang naiiyak sa galit na wika ni Almira. Samantalang ang lalaki ay nakayuko lang, kay tagal na panahon niyang pinangarap na makasama ang pamilya, hiniling niya sa Diyos na buhayin ang mga ito. Tapos ngayong nariyan na ay saka naman hindi na pupuwede.

"Bakit hindi ka makakapagsalita? Nalunok mo na ba dila mo? Alam mo na hindi puweding malungkot si Myrrh dahil may sakit siya. Pero nagawa mo pa siyang pagsabihan na layuan ang kanyang mahal dahil sa iba!"

"Nakakaawa ka James, sarili mong anak, isasakripisyo mo ang kanyang kaligayahan."

"Buntis na si Alrea kaya kinakailangang panagutan ni Terence."
ang nakayukong paring sagot ni James.

"Napakaimposible mo talaga! Mula ng ipinagbuntis ko siya hanggang maisilang ay wala ka sa tabi ko, kaya lahat ng kalungkutan na naramdam ko ay nakuha niya kaya nagkasakit siya."

"Hanggang bumalik ka sa amin pero saglit lang at dalawa pa tayong nawalay sa kanya. Tapos ngayon pati ba sa kanyang kaligayahan ay hahadlangan mo parin? Anong klase kang ama?"

Iyon lang at iniwan na niya ang lalaki na wala man lang ibang sinabi sa kanya kundi ang kailangang magsakripisyo ang kanyang anak para sa iba.

Hindi man lang siya pinigilan ng iwan niya ito.

Samantala pagdating sa tahanan ng mga Samonte ay nawalan ng malay ang dalaga.

KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon