Chapter 10

2.5K 66 3
                                    

Noong una ay lagi silang nagkabanggaan nila Maricris, kung minsan ay tinatambakan siya ng trabaho, at tinataon nila na kapag alam na may lakad ang magkasintahan.

Pero dahil anak siya ng may-ari ay to the rescue kaagad ang kanyang ama.

Kaya magugulat nalang sila na nakikita nila na magkasama ang dalawa.

Hindi sila nagpadala sa kung anong paninira ni Alrea.

"Camela, pakihatid naman ito sa Design's office." ang utos ni Maricris sa kanya.

Kakatok na sana siya sa opisina ni Alrea ng makarinig siya ng dalawang taong nag-uusap.

"Terence, hindi mo ba talaga kayang ibalik ang naramdaman mo sa akin noon?" ang galit na si Alrea.

"Akala ko ba may proposal ka tungkol sa bago ninyong design? Tapos kung anu-ano ang pinagsasabi mo."ang hindi maitagong pagka-irita ng binata.

"Nagmamakaawa ako sa'yo, alam mo naman na mahal na mahal kita." ang umiiyak na pakiusap ni Alrea.

"May nobya na ako, at mahal na mahal ko siya kaya, pakiusap tumigil kana ang hindi na napigilan at nainis na talaga ang binata.
"Terence, hindi ko talaga kaya na mawala ka sa akin. Kaya pakiusap bumalik ka na." habang unti-unting hinuhubad ang kanyang blazer.

"Anong ginagawa mo Alrea? " napaatras ang binata dahil hindi niya inaasahan ang naging aksyon ng dalaga.

"Disperado na ako Terence, lahat ng pagmamakaawa ay ginawa ko na kaya, ito lang ang naisip kong gawin." habang tinatanggalan ng botones ang kanyang blouse.

Samantalang si Camela ay hindi na nakatiis, baka kung ano pa ang mangyari kaya agad siyang pumasok sa loob.

"Rence, andito ka pala? sabay halik sa labi ng nobyo sa mismong harapan ni Alrea. Nakaramdam ng ginhawa ang binata ng makita ang nobya.

"Oo, kasi may ipapakita daw na design si Ms. Alrea Mann. Pero mukhang hindi pa tapos kaya, puwede na siguro akong umalis?"

"Sandali lang sweetheart at ibibigay ko lang muna itong papers dito sa table ni Ms. Alrea. "

Wala man lang nagawa si Alrea kundi ang magngingitngit dahil sa nakita nitong pambaliwala sa naabutan
nitong eksina na nakaupo ito sa ibabaw ng table at nakabukaka na nakaharap sa binata.

Sinadya niya na pinapunta ang binata at kinausap ang secretary niya na utusan si Camela na papuntahin sa opisina nito.

Pagkalabas ng magnobyo ay nagwala si Alrea.

"Camz, pagpasensiyahin mo na lang si Alrea, talagang hindi niya matanggap na hindi ko siya magustuhan ng higit pa sa kaibigan kahit na kailan."

"sus, kung hindi ako dumating, malamang natangay ka na niya."

"Mamatay nalang siya hindi niya ako matitikman."

"Ewan ko sa'yo! Puwede hintayin mo na lang ako at sasama ako sa bahay niyo."

"Bakit, mamanhikan ka na ba?"

Nagkatawanan silang magnobyo at iniwan ang lalaki sa receiving area, upang doon siya hintayin.

Pagdating sa bahay ng binata ay nandoon sina Eden at Ricca. Pero ang pinakahihintay ni Camela ay ang makita ang ina.

"Hi guys!" ang sigaw niya sa mga ito habang papasok sila.

Sinalubong sila ni Lot.

"Bakit ang tagal ninyo? Kanina pa kaya kami gutom."

"Pasensiya na po tita, na trapik lang po kami." Niyakap siya ng ginang at hinalikan sa pisngi. Inakay na siya sa likod bahay, nakahanda na ang tanghalian. Naghalf day lang kasi siya.

KAHAPON NA NILIMOT [BOOK 2 DAHIL SA'YO] written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon