Chapter 2

37.7K 457 6
                                    


"A-ano?" Medyo nabingi ata ako dun sa sinabi niya. What did he say?

"Ang sabi ko pagnalaman ko na ako talaga ang ama ng dinadala mo titira ka sa pamamahay ko." "Understand?" Hirit pa nya? WHAT? WHY?

"Bakit sa bahay mo kami titira? Okay ka lang? Ayoko, may sarili naman akong bahay. Hindi ako mahirap kung yun ang iniisip mo, I have my own house. At pwede ba kanina lang ayaw mo maniwala na anak mo to tapos ngayon naman titira kami sayo" Hindi ko siya maintindihan.

"Okay sige. Wag na tayo sa condo ko. Sa bahay mo na lang. Kaya nga sabi ko na pagpositive yung result ayan ang deal natin. So I can take care of our baby"

"So you think I can't take care of MY baby? Para bantayan mo?" Iritadong tanong ko.

"No not like that, I mean maraming nagsasabing mahirap magbuntis and you need company baka kung anong mangyari sayo while you're alone at your house right?" He said

Medyo napaisip naman ako, tama nga sya kahit nga ngayon na magsesecond trimester palang ako, hirap na hirap pag may morning sickness. But pwede naman ako magpasama kay mommy or titira muna ako dun sa bahay nila. Or not.... I forgot hindi ko pa nga pala nasasabi and baka sabihin naman nila na walang ginagawa ama nito. Pero usapan lang ito. Hindi ko naman sinabi na permanent na ito, diba? Sinabi ko lang na ipapakilala ko siya sa parents ko.

"What if I said no? You can't live with me? Or I can't live with you" I asked

"Then I won't agree to yours too. I won't show up to your parents. Hindi ako sasama sayo." Sabi nya na parang wala kwentang deal lang. Napaisip naman ako, I can't risk that he's my one and only chance.

I don't have a choice I need to grab this deal. "Okay fine deal you can live with me. Pero lumipat ka na sa bahay pagnakuha na natin yung result ng test" sabi ko at umalis na ng office nya. And pagkalabas ko ng office niya. I saw a stunning lady infront of me na naka-cross arms in her chest at nakataas ang kilay. "May I help you" she asked. "No need nakausap ko na si Alejandro I'm about to leave. Thank you anyway" I said at paalis na sana kaso humarang siya lalo sa dadaanan ko.

Napataas naman din ang kilay ko. "So you're the girl who just shouted downstairs hmm?" She asked, looking at me like she's observing.

"Uh, yeah. Sorry about that na-carried away lang ako."

"What do you want from Alejandro anyway? Ano pinagusapan niyo?" Tanong niya. Who is she? Bakit kailangan pa nya malaman kung ano pinagusapan namin? I gasped oh my is she his girlfriend? Tsaka ang taray eh. "Why do you need to now?"

"Just answer it." She coldly said and her stare is peircing na parang gusto niya akong hablutin at sabunutan.

"Are you his girlfriend?" Nagbago yung fierce look niya at medyo nanlaki yung mata pero bumalik agad ang posture nya. "N-no" she stutter

"Oh his wife?" Sabi ko. Parang alam ko na role nito sa buhay ni Alejandro

"No" she said at tinaas pa ang ulo. Huh! Wala naman pala siyang karapatan malaman eh. "So why are you asking? You're not even his girlfriend or wife. So it's-none-of-your-fucking-business secretary" I said and emphasized the last sentence. Nagulat naman siya nung binigkas ko yung secretary. Bulls eye! Tama hinala ko. Secretary lang siya

I looked at her and smirked at umalis na.


***


PAGKATAPOS KO manggaling sa office ni Alejandro I went straight to my office hindi pa naman ako late, sana wala dun si daddy or kung nandun man sana nasa office nya na sya.

"Goodmorning" bati ko sa guard

Dumiretso na ako sa elevator and press the button of the floor where my office is located.

"Goodmorning Ma'am Barcelona." Bati sa akin ni Julia my assistant at sumunod sa akin papasok sa office ko.

Pagkaupo ko sinimulan na nyang sabihin kung anong schedule ng mga activities ko ngayon. Medyo napagod ako dun sa secretary ni Alejandro. At hindi sa usapan namin

"Okay thank you Julia paayos nalang ng mga files na kailangan natin mamaya para sa meeting. Nakita mo na ba si daddy?" Tanong ko

"Okay ma'am. Yes po he is inside his office dumaan po sya dito kanina habang wala pa po kayo and he said babalik na lang daw po siya dito mamaya pagnandito na po kayo." Sabi niya at umalis na.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatingala pero nagulat ako ng may kumatok

"Come in" I said at inayos yung table ko, kunwari may ginagawa.

"Hey sunshine" bati ni daddy bigla akong kinabahan.

Halatang may tinatago talaga ako, pero hindi ko pinahalata. "Hi dad" I stutter. Naupo siya sa upuan sa harap ko beside the table

"How are you doing?" He asked "Fine dad, busy as always. I'll make you a coffee" tumayo na ako.

"Darling parang tumataba ka ata?" Bigla ko naman natumba yung coffee mug and felt my blood drained in my face "I think so too dad, hindi na kasi ako masyado nakakapunta ng gym ngayon and all the stress dito sa work" alibi ko. Sana naman maniwala siya.

"Ganun ba? Should I let someone handle your work sunshine? Pwede naman hindi ka magtrabaho you still have your shares" mukha naman naniwala so go with the flow. "No dad, let me handle it. Kaya ko naman eh, hindi pa ako masyado sanay but I'll get over it. You know me, ayoko ng nasa bahay lang and I like working here" sabi ko at binigay na sa kanya yung coffee

Did I really gain weight? Hindi ko pa napapansin eh. Hindi pa rin naman halata yung baby bump ko.

"Okay sabihin mo agad sa akin when you need help or assistance." He said and nagpatuloy pa yung usapan namin about business. Maya maya umalis na din siya and I went to our meeting with the board members kasama si dad.

My dad is super sweet and loving. Pero you don't want to mess with Mr. Javier Lawson. He is as devil as he can be pag may kumalaban sa kanya. No one mess with him even in business industry. No one tries.


***


WHEN the day went by umuwi na rin ako once na natapos ko na yung trabaho ko. Well ako lang naman na huling umuwi except the guards sa dinami ng ginawa ko.

"Oh shit I forgot to eat." Sabi ko ng maramdaman ko na kumukulo na yung tyan ko. Kumain lang ako ng tinapay sa meeting at wala ng iba.

I held my tummy and said sorry about not eating right. Naalala ko na hindi lang pala ako ang nabubuhay sa katawan ko. Dalawa na kami na dapat kumain.

I went straight to the kitchen and cook some dinner for the two of us.

I remember na dapat pala akong tumawag sa OB gyne para itanong kung kelan ang ultrasound at check-up

"Hello? Goodevening"

"Goodevening is this Doctora Rodriguez?" Tanong ko

"Yes may I know who is this?"

"I'm Barcelona Lawson one of your patient"

"Oh yes hi may I help you?"

"Yes doc magtatanong lang po sana kung kelan ako pwede magpa-ultrasound I'm actually four weeks pregnant"

"Oh really? Congratulations well usually I prefer na pang 12 week mo na ikaw magpaultrasound para developed na si baby"

"Ah okay. Pwede na po ba ako magpa-schedule ngayon?"


Mga ilang tanong pa and I ended the call.

I took a shower and diretso na sa kwarto and read. Not so long I drifted to sleep.



Lovelots x

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon