Special Chapter

16.4K 296 21
                                    

(Your wish is my command)

Let us all welcome Arsaea Louisa Girard

Special chapter

"Shh, wag ka maingay. Arsaea might wake up. Lagot tayo kay daddy" pupungay pungay akong lumingon sa crib kung saan si Arsaea at bigla naman akong napangiti ng makita ang dalawa kong lalaki na nakatingkayad habang nakakapit sa crib halatang hirap na hirap pero gustong silipin ang babaeng kapatid.

"Why is she sucking her thumb? Is that clean?" Tanong ni Sandro at parang pinipilit niya abutin ang kamay ni Arsaea pero hindi na niya maabot. Ng medyo pataob na siya papasok sa crib tatayo na sana ako para tulungan siya. Pero nakita kong hinatak siya ni Sander pabalik ng tayo at marahan siyang pinalo sa braso

"Wag ka makulit baka magising siya" galit niyang pabulong pero malakas pa rin.

I took my phone on the bedside table and captured them. They are looking at their sister with adoration and fascination.

Nakita kong gumalaw si Arsaea at mukhang iiyak na dahil nakita ko si Sander at Sandro na nagpapanic, hindi ako gumalaw at tinitignan kung ano gagawin ng dalawa.

"Hala bud iiyak siya. Iiyak siya" pagmamadali magsalita ni Sandro kaya nagkanda-bulol na siya. "Be quiet Sandro. Lalo siyang magigising"

Tumayo na ako mula sa kama. "Goodmorning babies" sabi ko at ngumiti sa kanila ng tumingin sila sa akin

"Mommy!" Sigaw nila habang patakbo papunta "shh!" Sabi ko pero huli na ang lahat at narinig na namin ang iyak ni Arsaea

"Ayan gising na siya. Ang ingay mo kasi eh" sabi ni Sander at sinamaan siya ng tingin.

I just smiled, just a good way to start my day.

***

ALEJANDRO

"Dad, are we going to your office?" Tumingin ako sa rearview mirror kung saan ko makikita na nakatingin sa akin si Sandro.

"Yes bud and we're going to wait mom there until they are finish with Arsaea's check up" sagot ko naman

Nakarating na kami ng basement parking ng magsalita ulit siya. "Dad? May sakit ba si Arsaea? Why is going check up?"

Napatawa ako ng mahina sa inosenteng tanong niya.

Sa mga nakaraang buwan simula ng dumating sa buhay namin si Arsaea naging mausisa sila sa mga nangyayari sa kapatid nilang babae. Hindi pa man ito nakakalakad o nakakagalaw ng magisa todo bantay na silang dalawang kuya

"No Sandro, laging may monthly check up ang babies para mabantayan at mas maging healthy sila. Kagaya niyo, madalas kaming pumupunta sa hospital para macheck kayo ng doctor" sabi ko at lumabas na ako para puntahan at tanggalin sila sa booster seat.

"Daddy, healthy naman si Arsaea ang taba taba nga niya eh" sabi ni Sander pagkababa niya.

Dun ako natawa ng malakas at iginayak ko na sila pasakay ng elevator papuntang top floor where my office is. "Yes baby, she's very healthy." Sagot ko

---

"Goodmorning!" Sandro shouted ng bumukas yung elevator at tumakbo sa cubicles ng mga employees. Napailing nalang ako at hinawakan ang kamay ni Sander na napakatahimik lumabas ng elevator samantalang ang kakambal niya ay nayayanig na ang buong building sa kakasigaw niya.

Dyan madalas napapatigil ang mga nagtatrabaho sa akin dahil natutuwa sila makita at makakwentuhan ang anak ko. Hindi ko naman sila sinisita o pinagbabawalan dahil si Sandro ay tuwang tuwa din sa atensyon na ibinibigay sa kanya.

"Sandro, after you talk to them. Go to my office" sabi ko sa kanya at nakita ko siyang nakaupo sa isang swivel chair tabi ni Alex na empleyado ko. Lumingon siya "yes sir" Sandro said

"Sander what do you want to do?" Tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa swivel chair at siya naman sumalampak sa sofa

"I will just watch on my ipad daddy" sabi nya at tumango ako.

Nagsimula na rin ako magtrabaho dahil alam kong maya maya lang ay maiinip na sila sa ginagawa nila at kukulitin na nila ako.

"Dad?"

"Hmm?" Sagot ko pero nakatingin pa rin ako sa ginagawa ko sa laptop.

"Dad, look at me" tumingin naman ako sa gawi ni Sander na tahimik pa rin na nakaupo na akala ko siya ang nagsasalita pero napukaw ang atensyon ko sa nakasilip na ulo ni Sandro sa pintuan ng opisina ko.

"Yes bud?" Tanong ko sa kanya

"Can I have my own chair and computer outside?" Tanong niya na nakataas pa ang kilay at tsaka ako napahagalpak ng tawa.

A 6 year old boy who wants a working space in my building now. Hindi ko alam kung dapat ko bang sundin ang gusto niya pero ilang beses na akong pinagsasabihan ni Louisita na wag ko daw laging pagbigyan ang mga anak namin. Paano naman ito? I wanted to order my secretary now. Pero baka hindi na naman ako patulugin ni Louisita sa tabi niya.

I cleared my throat "come inside bud. Let's decide on that later when your mom and sister is already here" tumango naman siya at lumakad papunta sa akin. Hinatak ko naman ang isang swivel chair na nasa sulok at itinabi sa akin. Tahimik na naupo si Sandro sa tabi ko.

I already know who will rule my empire someday... Or maybe later if may working desk na siya. I shook my head at that thought.

Maya maya lang tumahimik na ang paligid at tinapos ko na yung ginagawa kong mga papeles.

Ng inaayos ko na yung mga nakakakalat sa office desk ko ay may marahan na nagbukas ng pinto at tumambad doon ang stroller na kulay pink at ang aking prinsesa.

I looked at Louisita and smiled at her and wink. Mahina siyang natawa

"Arsaea!" Sigaw na lumapit si Sandro sa prinsesa namin at nakita kong nagulat siya kaya sinita ko naman ang isa sa kambal.

"Sorry. I just missed her" sabi niya at sabay lapit. Napailing na lang ako dahil kaninang umaga lang naman kami nagkahiwa-hiwalay. Nagkiss naman sila sa mommy nila bago bumalik ang atensyon nila sa kanilang babaeng kapatid.

After all, they become a mature and responsible brother sa ganito kaagang edad nila. What more pa kaya kung lumaki na sila?

I hate to think this but someday she'll find a man at alam kong mahihirapan yon sa mga kapatid palang niya at sa akin.

I stood and walked near my wife and kissed her fully on the lips. Narinig  ko naman ang mga anak namin na nag-mumble. Sanay na silang nakikita kami ni Louisita na sweet, pero kahit ganun nagrereklamo pa rin sila na nakakadiri.

"How's the check-up?" Tanong ko ng makaupo na kami sa couch sa loob ng office. She lay her head on my shoulder "hmmm, okay naman. Sabi pa nga ng doctor she's very healthy at tuwang tuwa sa kanya dahil nakabungisngis habang chineck up siya." Sagot niya

I sighed in contentment. Wala na akong mahihiling pa, this life has been a dream since the day my children we're born. I never thought having a child in one's life can change there perspectives. Hindi na laging trabaho at sarili ang iniisip mo. Children have the ability to make the people more mature. Para nga naman mabantayan sila. I laughed internally

"I love you Louisita" I said and kissed the top of her head and she nuzzled her face in my neck

"I love you too, Alejandro"

---

A/n: bitin? Huhu I know. Ramdam ko waaaah! Hahaha thank you very much sa pagsuporta.

Please support my other stories too. Malapit naaaaa! Stay tune! :* mwa thanks!

Enticing Series

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon