Chapter 30

12.9K 194 6
                                    

Chapter 30

ALEJANDRO

"I don't want to see you with my daughter ever again" sabi ni Javier, Barcelona's dad

"I don't want to see you with my daughter ever again"

"I don't want to see you with my daughter ever again"

"I don't want to see you with my daughter ever again"

"I don't want to see you with my daughter ever again"

"I don't want to see you with my daughter ever again"

Hearing it made my ears deaf, yun at yun lang ang narinig ko pero alam ko na iba na ang mga sinasabi niya.

I felt like my heart twisted, parang isang lason sa katawan ang narinig ko. Biglang nanghina mga tuhod ko at bigla akong napaluhod sa harap ng hospital at ni Javier. Umiling ako ng umilig hanggang sa nahilo na ako. "please sir hindi niyo po pwedeng gawin sa akin yan. Bigyan niyo po muna ako ng chance para magpaliwanag mali po lahat ng sinasabi sa inyo ni Andy" pagmamakaawa ko, nararamdaman ko na may namumuong luha na sa mga mata ko pero hindi ko hinayaan na tumulo. Ipinikit ko ng maraan

"hindi na ako maniniwala sa mga kasinungalingan mo. May ipinakita siyang ebidensyang nagpapatunay na anak mo nga ang dinadala niya. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa anak ko at mga apo ko. Layuan mo na si Barcelona meron ka ng isa pang pamilya dun ka na." mariin na sabi niya. "hindi ka na makakapasok muli dito sa hospital hangga't nandito pa kami" sabi niya at tinalikuran na ako.

Hindi na ako makapagsalita dahil hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin sa taong sarado na ang tenga.

Ngayon pa kasi nawala si Lenard, hindi ko naman dala yung phone ko. Kaya wala akong nagawa kung hindi tumayo at nagbalak na pumasok ulit sa hospital pero may dalawang guard na nakabantay

"sorry sir. Hindi po kayo pwede pumasok." sabi niya at hinarangan yung dadaanan ko.

"nandito ang pamilya ko papasukin mo ako. Kakapanganak lang niya, kailangan niya ako" sabi ko at nagpupumilit na pumasok pero nakahawak na silang dalawa sa braso ko.

Hindi na ako lumaban pa dahil pakiramdam ko hinigop lahat ng lakas ko ng mapaluhod ako sa harap ng tatay ni Barcelona.

Umalis na ako sa harap at pumunta kung saan pinarada ni Lenard yung sasakyan ko. Bakit hindi niya naisipan na iparada yung sasakyan ko sa basement ng hospital para makapasok ako sa loob pero hindi eh, nandito na ako sa kotse.

Pinaandar ko na yung kotse at tinignan ko muli ang hospital na kung saan dapat ako ang nasa tabi ni Barcelona bago siya magising ako dapat ang una niyang makita pagkadilat ng mata niya.

My kids. Lord, my kids I haven't seen them. Sana naman binigyan mo man ako ng tiyansa na masulyapan ang mga anak ko. Hindi ko man sila nahawakan nung pagkatapos silang linisin

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa bahay namin. namin. hindi ko inaasahan na uuwi ako ng magisa dito pagkatapos manganak ni Barcelona akala ko pa naman apat na kami papasok dito pagkatapos namin sa hospital. Hindi ito yung napanaginipan ko. Hindi ito ang pinangarap ko na mangyayari sa akin.

Pero hindi dapat ako mawalan ng loob dahil pauwi na ako sa bahay namin at alam kong dito din uuwi ang mag-ina ko, hindi ko na hahayaan ang ibang tao na ilayo kami sa isa't isa, kahit pa mga magulang namin ang gumitna. Para naman akong na-excite pumasok sa bahay dahil hihintayin ko sila sa loob kahit hindi ko sila nakita ng ipinanganak sila o kahit hindi kami sabay umuwi basta makita ko sila.

Pagkababa ko sa kotse bigla akong napatingin sa may pintuan at napabilis ang lakad ko. Bakit may dalawang lalaki dito sa harap ng pintuan ko? Wala naman akong maalala na may pupunta at hindi ko kilala ang mga mukha nila

"sino kayo? Bakit kayo nandito sa pamamahay ko?" tanong ko pagkaharap ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin.

Ipipihit ko na sana yung doorknob pero bigla humawak sa akin yung isang lalaki na malapit sa doorknob. "sir hindi kayo pwede pumasok" sabi nung may hawak sa akin

Naguluhan naman ako sa sinabi niya "a-ano?"

"hindi po kayo pwede pumasok diyan ipinabantay po ni sir Javier ito at hindi daw po kayo pwede pumasok dito"

"anong hindi pwede? Pamamahay ko ito. Hindi niyo ako pwede pigilan na pumasok sa sarili kong pamamahay" and then it hit me. This is Barcelona's house, Javier's property.

Hindi ko pinahalata sa kanila ang pagaalinlangan, I stood still

"sir hindi na daw po kayo nakatira dito sabi ni Sir Javier. At mahigpit na ipinagbabawal niya na pumasok na kayo dito." sabi nung isa

Hindi nila ako pwede basta basta palayasin dito. pwede ka nilang palayasin basta basta dahil pamamahay nila ito.

"sir umalis na lang po kayo dito. Hindi niyo po kailangan magiskandalo dahil hindi po talaga kayo makakapasok dito"

"sige na please papasukin niyo na ako. Wag niyo nalang sabihin sa boss niyo." pagmamakaawa ko. Hindi ko alam kung luluhod pa ba ulit ako.

"sir hindi po talaga pwede." sabi nung may hawak sa akin at humawak din yung isa at akmang dadalhin ako palayo sa pinto at sa gate pero nagpumiglas ako "oo na, aalis na. kaya ko ng maglakad pabalik sa kotse ko. Hindi niyo ako kailangan kaladkarin" sabi ko at binitawan na nila ako. Bago ako pumasok sa kotse tinignan ko muna ang bahay namin. mahal ko na siya kahit pa hindi pa ako nakatira dito pero parang itong bahay na ito ang simula ng lahat ng magandang nangyari sa amin.

Hindi naman ako nagtagal pa at umalis na din. Bumalik ako sa condo ko.

Pagkabukas ko ng pinto lamig ng hangin lang ang nararamdaman ko. Tahimik ang paligid paghinga ko lang naririnig ko. Hindi ko na kilala itong bahay na ito.

Ganung ganun pa rin nung huli kong tingin dito. Wala naman nagbago kahit isa malinis pa rin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi ko muna ibinenta ito o dapat ko bang kalungkutan dahil bumalik ako dito. Dapat pala nung simula palang na lumipat ako sa bahay ni Barcelona ay ibinenta ko na ito. Mas gusto ko ng wala akong matirhan kesa hindi ko naman kasama ang gusto kong kasama sa iisa tirahan.





Lovelots x



One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon