Chapter 12

17.1K 354 17
                                    

Barcelona's POV

2 months later

Nakahiga ako ngayon dito sa kama at hinihintay si Alejandro. Breakfast in bed ako lagi simula ng malaman namin na twins ang nasa tummy ko. Kung protective na siya dati lalo pa siyang naghigpit sa akin. Dahil hidni daw biro ang dinadala ko. Masyado siyang naging protective at nagsimula na siya magbasa ng libro tungkol sa mga twins at kung ano ano pa. Kaya sobrang ingat siya sa akin. Hindi naman daw maselan yung pagbubuntis ko sabi ng doktor pagkabalik namin pagkatapos ng ultrasound

Hindi pa naman nasasabi sa parents namin dagil gusto namin na sabay namin sasabihin sa kanila kaya mamaya pupunta kami sa office nila Alejandro at nakauwi na sila mom galing ng Spain kaya ngayon na namin sila ipagmimeet.

'Ito na breakfast mo.' sabi ni Alejandro pagkapasok niya ng kwarto. 'Pwede naman ako kumain sa kusina eh. Gusto ko sabay na tayo kumain. Please? 2 months mo na ako masyadong binababy. Hindi naman daw maselan ang pagbubuntis ko diba? At tsaka tama lang sa akin ang maglakad lakad. Hindi mo nabasa sa mga pregnant guide book mo?' Natatawa kong sabi.

'Not funny babe. Okay fine bukas hindi na. Ngayon kumain ka na. Punta na tayo sa office'

Nagtatrabaho pa rin naman ako baka akala niyo hindi na. Pero mas light na kesa dati si daddy na din ang may gusto na bawasan yung trabaho ko at hindi naman ako madalas lumalabas na dahil pumupunta si Alejandro pag lunch na or pinapapunta niya yung secretary niya. Pero pagpumupunta siya sa office ko iniismidan pa rin ako. Tapos laging nakasimangot hindi ko na lang siya pinapansin baka mapaglihian ko pa ang kasimangutan niya ayoko maging kagaya niya ang mga baby ko.

Pagkatapos ko kumain ay dahan dahan na akong tumayo si Alejandro pumunta na ng kusina para linisin yung pinagkainan ko. Hindi ko alam kung ano ng kulang sa kanya. Siya na lahat hindi na hihiling pa ng ibang lalaki.

Pumunta na ako sa banyo para maligo, hindi pa man ako nakakapaghubad ng damit naramdaman ko na nasa likod ko na si Alejandro tumingin ako sa kanya. Here he is standing infront of me stark naked

Hindi niya ikinahiya ang katawan niya lalo na pagnasa harap niya ako. Hindi naman siya nagyayabang pero may ipagyayabang naman.

Tinulungan niya ako maghubad at humakbang sa loob ng bath tub at tumayo sa ilalim ng shower.

Binuksan na niya at nilagyan na ng shampoo yung kamay niya. Sinimulan na niyang paliguan katawan ko. Feeling ko baldado ako hindj buntis pero nung niloko ko siya nun nagalit siya.

Sinabon na niya yung buong katawan ko at lumuhod kaharap ang malaki kong tyan madalas niya ginagawa yan kakausapin niya and then ikikiss niya.

'Hey babies malapit na kayong lumabas. Wag niyo papahirapan si mommy okay?' and then he kissed my tummy. Hinawakan ko naman yung ulo niya and massaged it.



***



'Kamusta na yung check up last month Louisita?' tanong ni mommy na nasa likod ng sasakyan. Sinundo na namin parents ko sa bahay nila. Tumingin naman ako kay Alejandro at nagngitian kami. Hinawakan ko yung kamay niya.

'Okay lang naman ma. Sabi ng doctor hindi naman daw maselan yung pagbubuntis ko' sagot ko

'Naramdaman ko na gumalaw sa tiyan ni Barcelona' tuwang tuwa na sinabi ni Alejandro

Natawa naman si mommy. 'Normal lang yan Alejandro masanay ka na. Minsan sisipa yan'

'Pero ilang months ka na ba Louisita?'

'6 months na po ma' sabi ko sabay himas sa tyan ko

'Hindi ba parang ang laki ng tyan mo anak?' tanong niya

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon