Chapter 13

16.8K 280 2
                                    

Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita pa.

Oh well hindi lang naman sila ang nagulat wala sa isip ko na magkakatwins ako.

"Really?" naunang nagtanong si dad. Tumango naman ako at nilabas yung photos ng ultrasound tinignan naman nila

"Do you think what I'm thinking Queens?" sabi ni mommy Aileen

Huh? Syempre baby diba ultrasound photo yung pinakita ko? Bigla ko naman tinignan kung tama ba yung pinakita ko sa kanila. Tama naman

"Yes yes yes." sabi naman ni mommy

"Magiging magbalae na tayo" sabay nilang sinabi at nagyakapan pa sila. Ooh

"We're gonna be a grandparents to twins." tango naman si mommy Aileen

Tumingin sila sa amin. "Kelan niyo balak magpakasal ha? Kailangan sa lalong madaling panahon. Ayoko ng nagaaksaya ng oras"

"Hey moms. Wala pa po kami napaguusapan tungkol sa ganyan kasi sa baby muna tutok namin" sabi ko naman

Ng magsasalita sana si mommy Aileen bigla siya napatingin kay Alejandro kaya ako naman sinunod yung tingin niya.

Saktong pagkalingon ko wala naman siyang ginagawa.

Tapos tumingin ulit ako kila mommy. "A-ah oo tama sa baby muna tayo tumutok. Tsaka na yung kasal" sabi ni mommy

Parang kanina lang gusto na nila sa lalong madaling panahon pero ngayon naman okay lang sa kanila na wag na muna?

Weird.

"So anyway nalaman niyo na genders ng baby?"

"Hindi pa po ayaw pa namin malaman eh. Sabi ko gusto ko suprise na lang."

Pumayag naman na sila. Wala naman silang magagawa eh hindi naman sila kasama kanina kaya wala silang magagawa.

Nagkekwentuhan pa rin kami ng mapagdesisyunan na kakain daw kami. Mga hindi na mapahiwalayan yung nanay namin.

***

Alejandro's POV

Nandito pa rin kami sa conference room kasama ang parents namin ni Barcelona na mukhang hindi na kami napapansin dahil nagkekwentuhan lang sila.

"Hey." bati ko kay Barcelona pagkasandal ko sa upuan.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti lang. Mukhang malalim iniisip niya

"Love ano iniisip mo?" yan na lagi kong tawag sa kanya simula nung makita ko yung reaksyon ng mukha niya nung una ko siya tinawag na love. Hanggang ngayon para nagtwinkle yung mata niya pagnaririnig niya na Love tawag ko sa kanya

"hmm. Wala naman. Hindi ko kasi aakalain na magkakakilala pala parents natin" sabi niya

Ako din naman nagulat sa pangyayari pero hindi ko din alam na magkaka-close sila. At ako pa ang may hindi alam na magka-sosyo pala kami ng business.

"Ako din naman. Pero sa business related hindi magkaka-ila na magkakilala sila and hindi ko lang inaasahan na since college magkakakilala na sila." sabi ko sa kanya. Sinandal naman niya yung ulo niya sa balikat ko habang nakatingin lang kami sa parents namin.

Maya maya nararamdaman ko na bumababa na yung ulo ni Barcelona kaya naman hinawakan ko siya at nakita kong nakatulog na siya sa balikat ko.

Napangiti naman ako kasi kahit na halata na yung pagod sa mukha niya hindi pa rin niya sinasabi sa akin.

Kagaya ngayon hindi niya sinabi na inaantok na pala siya.

"Umh. Ma, dad, Mr. and Mrs. Lawson aalis na po kami. Nakatulog na po si Barcelona" sabi ko at sabay tingin sa may balikat ko. Nakita ko naman na tumango sila at ginising ko na si Barcelona para makapagpaalam na kami.

Matapos namin magpaalam diretso sa parking lot na kami. Hindi naman masyado nagsasalita si Barcelona siguro dahil sa antok na din.


Nakarating na kami ng bahay pinark ko na yung kotse, nung tinignan ko si Barcelona dahil gigising ko na sana meron mukhang malalim na yung tulog niya. Tinitigan ko muna siya, nung napagusapan na ng parents namin yung tungkol sa kasal hindi ko alam kung bakit ako nagpanic at buti nalang nakita nila yung senyas sa mukha ko na wag muna pagusapan. Kinakabahan pa rin siguro ako ngayon baka dahil hindi pumayag si Barcelona hindi pa ako handa at sisiguraduhin ko muna na paghanda na ako alam ko ng mahal na ako ni Barcelona.

Lumabas na ako ng kotse at nung nasa pintuan na ako ni Barcelona hindi ko na siya inabalang gisingin pa. Kaya ko naman siguro silang tatlo buhatin diba?

Dahan dahan kong hinawakan yung braso niya at nilagay ko sa batok ko at yung isang kamay ko nasa likod ng tuhod niya at yung isa nasa likod niya. Ng makarga ko na siya. Sinarado ko na yung pintuan at hindi ko na nilock mamaya nalang hindi ko makukuha sa bulsa ko yung susi ng kotse. Mabigat siya pero kinaya ko naman hanggang sa maibaba ko siya sa kama sa kwarto namin.

Pagkababa ko tinignan ko naman siya. Nakangiti siya at ng maramdaman niya siguro na nakahiga na siya umikot na siya kaya nakatalikod na siya sa akin.

Tinignan ko kung anong oras na. 4:30 pm

Masyado pang maaga para matulog din ako. Hindi naman ako buntis para maging antukin. Pumunta nalang ako sa office library at magtatrabaho. Nagpalit muna ako ng damit bago dumiretso sa office library at tinignan ulit si Barcelona kung tulog pa rin.

Ng mabaon na ako sa trabaho at hindi ko na naalala kung anong oras na. Nakita kong may shadow sa may pinto. Iniwan kong bukas baka sakaling magising na si Barcelona makita ko siya naglalakad. At ayun nga nakita ko yung shadow niya.

Hinintay ko muna siya makapunta sa kung saan siya pupunta. Sinimulan ko ng ligpitin yung mga tinrabaho ko at pinatay yung laptop.

Tumayo na ako at lumabas na. Nakita ko naman na nakaupo si Barcelona sa sofa nakatulala. I chuckled mukhang nananaginip pa siya.

"Hey." sabi ko at hinawakan yung buhok niya at hinimas. "Are you still sleeping?" natatawang sabi ko

Natawa din siya. "I think so. How did I get into bed? Last time I remember you were driving?"

"Haha. Kinarga na kita papunta sa bahay. I don't want to wake you masyado ka ng komportable sa pagtulog baka uminit lang ulo mo."

"Ah. How heavy am I?" Tanong niya. Bigla akong natigilan, hindi ko alam kung ano ba isasagot ko. Baka kasi kung sinabi ko na mabigat siya baka magalit pero pag nagsinungaling naman ako magagalit din.

"Hmm. Slightly heavy... But.... Ops. But I can still carry you, so not that heavy." Gusto niyang magsalita ng hindi pa ako natatapos kaya tinaas ko muna kamay ko palms facing her.

"O-kay. Now I'm hungry can we eat?" Sabi niya at ngumiti. Napailing na lang ako.

"It's almost dinner time c'mon let's go to the kitchen. Tignan ko kung ano yung maluluto na nasa loob ng ref" tinulungan ko na siyang tumayo pagkarating namin sa kusina inupo ko ulit sa upuan ng dinner table.

"Ako na magluluto." I stated para wala ng ayaw. Hindi na rin naman siya humirit

Nakita ko meron naman rekado para sa chicken stroganoff "Hmm. You like Chicken stroganoff?" Tanong ko kay Barcelona.

"Sounds delicious hindi ko pa natitikman yan. Go for it" inayos ko na yung mga kailangan ko para sa pagkain namin "akyat muna ako. I'll take a shower'' sabi niya at naramdaman ko yung paghinga niya sa may tenga ko. I felt goosebumps and my heart starts beating faster than normal, I felt something twitch in my pants.

"Okay. Balik ka kaagad pagkatapos mo." sabi ko and she kissed me below my ear near my pulsing veins.


Pagkatapos namin kumain. Inayos na namin yung pinagkainan at hinugasan na yung ginamit.

I double checked the gate and doors if we already locked it and went to the bed.

Hindi naman nagtagal nakatulog na ako.


Lovelots x

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon