Chapter 11

17.8K 344 12
                                    

Alejandro's POV

"Hey bro. Bakit merong pula pula yang taas ng labi mo?" tanong sa akin ni Ben my bestfriend.

"You really wanna know what happen? I would be happy to share you the details?" seryoso kong sabi. Simula kasi ng magkita kami ni Barcelona wala na daw akong bukang bibig kung hindi siya. And the reason behind the red on my upper lip is her.

Hindi ko na hinihintay ang sagot niya kaya nagsimula na akong magsalita

"Last week after ng punta namin sa mansion pagkauwi namin nakatulog na si Barcelona sa byahe pauwi'' ng marinig niya pangalan ni Barcelona umikot yung mata niya. Told you. Nagdire-diretso lang ako magkwento

''Tapos akala ko matutulog na ulit siya pagkauwi. Pero ng makapasok kami sa bahay na-energize daw siya kasi nakatulog naman na daw siya sa kotse kaya nanunuod na lang kami sa kwarto namin'' inemphasize ko pa yung namin dahil hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako makapaniwala na dun na ako nakatira at katabi ko na siya matulog. Gabi gabi simula ng may mangyari sa amin. Nadadalas na rin ang pagsesex namin akala mo hindi buntis si Barcelona o baka dahil buntis siya at yung hormones niya.

''Ng medyo nakalahati na namin yung palabas at yung mga kamay ni Barcelona kung saan saan na nakakarating. Syempre ako naman hinahayaan ko lang siya. Baka magtampo na naman siya sa akin at sabihin na ayaw ko sa kanya. Tapos hindi na ata niya natiis bigla siyang pumatong sa akin na naka-upo''

''Wait. Fuck stop. Brad ang tinatanong ko lang naman bakit may mapula yang taas ng labi mo. Hindi ko gusto marinig yang sex life mo.'' at sinamaan nya ako ng tingin bigla naman akong tumawa ng malakas

''Sorry ito na. Hindi ko na ikekwento yung buo. Yun na after the sex nakahiga lang siya sa ibabaw ko at yung mukha niya nakaharap sa mukha ko at nakapatong sa mga braso niya sa may dibdib ko. Tapos hindi ko masyado napansin na nakatingin na siya sa pagitan ng ilong at labi ko. Salita lang ako ng salita maya maya kinagat na niya ng sobrang diin. Kaya ayan''

''Bro. Wala ng question na magiging mukha mo ang kalalabasan ng bata. pinanggigigilan ka ni Barcelona. Teka nga kelan mo ba ako ipapakilala dyan? Ang tagal tagal niyo ng magkasama hindi ko pa siya nakikita.'' sabi niya ''sa susunod na. Baka ikaw ang paglihian pagnakita ka. Kaya wag ka muna magpakita'' sabi ko naman. Ayoko nga maging kamukha niya magiging anak ko.

Ngumisi siya ''syempre sino ba hindi makakatiis sa kagwapuhan ko?'' sabi niya.

Binato ko sa kanya yung crumpled paper na nasa tabi ko. ''Umalis ka na nga. Wala ka bang trabaho?'' tanong ko.

''Wala. Maiba ako. Wala ka pa bang balak pakasalan niyang nanay ng anak mo? Mukha naman patay na patay ka. Yang ngisi ng mukha mo hindi maalis alis.'' sabi naman niya at binato niya pabalik yung papel sa akin. Lalo naman lumaki ang ngiti ko. Hindi ko pa napagpaplanuhan

''Hindi ko pa alam baka pagkatapos na niyang manganak. Ayaw ng mga babae na magpakasal na malaki ang tyan diba? Pagpaplanuhan ko pa. Hindi ko pa nga nasasabing mahal ko siya. Tatanungin ko na siya agad ng kasal? Hindi pwede yun baka hindi siya pumayag magpakasal dahil baka akalain lang niya gusto kong matali sa kanya dahil sa anak namin. Makakapaghintay naman ako pagkatapos niya manganak.''

''Sabagay. Eh yung sabi mo na ipapakilala mo yung parents mo sa parents niya? Kelan mo balak gawin yun?''

''Hindi ko pa alam. Baka umalis sila mom. May kailangan gawin si dad sa Brazil. Hindi nga daw makapaghintay si mom, at hindi mawala daw sa isip niya na familiar si Barcelona sa kanya.''

''Malay mo kilala nila yung parents ni Barcelona diba? Or hindi naman nagkakalayo business niyo. Baka related kayo sa business at nakita na nila tita parents niya''

Napagisip isip ko na baka nga.

Bigla naman nagring yung phone ko. Barcelona Louisita

Tinignan ko yung oras. Holy shit. May appointment nga pala si Barcelona ngayon sa OBGyne niya. Sinagot ko na yung tawag

''Hey love.. Nasa office pa rin... Paalis ka na sa office mo?... No wait for me susunduin na lang kita... Okay okay. Wait for me there. Bye'' sabi ko at tumayo na.

''Oh aalis ka na?'' tanong ni ben at tumayo na din

''Oo may appointment si Barcelona sa OB niya sasamahan ko siya'' sabi ko at binulsa ko na yung wallet at phone. Kinuha ko na yung phone ko.

Pagkalabas namin. ''Hey cancel all my schedule today may gagawin ako ngayon'' sabi ko sa sekretarya ko. ''Okay po sir''

Dumiretso na kami sa parking lot at umalis na

***

Pagkarating ko sa harap ng building nila Barcelona nakita ko siya na nasa lobby na at nakita na niya yung sasakyan ko

''Hi'' bati ko. Ngumiti naman siya at lumapit sa akin. Kiniss niya ako sa lips. Masama ba kiligin ang lalaki? Dapat bang hindi ito maramdaman ng mga lalaki? Pero ito mismo ang nararamdaman ko paglagi kaming magkasama lalo na pagnakikita ko siya tumatawa lalong bumibilis tibok ng puso ko.

''Hello. Let's go'' sabi niya

Nilagay ko naman yung kamay ko sa may tyan niya at umalis na sa driveway ng office niya.

''Medyo malamig itong gel na ito sa pakiramdam ha?'' sabi ng doktor kay Barcelona at itinaas na niya yung damit at nilagyan ng gel pang sa ultrasound

''Hahanapin muna natin yung heartbeat hg baby'' sabi nung doktor at inikot ikot yung parang remote sa tyan niya at may pinindot sa keyboard sa baba ng screen kung saan namin nakikita yung loob ng uterus ni Barcelona. Tumigil naman yung doktor a paggalaw ng remote at tumigil din siya sa pagsasalita at may pinipindot pindot pa rin sa keyboard at may narinig na kami na parang tibok ng puso.

Pero parang may iba?

''Oh my gosh. Congratulations you have twins Mr. And Mrs. Lawson'' sabi ng doktor. Hindi ko na siya natama na hindi Lawson ang apelyido namin. Dapat Girard.

''What? Twins?'' I stutter ''Yes sir as you can see meron kayong nakikitang dalawa dito and then you can hear na doble ang heartbeat.'' sabi niya at may tinuturo siya sa screen na nagpapakita na dalawa nga ang nasa loob ni Barcelona

Napapangiti ako na pakiramdam ko na parang naiiyak ako. Wala akong masabi tinignan ko si Barcelona na ngumiti naluluha at tumingin siya sa akin.

''We're going to have twins Alejandro.'' sabi niya sa akin at humigpit ang hawak ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tumango tango na lang ako at humalik sa tuktok ng ulo niya.

I can't wait her to be my wife and I have a twins. Hindi lang isa ang anak namin kundi dalawa

I will never let her go. I will die just protect them. My own family 

Lovelots x

(Spread the love <3)

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon