ALL - Thirty Two

13K 554 191
                                    

Ayaw niya pa sanang bitawan ang kamay ko nang gabing iyon pero kailangan ko pumasok para harapin ang mga kaibigan ko kaya naman sinigurado niya munang doon ako mapupunta at hindi kung sinong lalaki nanaman ang matatapunan ko ng kung ano.

Pagkalapit ko sa mga kaibigan ko ay tila normal lang, walang bahid ng awkwardness o kahit na anong pagiwas nila sa akin. Panay pa nga ang daldal ni Zoe eh. Naiinis kasi siya na kung sino-sinong babae ang kumakausap kay Phillip.

"'Di ako papayag na sila lang kumakausap sa kaniya. Dapat ako rin!"

Tinulak siya ni Tanya. "O sige, do'n ka na! Kausapin mo!"

Nilingon kami ni Zoe at sinamaan ng tingin pero sinuportahan ko pa rin siya.

"Ako bahala sa'yo 'pag 'di ka pinansin!"

"Sabi mo 'yan ah!"

Humarap siyang muli sa daan papunta sa table ng mga pa-cool kids. Pinapanood lang namin siyang dumiskarte sa kapatid ko. Kinalabit niya ito at nang lingunin siya ay narinig pa namin ang pagbati sa kaniya nito.

"Oh hey Zoe," he kissed her cheek.

Told 'ya, ganiyan siya 'pag high siya. Iba tama niyan 'pag nakainom ng marami at 'pag nasa bar. Well, he's a typical party boy. Alam ko naman na kapag hindi siya nakakauwi agad ay kung hindi training, party ang dahilan. Nakikita ko ang tagged photos niya sa Facebook, duh.

Tawang-tawa naman si Tanya dito sa tabi ko. "Bwisit talaga 'yang si Zoe oh, wala na, nabato na."

Muli siyang tinawag ni Phillip dahil natulala talaga siya. "Zoe?"

"Ay sorry. Ano kasi...may ano...sa ano...na ano..."

Malakas naman ang naging tawanan ng mga kaibigan ni Phillip. "Fuck that ano, ano ba yang ano na yan? Nakaka-ano!" Sabi pa nung isa.

Hanggang sa mahagip ng mata ko si Deign na nakatitig lang sa akin at nakangiti. 'Di ko na rin tuloy napigilan ang ngumiti sa kaniya.

Nilapitan siya ni Indi at inabutan ng bagong inumin. I glared and I'm sure he saw it kaya naman tinanggihan niya ito. Nakita ko naman ang pagka-irita ni Indi kaya inabot niya na lang sa iba.

Maya-maya ay bumabalik na si Zoe na pulang-pula.

"Tangna, 'di ko na kaya..." nakahawak ang mga kamay niya sa kaniyang kaliwang dibdib. "Uwi na tayo."

Natawa kami ni Tanya at pinaupo na muna siya. Humingi ako ng tubig sa bar tender at pinainom ko naman ito kay Zoe.

"Kalma muna."

Napataas ang kilay ko nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang braso ko. "Gia...first time kong maramdaman 'to. Hinalikan niya ako sa pisngi..."

'Yung maramdaman mong halikan ka ng taong gusto mo, naramdaman ko na 'yon kaya naiintindihan ko si Zoe.

I smiled and held her hand. "Gusto mo na ba talaga umuwi?"

She nodded. I looked at Tanya and she held out her phone to call her driver. Nang dumating na ang sundo nila ay inaya na ako ni Tanya na sumabay na sa kanila pero sinabi kong mahigpit na bilin ni Kuya na sabay kaming uuwi ng kapatid kong lasing na. Kaya hinayaan ko na rin silang mauna na.

Ilang minuto pagkaalis nila ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Tanya.

From: Tanya

Take care, Gia. Goodnight! :)

Napangiti ako dahil sa concern niya kaya naman sinabihan ko rin sila na mag-ingat.

Nilapitan ko si Phillip para sabihing uuwi na ako pero inakbayan lang ako ng mokong.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon