Nanatili lang ako dito sa field para maghintay kay Deign. Alam ko...alam kong babalik siya dito. Pupuntahan niya ako.
Ginamit ko ang oras ng paghihintay ko para makapag-isip ng tama.
Kakausapin ko lang muna si Deign ngayon tapos si Gavin naman. Ayoko na maging unfair sa kanila. Maling-mali na.
Kawawa na ang mga damo sa tabi ko dahil kanina ko pa sila binubunot. Ilang players at cheerleaders na rin ang napanood kong mag-practice pero wala pa ring dumarating na Deign Albert.
Bumili ako sandali ng makakain dahil gutom na gutom na ako. Nang matapos ako makakain ay tumunog ang cellphone ko at nagmadaling i-check ito dahil baka si Dada na iyon pero hindi, si Kuya pala.
"Kuya?" I answered.
"Gia, na saan ka?"
"Nasa school pa. Bakit Kuya? May nangyari ba?"
He sighed deeply. "Andito kami ngayon sa ospital, sinugod namin si Ace namilipit sa sakit ng tiyan eh."
"What!" Hindi ko napigilan ang malakas kong pagsagot kaya naman napatingin ang ibang nagmumuni-muni dito sa field. Nasabi ng kapatid ko na ako raw ang hinahanap ng anak niya. "Kuya saang ospital 'yan?"
Tinext niya sa akin ang pangalan ng ospital at room number.
Siguro hindi pa ito ang oras para magkausap kami ni Deign dahil mukhang ayaw din naman niya. I waited for more than three hours pero kailangan ko puntahan ang pamangkin ko.
Ite-text ko na lang sana siya pero biglang namatay ang phone ko. Ugh, ngayon pa na-lowbatt!
Nagmadali na akong humanap ng cab para pumunta sa ospital.
Nang makarating ako roon ay agad akong lumapit kay Ace. "Hey, ano nangyari sa'yo?"
"Tita, bakit po mali si Robinhood eh tumutulong lang naman siya?"
Kumunot ang noo ko at napatingin na lang sa mag-asawang nakatayo sa dulo ng kama.
Marahil ay namiss niya ang kwentuhan namin tungkol sa mga kung ano-ano nang magkasakit siya noon.
Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. "Eh kasi malinis man ang intention niya mali pa rin yung ginawa niya."
Nagpaiwan na ako at pinasabi na lang kay Kuya na padalhan na lang ako ng gamit sa kasambahay namin bukas ng umaga. Tanghali pa naman ang pasok ko bukas eh kaya ako na lang ang magbabantay ngayong gabi kay Ace.
Ayaw mang iwan nila Ate at Kuya ang anak pero ang bata na rin naman ang nagsabi na umuwi na sila.
"Mom, Dad, okay lang ako, uwi na po kayo baka umiyak si Art 'pag wala kayo paggising niya."
Napaakap naman si Ate Alex sa anak. Akalain mong mahal din naman pala ni Ace kapatid niya, 'di lang halata.
Nanood kaming dalawa ng kung anong matinong palabas sa TV at sakto namang Robinhood ang pinapalabas sa isang channel kaya very eager siya to watch it.
Dumating din ang kasambahay namin na may dalang mga gamit ko kaya naman agad kong chinarge ang cellphone ko. Kinuha ko ang damit pantulog ko at nagpalit.
Gusto ni Ace na tabi kaming dalawa sa kama kaya naman pinagbigyan ko siya. Pero 'di ata talaga nauubusan ng tanong ang mga batang tulad niya.
"Tita, ano po ba ang mali?"
Mali...'pag hindi tama? Alam ko naman kung ano ang mali eh pero bakit parang ang hirap i-explain? Bakit parang napaisip pa muna ako bago sumagot?
"Mali ang isang bagay, Ace, kapag against sa law, sa Church, sa culture."
BINABASA MO ANG
A Levelheaded Lass
Teen FictionBlack Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough?