ALL - Twenty One

21.7K 552 126
                                    

NOTE: This chapter contains a collab with The Kontrabida by manipulativekiddo. Read his story too! Enjoy!

***

It’s Saturday.

I was busy tying my shoe lace when my nephew knocked on my door.

"Tita! Faster!"

"Five minutes!"

"You already said that ten minutes ago!"

I did? Well anyway, I stood up and gave a final look at the mirror. I feel so pretty wearing my white tee, sport shorts, and rubber shoes. I just feel the need of tying my hair up so I did.

"Ang tagal-tagal mo naman Tita eh," bungad sa akin ni Ace pagkabukas ko ng pinto.

"Ay sorry po ha?" I made sure to give emphasis to the word 'po'.

"Hindi ka naman late nagising pero ang tagal mo pa rin," sabay crossed arms habang pababa kami ng hagdanan.

Tignan mo 'tong batang 'to, akala mo matanda kung magsalita. Buti hindi pa niya nakakalimutan na Tita niya ako at mas matanda ako sa kaniya.

Umiinom naman ng gatas ang kapatid niyang si Art na nasa stroller.

"Good morning Art!" Tinanggal niya ang chupon ng bote sa bibig niya at ngumiti sa akin. Aww, how cute! 'Di ko napigilan na paglaruan ang matataba niyang pisngi. "Ang cute-cute mo talaga! Mana ka sa'kin!"

"Kawawa naman 'yang pamangkin ko kung sa'yo nagmana." Sabat nanaman ng magaling kong kapatid.

"Kesa naman sa'yo." I rolled my eyes.

Nagtatalo pa kaming dalawa nang bumaba si Kuya at Ate. Si Ace, ayon nauna na sa sasakyan.

Papunta kami ngayon sa Sports Center dahil health conscious kaming pamilya. Siyempre, joke lang. Depende lang sa mood namin at kung may time, why not. Gusto kasi namin panatilihing healthy ang pamilya namin.

Habang nasa biyahe kami tulog nanaman si Phillip habang nakatakip ang cap niya sa mukha niya. Tss, asar. At itong si Ace, tuwing umaga na lang hindi nauubusan ng energy. Ang yabang-yabang este ang daldal-daldal.

"Dad I got a perfect score in our Math quiz!"

"That's good. I'll buy you a new toy later."

He screamed in happiness. "I also got a perfect score in Reading and Science!"

We laughed. Nang-uuto na 'tong batang 'to. Iniisa-isa para isa-isa rin ang laruan. Minsan talaga ang sarap maging bata na lang, mababaw ang kaligayahan. Because when we grow up, our idea of happiness depends on other people and that makes us feel terrible.

Nang makarating kami sa sports center ay agad nagtatatakbo si Ace, mabuti na lamang ay nahabol siya ni Kuya, binuhat niya ito at sinabayan si Ate Alex na ma-jog habang tinutulak ang stroller na sinasakyan ni Art.

Nag-stretching na muna kami ni Phillip bago umpisahan ang pagtakbo. Nilagay ko na ang earphones ko sa tenga ko at nag-umpisa na kaming mag-jog. Maya-maya lang ay naiwan na rin ako ni Phillip dahil tumakbo na siya. Ako kasi, gusto ko lang naman talaga mag-jog.

Habang nagdya-jog, hindi ko mapigilan hindi mag-obserba sa ibang tao.

'Yung matandang babae na mukhang magsu-Zumba, masaya kaya siya sa buhay niya o pumunta siya rito para sumaya?

'Yung babaeng nakikipaglaro ng tennis sa pader, masaya kaya siya kahit mag-isa? Pero napangiti ako nang may lumapit sa kaniya na lalaki, hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero 'di nagtagal naglaro na silang dalawa. Mukha rin namang hindi sila magkakilala at nakipaglaro lang sa isa't isa. I can see sparks!

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon